Ano mang panulat na walang awtor ay maipasisiyang anonymous. Iyan ang kalagayan ng "SA MGA HEBREO" na walang kalakip na pangalan ng may akda. Kadudaduda sa makatuwid ang nilalaman nito at dahil dito ay kinakailangang ito'y kunan ng kaukulang awtentisidad sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Nakakalungkot isipin na higit pang pinaniwalaan ng marami ang mga di-kapanipaniwalang aral na mababasa dito, kay sa mga salita nitong Espiritu ng Dios na mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus.

Showing posts with label Bible. Show all posts
Showing posts with label Bible. Show all posts

Saturday, January 25, 2025

Chapter 7 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 1 of 4)

Sa kabanatang ito’y tampok sa talata 1 hanggang 10 ang usapin na may kinalaman sa saserdote na magpasawalang hanggan,” at sa pagsasalaysay ng lahi ay ginawang halimbawa itong si Melquisedec. Na bagaman hindi nabanggit sa kasulatan ang kaniyang pinagmulan ay maliwanag na kinagiliwan ng Dios sa pamamagitan ng kaniyang pagsunod, at iniluklok sa Salem (Jeruselem) na dakilang hari.

Palibhasa’y pinamamahayan at pinaghaharian nitong Espiritu ng Dios sa kaniyang kalooban ay ipinahayag niyang siya’y kaniyang saserdote na magpasawalang hanggan.

Sa gayo’y dalawang layunin ang ipinaganap ng Dios kay Melquisedec sa kapanahunang yaon, sa makatuwid baga’y bilang hari at saserdote. Na siyang sa kasaysayan ay kaunaunahang saserdote na inihalal ng Dios, na ang ibig sabihin ay hindi mawawalan ng saserdote ang mga anak ng pagsunod magpakailan man.”

Monday, October 22, 2012

Kabanata 6 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 1 of 4)


Kaugnay ng huling bahagi ng nakaraang kabanata (5) ay maliwanag na ipinahihiwatig nitong may akda, na ang mga aral na nilalaman ng evangelio ng kaharian, na tumutukoy sa kautusan, palatuntunan, at kahatulan ay gaya lamang ng pagkaing gatas ng mga sanggol. Na mga simulaing katuruan na nararapat iwanan ng sinomang umano’y umantas na sa larangan ng kabanalan. 

Sa gayo’y nagsigulang na nga sila at  kakain na ng pagkaing matitigas imbis na gatas. Na kung lilinawin ay yaong mga nilalamang aral nitong evangelio ng di pagtutuli (Gentil) ang matitigas na pagakaing kakanin nila, na isinusulong ng may akda nitong sulat sa mga Hebreo, at ng mga liham ni Pablo sa iba’t ibang bayan.

Dahil dito ay minatuwid sa kabanatang ito ang mga sumusunod na pahayag, gaya ng mababasa sa ibaba.

HEB 6 :
1  Kaya’t tayo’y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa (kautusan), at ng pananampalataya sa Dios,

Kabanata 6 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 2 of 4)


Sa talata 4 hanggang 6 ay sinasabing ang mga minsang naliwanagan at nakalasap ng mga kaloob ng kalangitan (salita ng Dios), at ang nakabahagi sa Espiritu Santo, na nahiwalay sa Dios ay hindi maaaring baguhin silang muli ng kanilang pagsisisi. Sa gayo’y tila baga ipinapako nilang muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios (Jesus), at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.

Kaugnay nito, sa mga nakabahagi sa Espiritu ng Dios o ng Espiritu Santo ay sinasabi,




Silang nabahaginan ng Espiritu ng Dios (Espiritu Santo)

EZE 36 :
27  At AKING ILALAGAY ANG  AKING ESPIRITU SA LOOB NINYO, at palakarin kayo ng ayon sa aking mga PALATUNTUNAN (kautusan), at inyong iingatan ang aking mga KAHATULAN, at ISASAGAWA.

EZE 37 :
28  At malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa Israel, pagka ang aking SANTUARIO (sisidlang hirang) ay mapapasa gitna nila magpakailan man.

Kabanata 6 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 3 of 4)

Sa pagpapatuloy ng may akda ay ibinigay niyang halimbawa itong si Abraham sa talata 13 hanggang 15, na sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya ay inaring ganap at tinamo ang mga pangako (talata 14)  na ipinangako sa kaniya ng Dios. Ang pinagbatayang teksto bilang pagbibigay diin sa bagay na ito ay ang mga sumusunod,

GEN 15 :
6  AT SUMAMPALATAYA SIYA SA PANGINOON; at ito’y ibinilang na KATUWIRAN sa kaniya.

Sa kasulatan ay katotohanang nasasaad na itinuring ng Dios na katuwiran kay Abraham ang kaniyang pananampalataya. Subali’t hindi nangangahulugang gayon na nga ang katuwiran ng Dios na nararapat niyang masumpungan sa mga tao. Bago natin bigyan ng karampatang tanglaw ang usaping ito’y pag-agapayanin muna natin ang mabuting sumpa ng Dios kay Abraham, at ang pinagtibay na sumpa sa anak nitong si Isaac. Sa gayo’y makikita natin ang tunay nating hinahanap.

Kabanata 6 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 4 of 4)


Sa huling dalawang talata (19 at 20) ng kabanatang ito’y iginiit na muli itong si Jesus sa kalagayan ng isang dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. Ano pa’t sinasabing siya’y pumasok sa tabing ng kampamento, nang dahil sa kanila (mga Hebreo at may akda). Na gaya nitong sinepete (angkla) ng kaluluwa ay inari nilang ganap ang pagasang ito na matibay at matatag.

Hinggil sa usaping ito’y katotohanan na itong si Jesus ay isinugo nitong Espiritu ng Dios sa sangbahayan ni Israel, sa layuning likumin at isauli sa kawan ang mga ligaw na tupa ng sangbahayan ni Israel. Na ito’y napakaliwanag na sinasabi,

MATEO 15 :
24  Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi, HINDI AKO SINUGO KUNDI SA MGA TUPANG NANGALIGAW SA BAHAY NI ISRAEL.

Sa pagpapatuloy ay paanong nakabilang ang may akda sa layunin ng Cristo sa nabanggit na sangbahayan, gayong isa siya sa mga Gentil, na hayagang nagsusulong ng mga katuruan (evangelio ng di pagtutuli) na may mariing paghihimagsik sa mga salita (evangelio ng kaharian) nitong Espiritu ng Dios na isinatinig ni Jesus.

Sunday, June 3, 2012

Chapter 5 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 1 of 2)


Sa kabanata (5) namang ito’y tampok ang pagbibigay diin sa pagiging umano’y dakilang saserdote ni Jesus, na siyang gumawa ng walang hanggang kaligtasan sa lahat ng nagsisitalima sa kaniyang mga aral. Sa gayo’y pinangalanan siya ng Dios na dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. 

Gayon ding binibigyang diin ng may akda, na ang mga Hebreo ay hindi na nga mga bata (sanggol) pa na nangangailangan ng pagkaing gatas, upang manatili sa mga  simulaing aral ng Dios (Jesuscristo). Sapagka’t sila’y husto na sa gulang upang kumain ng matitigas na pagkain. 

Sa makatuwid baga’y yaong mga katuruan (evangelio ng di pagtutuli) na umano’y may kinalaman sa katuwiran, na higit ang pakinabang kay sa nabanggit na panimulang aral ng sanglibutan patungkol sa Dios.

Hinggil dito, sa talata 1 hanggang 4 ay binibigyang diin ng gawa nitong mga dakilang saserdote ng mga Hebreo (anak ni Israel). Na sa kanilang panunungkulan ay ginagawa ang mga bagay na nauukol sa Dios at mga tao, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga handog at mga hain patungkol sa mga kasalanan ng bayan at ng kaniyang sarili. 
Na makapagtitiis na may kaamuan sa mga di nakakaalam at sa mga nangagkakamali. Sinoman nga sa kanila ayon sa may akda ay hindi nagtatamo ng anomang karangalan, malibang siya’y tinawag ng Dios gaya ni Aaron.

Chapter 5 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 2 of 2)


JUAN 19 :
30  Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi niya, NAGANAP NA: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga.


Si Jesus nga kung gayo’y namatay sa krus at hindi gaya ng isinasaad sa talata na siya’y nakaligtas sa kamatayang iniamba sa kaniya ng mga tampalasan. Sa pagpapatuloy ay sinabing itong si Jesus ay nanalangin at dumaing sa Dios na may kapangyarihang magligtas sa kaniya sa tiyak na kamatayan. Sa gayo’y may pahiwatig naman dito na siya’y hindi Dios, kundi gaya ng karaniwang tao na umaasa lamang ng kaligtasan sa Dios.

Bagay na sumasalungat sa isinaad ng may akda sa kabanata 1, na kung iaagapay sa talata 7 ay hindi mahirap makita ang mabigat na salungatan.

HEB 5 :
7  Na siya (Jesus) sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangya- rihang makapAgligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya’y dininig dahil sa kaniyang banal na takot,

HEB 1 :
3  Palibhasa’y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na LARAWAN NG KANIYANG (Cristo) PAGKA DIOS, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang ang PAGLILINIS NG MGA KASALANAN, ay LUMUKLOK SA KANAN NG KARANGALAN SA KAITAASAN.

Nang ang nasasaad sa Heb 1:3 ay bigyang diin ni Pablo sa kaniyang mga sulat ay nagtumibay sa kaisipan ng marami, na itong si Jesus ay Dios ngang totoo sa likas na kalagayan, na sinasabi,

Monday, May 14, 2012

Chapter 4 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 1 of 4)


Maliwanag na pinalabas ng may akda sa nakaraang kabanata (3), na ang boong kalahian ng mga anak ni Israel na nangagsilabas sa Egipto ay hindi nakapasok sa kapahingahan ng Dios. Ito’y sa di umano’y kawalan nila ng pananampalataya sa Dios, na nagtulak sa lahing yaon upang maghimagsik sa kaniyang mga kautusan,  mga palatuntunan, at mga kahatulang tinamo ni Moises mula sa Kaniya.

Sa gayo’y naihanda na ang kaisipan ng marami sa pananaw na yaon, upang magtumibay sa kanilang kaisipan ang mga bagay na kailan ma’y hindi sinangayunan ng katotohanan. Sapagka’t sa kabanatang ito’y naihanda na rin ang bagong katuruan (evangelio ng di pagtutuli), na kahit saang banda o angulo mo sipatin ay hindi masumpungan ang katuwiran (evangelio ng kaharian) na binigiyang diin mismo ng Dios mula sa bibig ng kaniyang mga tunay na banal.

Kaugnay nito, sa talata 1 hanggang 3 ay sinasabing may naiwan sa bagong henerasyon ng mga anak ni Israel na pangako ng pagpasok sa kapahingahan ng Dios. Sapagka’t gaya ng kanilang mga magulang ay nagsitanggap din naman sila ng mabubuting balita. Datapuwa’t ito’y naging walang kabuluhan sa kanila, dahil sa umano’y kawalan nila ng pananampalataya. 

Dahil dito ay isinumpa sila ng Dios, na sila’y hindi magsisipasok sa kaniyang kapahingahan. Sa kabilang dako, palibhasa umano’y nagsitindig ang nabanggit na henerasyon sa pananampalataya ay nagsisipasok sila sa kapahingahang yaon.

Chapter 4 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 2 of 4)

Sa talata 8 ay binibigyan naman ng diin ng may akda, na ang kapahingahan ng Dios ay hindi naipagkaloob sa pamamagitan ni Josue, sapagka’t kung ito aniya’y natamo na sa panahong yao’y hindi na sana binanggit pa ng Dios sa ibang araw. Bakit, hindi nga ba natamo ng mga anak ni Israel ang gayong kapahingahan sa panahon ni Josue? Kung gayo’y ano baga ang ibig sabihin ng mga sumusunod na talata?


JOS 1 :
13  Alalahanin ninyo ang salita na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, na sinasabi, BINIBIGYAN KAYO NG KAPAHINGAHAN NG PANGINOON NINYONG DIOS, AT IBIBIGAY SA INYO ANG LUPAING ITO.

14  Ang inyong mga asawa, ang inyong mga bata, at ang inyong mga hayop ay tatahan sa lupain na ibinigay sa inyo ni Moises sa dako roon ng Jordan; nguni’t kayo’y tatawid na may sandata sa harap ng inyong mga kapatid, kayong lahat na makapangyarihang lalaking matapang, at tutulong sa kanila;

15  Hanggang sa mabigyan ng kapahingahan ng Panginoon ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, at kanila namang maari ang lupaing ibinibigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios: kung magkagayo’y babalik kayo sa lupain na inyong ari, at inyong aariin, yaong ibinigay sa inyo Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw.

Narito, at maliwanag na kapahingahan ng Dios ang tinamo nitong mga labi ng Israel na nagsitupad sa kaniyang mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan. Kung may iba pa ngang kapahingahan na ibig ipahiwatig ang may akda ay maliwanag lamang na hindi niya naunawaan ang katotohanang isinasaad sa Awit 95:7-11.

Chapter 4 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 3 of 4)

Sa talata 14 ay sinasabing may isang dakilang saserdote  (Jesus) na pumasok sa kalangitan. Sa gayo’y iniuutos nitong may akda ng sulat na ingatan ng matibay ang pakakakilala sa kaniya sa gayong kalagayan. Nguni’t hindi lamang sa kalagayang nabanggit kinilala ng mga Gentil itong si Jesus, kundi,


ROMA 9:
5  Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang CRISTO ayon sa laman, na siyang LALO SA LAHAT, DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILAN MAN, Siya nawa.

TITO 2 :
13  Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;

HEB 1 :
3  Palibhasa’y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na LARAWAN NG KANIYANG (Cristo) PAGKA DIOS, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang ang PAGLILINIS NG MGA KASALANAN, ay LUMUKLOK SA KANAN NG KARANGALAN SA KAITAASAN.

Chapter 4 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 4 of 4)


Gayon ngang ang Cristo ay naparoon sa sangbahayan ni Israel sa katauhan ni Jesus, ayon sa layuning nabanggit sa itaas. Na gaya ng ibang banal na nabuhay sa sangbahayang yaon ay kinilala ng mga anak ni Israel sa kalagayang propeta. 

Palibhasa’y pinamamahayan at pinaghaharian nitong Espiritu ng Dios sa kanikanilang kalooban. Kung paano nga ang mga tupa (anak ng pagsunod) ay kinalinga ng Espritung yaon sa pamamagitan ng mga propeta ay gayon din naman ang kaniyang ginawa sa pamamagitan ni Jesus. 

Gaya ng nasusulat,


DEUT 18 :
18  Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at AKING ILALAGAY ANG AKING MGA SALITA SA BIBIG NIYA, at KANIYANG SASALITAIN SA KANILA ANG LAHAT NG AKING IUUTOS SA KANIYA. (Amos 3:7)

EXO 29 :
45  At ako’y tatahan sa gitna ng mga anak ni Israel, at ako’y magiging kanilang Dios.

EZE 36 :
27  At AKING ILALAGAY ANG  AKING ESPIRITU SA LOOB NINYO, at palakarin kayo ng ayon sa aking mga PALATUNTUNAN, at inyong iingatan ang aking mga KAHATULAN, at ISASAGAWA.

MAL 2 :
6  Ang KAUTUSAN tungkol sa KATOTOHANAN ay nasa kaniyang bibig, at ang KALIKUAN ay hindi masusumpungan sa kaniyang mga labi: siya’y lumakad na kasama ko sa KAPAYAPAAN at KATUWIRAN, at inilayo sa KASAMAAN ang marami.

7  Sapagka’t ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng KAALAMAN, At kanilang marapat hanapin ang KAUTUSAN sa kaniyang bibig, sapagka’t siya ang SUGO ng Panginoon ng mga Hukbo.

Ang kalagayan ngang yaon ni Jesus ay binigyan niya ng diin, nang kaniyang sabihing,

Wednesday, May 2, 2012

Chapter 3 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 1 of 6)


Sa nakaraang kabanata ay hindi kakaunting bagay ang sa inyo ay nahayag sa maliwanag, at sa mga yao’y nalalaman namin na kayo’y nakaabot sa ganap na pagkaunawa. Gayon din naman sa lawak ng liwanag na tumatanglaw sa inyong kaisipan sa ngayo’y malalantad ng may linaw ang ilang malalabong usapin na ibinangon ng may akda sa kabanatang ito. 

Bagay na kung hindi sisikatan ng liwanag ay patuloy na magiging madilim sa kaisipan ng marami. Ano pa’t sa dilim ay nalalatag ang mga nakaambang kapahamakan, gaya ng batong nakahambalang sa landas na palagiang kinatitisuran ng hindi kakaunting nagsisipagdaan doon. Gaya ng isang patibong ng pagkatisod na sadyang inilaan ng mga tampalasan sa ikapapahamak ng marami sa mga kaawaawa nating kapatid.

Tuesday, May 1, 2012

Chapter 3 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 2 of 6)


Sapagka’t sa Apocalipsis ni Apostol Juan ay kaniyang binabanggit ang tungkol sa anyo ng Bayang Banal ng Dios na tumutukoy sa Bagong Jerusalem, na siyang kaluwalhatian ng langit.  Dito ay makikitang may ganap na kahalagahan ang bilang na LABINGDALAWA (12) sa ganap na kaayusang itinalaga ng kaisaisang Dios doon. 

Hinggil dito ay narito ang katotohanang kaniyang naitala sa kasulatang yaon.

APO 21:
12  Na may isang malaki at mataas na kuta; na may LABINGDALAWANG PINTUAN, at sa mga pintuan ay LABINGDALAWANG ANGHEL; ay may mga pangalang nakasulat sa mga yaon, na siyang LABINGDALAWANG ANGKAN ng mga anak ng Israel. Sa silanganan ay may tatlong pintuan, at sa hilagaan ay may tatlong pintuan, at sa timugan ay may tatlong pintuan, at sa kalunuran ay may tatlong pintuan.

Monday, April 30, 2012

Chapter 3 "SULAT SA MGA HEBREO" ((Part 3 of 6)

Mula sa maliwanag na pahayag nitong si Pablo ay binibigyan niya ng diin, na si Jesus ay isang tunay na Dios at siyang nagtayo nitong iglesia ng mga Gentil. Nguni’t kung si Jesus sa kaniyang sarili ang ating tatanungin ay sasangayunan naman kaya niya ang kalagayang Dios na inilalapat ng taong ito sa kaniyang sarili. Katotohanan din kaya na si Jesus ang nagtayo ng nabanggit na iglesia? 

Hinggil dito ay sinabi,

JUAN 8 :
40  Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING NARINIG SA DIOS: ito’y hindi ginawa ni Abraham.

Sunday, April 29, 2012

Chapter 3 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 4 of 6)

Hinggil naman sa mga tupa ay sinabi,

EZE 34 :
31 At kayong mga tupa ko (anak ni Israel), na mga TUPA SA AKING PASTULAN ay mga TAO, at ako’y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.

MATEO 25:
32  At ilalagay niya ang mga TUPA sa kaniyang KANAN, datapuwa’t sa KALIWA ang mga KAMBING.

33  Kung magkagayo’y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan.

Napakaliwanag kung gayon na ang mga anak ng pagsuway (kambing) na kabilang sa mga anak ng pagsunod (tupa) ang tanging naging sanhi ng pamamanglaw ng Dios na apat na pung taon (40) taon. Ano pa’t katotohanan na nararapat tanggapin ng lahat na tanging mga anak ng pagsuway (kambing) lamang ang hindi kailan man papasok sa Kaniyang kapahingahan. Ang lahing ito sa makatuwid ang nasumpungan ng Dios na mga walang pananampalataya sa Kaniya, na sinasabi,

Saturday, April 28, 2012

Chapter 3 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 5 of 6)

BAUTISMO
Evangelio ng kaharian
(Mula sa bibig ng Cristo)

MATEO 3 :
11  Sa katotohanan ay BINABAUTISMUHAN KO KAYO SA PAGSISISI: datapuwa’t ang dumarating sa hulihan ko ay LALONG MAKAPANGYARIHAN kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: SIYA ANG SA INYONG MAGBABAUTISMO SA ESPIRITU AT APOY.

MATEO 28 :
19  Dahil dito’y magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong BAUTISMUHAN sa PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.

20  Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo, at narito, AKO’Y SUMASA INYONG PALAGI, HANGGANG SA KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.

Saturday, March 31, 2012

Chapter 2 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 1 of 5)

Sa kabanata namang ito’y itinatampok ng may akda ang mga usapin na may kinalaman sa mga sumusunod,

1. Na ang ipinangusap na mga salita ng mga anghel sa mga tao noong una ay hindi naging matibay sa katarungan ng Dios. Dahil dito, ang kaligtasan ay binibigyang diin na ayon lamang sa mga salitang nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus, na pinatototohanan ng kaniyang mga saksi (labingdalawang apostol).

2. Si Jesus ay ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel. (Bil 20:16)

3. Na sa pamamagitan nitong biyaya ng Dios ay ipinalasap kay Jesus ang kamatayan, upang tubusin ang kasalanan ng bawa’t tao sa sanglibutan.

Ang mga nabanggit na usapin sa itaas ay mga doktrinang pangrelihiyon na pumapaloob sa "evangelio ng di pagtutuli" ng kalipunang Gentil. Na mga katuruang di umano’y tinanggap nitong si Pablo mula sa espiritu ni Jesus na sumasa kaniyang kalooban. Sa gayong pagpapakilala sa mga nabanggit na aral ay hindi naging mahirap sa panig ng kalipunang nabanggit, na ang mga yaon ay tanggapin at paglagakan ng lubos nilang tiwala. Ito nga sa ngayo’y may tibay na pinaninindignan ng boong kasapi nitong iglesia ng mga Gentil.

Friday, March 30, 2012

Chapter 2 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 2 of 5)


Yaong kapangyarihang mangibabaw ng higit sa mga hayop, isda, at ng mga umuusad sa lupa (ahas). Na kung lilinawin pa’y nilalang ang sangkatauhan na kalakip ang ganap na kapamahalaan sa kanila, at bilang paghahari sa kanila’y inilagay sila sa ilalim ng mga paa (kapangyarihan) ng mga tao, upang mapagunawa na sila ang gawa nitong kamay ng Dios na lalong higit na mababa ang likas na kalagayan kay sa tao. Sa madaling salita’y alipin sila at panginoon nila ang mga tao.

Nguni’t nang ang teksto ay sipiin sa aklat ng “Sa mga Hebreo” ay nahayag sa maliwanag na ang katuwiran na sinasangayunang lubos ng katotohanan hinggil dito ay pinilipit ng may akda. Nang magkagayo’y inyong makikita na ito’y ipinatungkol lamang sa isang tao na nagngangalang Jesus. Na pinagkalooban umano nitong kaluwalhatian at karangalan upang tuntungan ng kaniyang mga paa ang ulo ng mga tao. Sa layuning pasukuin ang lahat ng mga bagay at kilalanin siya nilang Panginoon, na gaya ng Dios na tumutubos ng sala at nagliligtas ng kaluluwa.

Ano pa’t siyasatin nyo ngang mabuti ang sipi at ihambing sa katuwirang binibigyang diin ng teksto na kaagapay nito. Nang sa gayo’y makita ninyo kung paapaano napalitan ng salitang "anghel" ang salitang "Dios," gayon din ang lubhang malaking pagkakaiba ng dalawang (2) talata na nalalahd sa nakaraang bahagi (Part 1 of 5). Na sinasabing itong si Jesus ay inilagay ng Dios sa ibabaw ng mga tao, upang ang lahat ay ganap niyang pagharian. Samantalang sa teksto ay ginawa ang sangkatauhan upang pagharian ang lahat ng mga nilikha (hayop) na lalong mababa sa kaniya (tao) ang likas na kalagayan (Awit 8:6-8, Gen 2:26).

Thursday, March 29, 2012

Chapter 2 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 3 of 5)

HEB 2 :
10 Sapagka’t marapat sa kaniya na pinagukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian na gawing sakdal siyang may gawa ng kaligtasan nila sa pamamagitan ng mga sakit.

Sa talata 10 ay muling minamatuwid ng may akda ang ilang mga bagay na kailan may hindi nangyaring sinangayunan nitong katotohanan ng Dios. Palibhasa’y wala sa anyo na lumalarawan sa mga bagay na binigyan niya ng eksistensiya sa kalupaang ito. Na kung pagsusunodsunurin ay gaya ng mababasa sa ibaba.

1. Na iniukol ng Dios kay Jesus ang kapamahalaan at paghahari sa lahat ng mga bagay.

2. Na sa pamamagitan niya’y nilikha ang lahat ng mga bagay.

3. Na siya’y nagligtas ng kaluluwa at tumubos ng sala nitong sanglibutan.

4. Na si Jesus na naghatid ng kaligtasan sa sanglibutan ay ginawang sakdal sa pamamagitan
          ng kamatayan niya sa krus.

Ugatin nga natin kung papaano itong si Pablo at ang may akda nitong sulat sa “Sa mga Hebreo” ay umabot sa gayong kapangahas na pagpapahayag hinggil sa likas na kalagayan ni Jesus. Dahil dito ay sinabi,

MATEO 28 :
18 At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA LANGIT AT SA IBABAW NG LUPA AY NAIBIGAY NA SA AKIN.

Wednesday, March 28, 2012

Chapter 2 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 4 of 5)

ANG LAYUNIN NG EKSISTENSIYA NI JESUS

MATEO 1 :
1  Ang aklat ng lahi ni Jesucristo, na anak ni David, na anak ni Abraham.

GEN 26 :
5 Sapagka’t SINUNOD NI ABRAHAM ang aking TINIG, at GINANAP NIYA ang aking BILIN, ang aking mga UTOS, ang aking mga PALATUNTUNAN, at ang aking mga KAUTUSAN. (Juan 5:19)

1 HARI 3 :
14  At kung ikaw (Solomon) ay lalakad sa aking (YHVH) mga daan, upang ingatan ang aking mga PALATUNTUNAN, at ang aking mga UTOS, gaya ng INILAKAD NG IYONG AMANG SI DAVID, ay akin ngang palalaunin ang iyong mga kaarawan.

JUAN 5 :
19  Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, HINDI MAKAGAGAWA ANG ANAK NG ANOMAN SA KANIYANG SARILI KUNDI ANG MAKITA NIYANG GAWIN NG AMA (Abraham); sapagka’t ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa (Gen 26:5), ay ang mga ito rin naman ang GINAGAWA NG ANAK (Jesus) sa GAYON DING PARAAN. (pisikal na ama)