Sa kabanatang ito’y
tampok sa talata 1 hanggang 10 ang usapin na may kinalaman sa “saserdote na magpasawalang
hanggan,” at
sa pagsasalaysay ng lahi ay ginawang halimbawa itong si Melquisedec. Na
bagaman hindi nabanggit sa kasulatan ang kaniyang pinagmulan ay maliwanag na kinagiliwan
ng Dios sa pamamagitan ng kaniyang pagsunod, at iniluklok
sa Salem (Jeruselem) na dakilang hari.
Palibhasa’y pinamamahayan at
pinaghaharian nitong Espiritu ng Dios sa kaniyang kalooban ay ipinahayag
niyang siya’y kaniyang saserdote na
magpasawalang hanggan.
Sa gayo’y dalawang layunin ang
ipinaganap ng Dios kay Melquisedec sa kapanahunang yaon, sa makatuwid
baga’y bilang hari at saserdote. Na siyang sa
kasaysayan ay kaunaunahang saserdote na inihalal ng Dios, na
ang ibig sabihin ay “hindi mawawalan ng
saserdote ang mga anak ng pagsunod magpakailan man.”
Bagaman sinabing siya’y saserdote
magpakailan man ay hindi nangangahulugan na ang tinutukoy ay ang
pangalang Melquisedec, kundi ang pangalan ay sumisimbulo
sa pananatili ng gayong tungkulin sa lahat ng panahon. Na kapag binanggit ang
pangalan ay nangangahulugang hindi mawawalan ng saserdote ang Dios
sa kalupaan sa lahat ng panahon.
Gaya ng bahag-hari
na kapag nasaksihan sa kalawakan ay nangangahulugang hindi na kailan man
magiging dahilan ang tubig sa pagkalipol ng mga tao sa kalupaan. Na mga sumpa
ng Dios na hindi kailan man mababago maging ng kaniyang sarili.
Dahil
dito, kung si Abraham ay inaring ganap ng Dios sa layuning
kalatan ng mabubuting binhi ang sanglibutan. Gayon din si Melquisedec
ay ginawang hari at saserdote. Maliwanag lamang na
silang dalawa’y kinagiliwan at inaring ganap sa pamamagitan ng mga sumusunod na
gawa,
GEN
15 :
6 AT SUMAMPALATAYA SIYA SA PANGINOON; at
ito’y ibinilang na KATUWIRAN sa kaniya.
GEN 26 :
5
Sapagka’t
SINUNOD NI
ABRAHAM ang aking TINIG, at GINANAP NIYA ang aking BILIN, ang aking mga UTOS, ang aking mga PALATUNTUNAN, at ang aking mga KAUTUSAN.
Gayon nga rin si Abraham gaya ni Melquisedec ay sumampalataya
sa Dios at yao’y itinuring na katuwiran sa kaniya, sapagka’t sinunod
niya ang tinig ng Dios at ginanap ang kaniyang mga palatuntunan
at kautusan. Sapagka’t kung siya’y hindi kinakitaan ng gayon ng Ama
ay hindi siya gagawing hari, at hindi ipahahayag na ang layuning
saserdote ay mananatili sa mga tao ng magpakailan man. Na
kung liliwanagin ang salitang ito’y gaya ng sinasabi,
GEN
14 :
18 At si Melquisedek, na HARI
SA SALEM, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya’y SASERDOTE NG KATAASTAASANG DIOS.
MAL
2 :
6 Ang KAUTUSAN
tungkol sa KATOTOHANAN ay nasa kaniyang bibig, at ang KALIKUAN ay
hindi masusumpungan sa kaniyang mga labi: siya’y lumakad na kasama ko sa
KAPAYAPAAN at KATUWIRAN, at
inilayo sa KASAMAAN ang marami.
7 Sapagka’t ang mga labi ng saserdote ay
dapat mangagingat ng KAALAMAN, At
kanilang marapat hanapin ang KAUTUSAN sa
kaniyang bibig, sapagka’t siya ang SUGO ng Panginoon
ng mga Hukbo.
Katotohanan na may kasakdalan ang isang saserdote, nang dahil sa ang salita
ng Dios ay nasa kaniyang bibig, at siya’y lumalakad na kasama ng
Dios sa kapayapaan. Palibhasa’y namamahay at naghahari sa kalooban ng
isang saserdote ang kaniyang Espiritu, na sinasabi,
EZE
36 :
27 At AKING ILALAGAY ANG AKING ESPIRITU SA LOOB NINYO, at
palakarin kayo ng ayon sa aking mga PALATUNTUNAN, at
inyong iingatan ang aking mga KAHATULAN, at
ISASAGAWA.
Exo 26 :
11 At ilalagay ko ang aking
tabenakulo (saserdote) sa gitna ninyo: at hindi ko kayo
kapopootan. (Apo 21:3-4)
12 At lalakad ako sa gitna ninyo
at ako’y magiging inyong Dios, at kayo’y magiging aking bayan.
2 SAM 23 :
2 Ang Espiritu ng
Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko, At ang kaniyang salita ay suma
aking dila.
Kaya nga, nang si Abraham ay pumaroon sa salem
(Jerusalem) na dala ang kaniyang mga samsam sa mga bansa niyang sinakop
ay hindi siya nagdalawang isip na tuparin ang palatuntunang ito ng Dios.
Na ang ikasampung bahagi ng anomang tinatangkilik ay kailangang
ipagkaloob sa kaisaisang saserdote ng Dios sa kapanahunang yaon. Na siya
nga ay si Melquisedec na pinagkalooban niya ng ikasampung bahagi
(ikapu) ng magagaling na samsam.
Sapagka’t
nalalaman ni Abraham, na ang mga kautusan ng Dios ay nasa kay Melquisedec
at siya ay lumalakad na kasama ng Dios sa kapayapaan. Gayon ding
talastas niya na ang Espiritu nito’y nagsasalita sa pamamagitan nitong bibig ng
haring Melquisedec. Ano pa’t kung siya’y hindi nagkaloob ng ikapu
sa hari at saserdote ng Salem ay maliwanag, na siya’y lumabag sa
nabanggit na palatuntunan, at hindi malayo na siya’y patawan niya ng
kaukulang hatol sa salang iyon.
Sapagka’t ang sinoman ay may
tungkuling magkaloob ng ikapu (10%) sa saserdote ng bayan, at
yamang itong si Abraham ay napadako sa Salem ay inari siyang
ganap ni Melquisedec na kabilang sa kaniyang nasasakupan. Kaya hindi na
nga ipinaalaala pa ng saserdote kay Abraham ang kaniyang
tungkulin, at kapagdaka ay walang anomang ibinahagi sa kaniya ang kaukulang ikapu,
na isa sa mga palatuntunan ng Dios na pinaiiral ng hari at saserdote
sa bayan ng Salem.
Kaugnay nito, kung ito mang si Melquisedec
ay hindi kabilang sa talaan ng mga lahi, at nangyaring tumanggap ng ikapu
mula kay Abraham. Ito’y nang dahil sa siya’y inihalal mismo ng Dios
sa kalagayan ng isang dakilang saserdote.
Nguni’t ang napakaliwanag sa
usaping ito’y kabilang siya sa kalipunan ng mga anak ng pagsunod sa Dios.
Gayon din sa kapanahunan pa lamang pala niya’y mayroon ng mga kautusan
at palatuntunan, at kahatulan ang Dios na pinaiiral sa
kalupaan.
Sa makatuwid, ang anak ng pagsunod sa kapanahunang yao’y walang ipinagkaiba sa mga anak ng pagsunod sa ngayon. Sapagka’t sa pagtalima nila noong una sa kautusan ay gayon ngang sila’y
kinalulugdan ng Ama at ang marami sa ngayon. Kaya’t kung sa pamamagitan
ng kautusan na tinamo ni Moises
sa Sinai ay naliligtas ang kaluluwa ng sinoman, ay gayon din
naman sa pamamagitan ng mga kautusan (Noahide Law)sa kapanahunan
ni Melquisedec at Abraham na naliligtas ang kaluluwa ng
mga anak ng pagsunod. Sapagka’t magkatulad
na utos na kalugodlugod
sa Dios ang tinatalima noon una at sa ngayon.
Ang isa pang napakaliwanag dito,
bagaman itong si Melquisedec ay naturingang walang pinagmulan, nang
dahil sa ang kaniyang pangalan ay hindi kabilang sa talaan ng lahi.
Ano pa’t nang sumunod sa kautusan at palatuntunan ay pinaupo
ng Dios sa luklukan ng hari, at sa pamamagitan niya’y ipinahayag na
ang tungkuling saserdote ay hindi kailan man mawawala sa kalupaan (saserdote
magpakailan man).
Kung
gayo’y maliwanag na ang kautusan ay sumasakop sa lahat, maging ikaw ma’y
sinasabing walang pinagmulan o mayroon man. Kaya’t ang sinomang pahintulatan ng
Dios na mabuhay sa kalupaan ay may tungkuling gumanap sa kaniyang
mga kautusan at mga palatuntunan, Sapagka’t sinabi,
EZE
18 :
4 Narito,
LAHAT NG KALULUWA AY AKIN; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa
ng anak ay akin: ANG KALULUWA NA
NAGKAKASALA AY MAMAMATAY.
Dahil dito, ang
sinomang tao na pumasok sa eksistensiya
sa kalupaan ay napakaliwanag na may pinagmulang biyolohikal
na ama. Sapagka’t ang binhi ay mula sa sistemang reproduksiyon ng lalake na inilalagak niya sa sinapupunan ng
isang babae, upang sa tanging kapanahunan ay isilang sa mundong pisikal ang
nabanggit na binhi. Ito’y katotohanan na isang batas ng Dios, o
ng kalikasan na maging siya’y hindi maaaring baguhin. Kaya’t ang
lahat na nabuhay sa kalupaan ay katotohanang dumaan sa kaisaisang prosesong
yaon ng eksistensiya.
Bagaman
itong si Melquisedec ay sinabing, “walang ama, walang ina, walang
tandaan ng lahi, at walang pasimula ng araw, ni katapusan ng
buhay man,” ay
hindi nangangahulugang siya’y gayon ayon sa pagkakasulat. Tungkol sa usaping
ito’y matuwid na alalahaning may batas ang Dios na nararapat ikonsidera
tungkol dito. Katunayan lamang na sa kapanahunang yao’y walang sinomang
nakakaalam sa kaniyang pinagmulang lahi, at gayon din na walang isa mang nakapagtala sa naging katapusan ng kaniyang eksistensiya sa kalupaan.
Ang katawan,
palibhasa’y pisikal ay ganap na sinasakop nitong panahon at espasiyo (time and space), at dahil dito’y gumugulang ang
katawan at tumatanda hanggang sa ito’y mauwi sa lupa na kaniyang pinagmulan. Na
isa pang batas ng kalikasan na nararapat ikonsidera sa usaping
ito, at dahil dito’y walang alinlangan na itong si Melquisedec ay
dumating sa sukdulan ng sagad na buhay sa kalupaan, bago lisanin ng kaniyang kaluluwa
ang pisikal na katawan.
Imulat ninyo ang inyong mga mata
at isipan sa katotohang ito, at huwag kayong gumaya sa mga hangal, na sa
kababaan ng kamalayan sa mga batas ng Dios ay nagsipaniwala na si Melquisedec
ay pinayagan ng Dios na sumulpot sa mundo na gaya lamang ng kabuting (mushroom)
tumubo sa lupa.
Gayon ding hangal ka ngang
talaga, kung sa isip mo’y maaaring dalhin ng kaluluwa ang pisikal niyang
katawan sa dimensiyon ng Espiritu. Gaya ng minamatuwid nitong hibang na si Lucas
sa kahulihulihang bahagi ng una niyang aklat. Na di umano’y umakyat
sa langit ang katawan ni Jesus at doo’y nabuhay siya na magpasawalang
hanggan.
Ano pa’t kung malalaman at
mapapagunawa ng marami ang mga nabanggit na batas ng kalikasan ay madali
nga lamang matalastas, kung ang inyong mababasa at maririnig na mga salita ay
may paglabag o may pagsangayon sa nabanggit na mga batas ng Dios.
Dahil dito ay hindi kayo mapaglalalangan ng mga taong ang layunin ay kaladkarin
ang sinoman sa kahangalan at kahibangan, na siyang mitsa sa tiyak
na kapahamakan ng inyong kaluluwa.
Yaon
nga ang ilan sa mga batas na Dios, na nagsasakatuparan sa kaniyang
sarili, datapuwa’t mayroong mga batas na ang kapamahalaan sa paggawa ay
ang mga tao. Sa makatuwid baga’y ang mga kautusan ng pagibig at
mga palatuntunan ng ating Ama na nasa langit, na
sinasabi,
ECL
12 :
13 Ito ang wakas ng
bagay; lahat ay NARINIG: IKAW
AY MATAKOT SA DIOS, at SUNDIN
MO ANG KANIYANG MGA UTOS; sapagka’t ITO ANG BOONG KATUNGKULAN NG TAO.
14 Sapagka’t dadalhin ng Dios ang
bawa’t GAWA SA KAHATULAN, pati ng bawa’t kubling bagay,
maging ito’y MABUTI
o maging ito’y MASAMA.
Maliwanag ngang sakop ng kautusan at palatuntunan ng Dios
ang lahat ng tao sa boong kalupaan, at walang sinomang maaaring kumalas, o
tumakas man sa tanikalang ito na may kahigpitang bumibigkis sa ating lahat.
Gayon din naman ang mga batas ng Dios sa ating kalikasan (nature)
ay masiglang umiral nang pasimula at ang kasiglahan nito’y katotohanang
nasasaksihan ng lahat hanggang sa kasalukuyan, na mananatili sa gayong
kalagayan sa lahat ng mga panahong magsisidating.
Sa ibang dako ay sinasabi ng may akda
sa talata 11 at 12, na walang kasakdalan, o kabuluhan ang
pagkasaserdote ng mga Levita. Sapagka’t muli ay nagbangon ang Dios
ng isang saserdote (Jesus) na ayon di umano sa pagkasaserdote ni
Melquisedec, na hindi ibinilang ayon sa pagkasaserdote ni Aaron.
Nang palitan di umano ang pagkasaserdote
ni Aaron at ng mga Levita ay kailangan din namang
palitan ang mga kautusan na pinaiiral ng Dios sa kalupaan.
Nguni’t
saang kasulatan ng mga anak ni Israel mababasa, na sinabi ng Dios
kay Jesus na siya’y inihahalal niya sa kalagayang iyon? Ano pa’t kung
siya’y naghalal man ng sinoman sa gayong layunin ay sino baga ayon sa banal na
kasulatan ang napakaliwanag na nagtamo ng kalagayang nabanggit? Hinggil dito ay
sinabi,
Awit 110 :
1 Sabi ng Panginoon sa aking panginoon, Umupo
ka sa aking kanan, Hanggang sa aking gawing
tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
2 Pararatingin ng Panginoon ang
setro ng iyong kalakasan mula sa Sion; Magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
3 Ang bayan mo’y naghahandog na
kusa, Sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagan- dahan ng kabanalan: Mula sa
bukang liwayway ng umaga, Ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan,
4 Sumumpa ang Panginoon, at hindi
magsisisi, Ikaw
ay saserdote magpakailan man, Ayonsa pagkasaserdote ni Melchisedech.
Kung inyong napansin ang Awit
110:1 ay may binabanggit na Panginoon sa malaking letrang “P” at may binabanggit na panginoon sa maliit na letrang “p”. Dalawang (2) entidad ang maliwanag na tinutukoy sa unang
bahagi ng nabanggit na talata. Na sinasabing ang panginoon (hari) ay umupo
sa kanan ng Panginoon
(Dios), hanggang sa gawin ng Panginoon
(Dios)
na tungtungan ng panginoon
(hari)
ang kaniyang mga kaaway.
Ang
hari nga ng Israel ay kailangang tumupad sa mga kautusan ng
Dios bilang paglagay sa kaniyang kanan, nang sa gayo’y tulungan
ng Dios ang hari na mapasailalim sa mga paa niya ang kaniyang
kaaway na bayan at bansa sa kaniyang paligid. Kaya’t kung
mailalagay ng panginoon
(hari)
ang kaniyang sarili sa kanan ng kaniyang Panginoon (Dios) ay isusumpa nga ng Dios, na siya’y kikilalanin niyang
isang saserdote magpakailan man, na ayon sa pagkasaserdote ni
Mesquisedec.
Hinggil
sa usaping ito’y siyasatin nga natin ang aklat ng propetang si Samuel,
nang sa gayo’y maging ganap ang inyong pagkaunawa sa katuwiran ng mga
pahayag sa Awit 110:1-4, at ang kahidwaan ng
mga salita sa Heb 5:5-6. Sa gayo’y bibigyan namin sa inyo ng linaw
ang tumutukoy sa isang Panginoon at isa pang panginoon.
Hinggil dito ay narito ang ilang talata
na pagkakakilanlan sa dalawang magkatulad na salitang ito. Nang sa gayo’y
maalaman kung sino baga ang tinutukoy ni David na Panginoon at panginoon sa kaniyang awit.
1 Sam 24 :
6 At kaniyang sinabi sa kaniyang mga lalake,
Huwag itulot ng Panginoon
na ako’y gumawa ng ganitong bagay sa aking panginoon, na pinahiran ng langis ng
Panginoon, na aking iunat ang aking
kamay laban sa kaniya, yamang siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon.
|
1 Sam 24 :
6
The Lord forbid that I should do this thing
unto my master, the Lord’s anointed, to stretch
forth mine hand against him, seeing he is the anointed of the Lord.
|
|
|
10 ibinigay ka ngayon ng Panginoon sa aking kamay sa
yungib: at sinabi sa akin ng iba na patayin kita: Hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa
aking panginoon; sapagka’t siya ang pinahiran ng
langis ng Panginoon.
|
10 the Lord had
delivered thee to day into mine hand in the cave: and some bade me kill thee:
but mine eye spared thee; and I said, I will not put forth mine hand against
my lord; for he is the Lord’s anointed.
|
|
|
26 Ngayon nga, panginoon
ko, buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong
kaluluwa.
|
26 Now
therefore, my lord, as tha Lord liveth, and as thy
soul
|
|
|
1 Sam 25 :
28 Sapagka’t tunay na gagawin ng Panginoon
ang aking panginoon
ng isang sangbahayan na tiwasay, sapagka’t ibinabaka ng aking panginoon
ang mga pagkabaka ng Panginoon; at ang kasamaan ay hindi
masusumpungan sa iyo sa lahat ng iyong araw.
|
1 Sam 25 :
28 for the Lord will
cerainly make my lord a
sure hourse: because my lord fighteth
the battles of the Lord, ang eveil hath no been
found in thee all thy days.
|
|
|
30 At
mangyayari, pagka nagawa ng Panginoon
sa aking panginoon
ang ayon sa lahat ng mabuti na kaniyang sinalita tungkol sa iyo, at kaniyang
nai- halal ka na prinsipe sa Israel.
|
30 And it shall come to pass, when the Lord shall have done to
my lord
according to all the good that he hath spoken concerning thee, and shall have
appointed thee ruler over Israel.
|
|
|
31 Gumawa ng
mabuti ang Panginoon
sa aking panginoon.
|
31 but when
the Lord
shall have dealt well wth my lord,
then remember thine handmaid.
|
|
|
1
Sam 26:
17 At nakilala ni Saul ang tinig ni
David at nagsabi, Ito ba ang tinig mo, anak kong David? at sinabi ni David,
aking tinig nga, panginoon
ko, Oh hari.
|
1
Sam 26 :
17 And Saul knew David’s voice, and said, Is
this thy voice, my son David? And
David said, It is my voice, my lord, O king.
|
|
|
AWIT 110 :
1
Sinabi ng Panginoon
sa aking panginoon, Umupo ka sa aking kanan, Hanggang sa
aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
|
PSALM
110 :
1 The Lord said
unto my lord, Sit thou at my right hand, until I
make thine enemies thy footstool.
|
|
|
Sa ikalilinaw pa’y alamin naman nating kung sino ang tanging
tinatawag na Panginoon.
ISA 45 :
6 Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng
araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin; ako ang Panginoon, at walang iba.
ISA 60 :
16 Ikaw naman ay iinom ng gatas ng mga bansa, at
sususo sa mga suso ng mga hari; at iyong mala- laman na akong Panginoon, ay TAGAPAGLIGTAS sa
iyo, at MANUNUBOS sa iyo, Makapang- yarihan
ng Jacob.
ISA 62 :
12 At tatawagin nila sila. ang banal na bayan.
ang TINUBOS NG Panginoon:
ikaw ay tatawagin, Hinanap, Bayang hindi pinabayaan.
Sa makatuwid ay kaisaisa lamang
ang maaaring patungkulan sa katagang “Panginoon,” Siya kung gayon ay walang iba
kundi ang kaisaisang Dios lamang, na kung saan ay nagmula ang
lahat. Datapuwa’t kung ang katagang ito na nagsisimula sa malaking letrang “P” (Panginoon) ay ipatutungkol sa tao ay napakaliwanag na
ipinahihiwatig na siya ay Dios din na tulad ng lumalang at umanyo ng
lahat.
Gayon pa man, kung gamitin na
nagsisimula sa maliit na letrang “p” (panginoon), ayon sa aklat ni Samuel ay
ipinatutungkol ang salitang ito sa mga hari. Na tulad kung paano tawagin
ni David at ng iba si haring Saul sa mga talata na
mababasa sa nakaraang dalawang pahina
Sa makatuwid, ayon sa aklat
ng propetang si Samuel ay si David ang nagsasalita at isinasaysay
niya, na ang Panginoon (Dios) ay nagsaad sa kaniyang panginoon (haring Saul), na umupo sa kaniyang kanan, sa gayo’y gagawin ng Panginoon (Dios) na tungtungan ng mga paa ni Haring Saul
ang kaniyang mga kaaway sa kapanahunang yaon.
Nguni’t
sa kasamaang palad ay hindi nagawa ni haring Saul ang minamatuwid
sa kaniya ng Dios, kaya’t siya’y pinababa sa kaniyang luklukan at ang
inihalili sa kaniya ay si David bilang hari. Nang magkagayo’y
itong si David ang kinilala ng Dios na saserdote
magpakailan man, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
Palibhasa’y nagawa niya na tumuntong sa kanan ng kaniyang Panginoong Dios. Na kung lilinawin ay
gaya ng inilakad ng Ama niyang si Abraham, na
sinasabi,.
GEN
26 :
5 Sapagka’t SINUNOD NI
ABRAHAM ang aking TINIG, at GINANAP NIYA ang
aking BILIN, ang aking mga UTOS,
ang aking mga PALATUN- TUNAN, at ang aking mga KAUTUSAN. (Juan
5:19)
At kay Salomon ay sinabi ng Panginoong Dios,
1
HARI 3 :
14
At kung ikaw (Solomon) ay
lalakad sa aking (YHVH) mga daan, upang ingatan ang
aking mga PALATUNTUNAN, at
ang aking mga UTOS, gaya ng INILAKAD
NG IYONG AMANG SI DAVID, ay
akin ngang palalaunin ang iyong mga kaarawan.
Ano pa’t kung
sasabihing si Abraham, David, at Solomon
ay naging kalugodlugod sa paningin ng Dios sa pamamagitan ng
pagtalima sa iisang kautusan lamang. Bakit itong si Abraham
ay ginawang tagapagpakalat ng mabuting binhi, at itong si David
ay ginawang hari at saserdote magpakailan man.
Samantalang itong si Solomon ay pinanatili lamang sa kalagayang
hari?
Maliwanag ngang ipinahihiwatig,
na hindi lahat ng nakaabot sa pagtatangi ng kaisaisang Dios ay
pinagaganap sa iisang layunin lamang, kundi sila’y itinatalaga sa iba’t ibang
gawain alinsunod sa pangangailangan ng mga anak ng Dios sa
kanikaniyang kapanahunan.
Ang nagkaroon nga lamang ng
pagkakatulad sa layunin ay itong si Melquisedec at si David.
Sapagka’t si Melquisedec ay ginawa ng Dios na hari
at saserdote ng Salem, na ngayo’y tanyag sa katawagang Jerusalem.
Gayon din naman itong si David ay natamo mula sa paghirang ng Dios
ang kalagayang hari at saserdote ng Jerusalem at ng
boong kalupaang nasasakupan ng Israel.
Sa
ikalilinaw ng usaping ito’y inyong ngang tunghayan ang mga sumusunod na
layuning inilapat sa mga pangalan.
Ang
layunin na pinatutunkulan ng mga pangalan
1.
Melquisedec (Salem) - Hari at Saserdote (magpakailan man)
2.
Abraham, Isaac, Jacob (Israel) - Mga puno ng mabubuting binhi sa kalupaan.
3.
Nathan/Samuel etc. - Propeta (mensahero ng Dios)
4.
Saul - Hari
5.
David (Jerusalem) - Hari at Saserdote (magpakailan man)
6.
Solomon - Hari
7. Jesus - Propeta, pagsasauli sa kawan nitong mga
ligaw na tupa ng Israel (Cristo).
Sa kaliwanagan at katuwiran ng mga bagay
na sa inyo’y nahayag hinggil sa usaping ito’y walang alinlangan, na ang
may akda ng sulat sa mga Hebreo ay hakahaka lamang
ang kalagayan niyang inilapat kay Jesus. Sapagka’t ayon sa katiwatiwalang
salaysay ng mga saksing si Mateo at Juan, ay propeta sa
kalagayan at layuning Cristo ang
tanging gawaing lumalapat kay Jesus, samantalang kay David ay kalagayang
Hari at gawaing saserdote na ayon sa pagkasasedote ni Melquisedec
ang ganap na nilalapatan ng kaniyang pagkatao.
Sa gayo’y hindi kailan man sasangayunan ng katotohanan
ang lahat ng isinaad ng may akda sa Heb
5:6, kung ang mga ito’y ipatutungkol kay Jesus. Gayon ding mintis ang lahat ng
isinaad sa talata 11 ng kabanatang ito na may kinalaman dito. Kung gayon ay wala ngang
anomang naganap na pagpapalit ng saserdote, upang matuwirin ng mga hindi
nakakaunawa, na kailangan na ring palitan ang mga kautusan ng Dios (Heb 7:12).
Sa pagpapatuloy ay sinasariwa
namin ang inyong mga alaala sa likas na kalagayan at likas na
kaugalian ng kaisaisang Dios, na siya rin nating Ama na nasa langit.
Na
sinasabi,
BILANG
23 :
19 ANG DIOS AY HINDI TAO na
magsi- sinungaling, NI ANAK NG TAO na
magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi
niya isasagawa?
MAL
3 :
6 Sapagka’t AKO, ang Panginoon
ay hindi nababago kaya’t kayo, Oh mga anak na lalake ni
Jacob, ay hindi nangauubos.
ISA
45 :
22 Kayo’y magsitingin sa akin at kayo’y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka’t AKO’Y
DIOS, at WALANG IBA LIBAN SA AKIN.
AWIT
89:
34 Ang tipan ko’y hindi ko sisirain. Ni akin mang babaguhin ang bagay
na lumabas sa aking mga labi.
Sa makatuwid ay katotohanan na nararapat tindigan ng lahat,
na ang ating Ama ay hindi kailan man nabago. Na ang kaniyang mga tipan
ay hindi niya kailan man sisirain, ni babaguhin ang mga salitang nangagsilabas
sa kaniyang mga labi.
Dahil
dito, ang mga kautusan ng pagibig, at mga palatuntunan
na kaniyang ipinakipagtipan kay Moises. Gayon din ang tipan
niya kay Abraham hinggil sa pagtutuli nitong balat ng masama
sa bawa’t lalaki ay napakaliwanag na umiiral sa kaniyang kalakasan at nangatatatag
na magpasawalang hanggang.
Maliwanag nga kung gayon, na nagkakasala ang
sinomang lalabag sa mga bagay na yaon. Kaya’t hindi baga masasabing hangal
sa kaniyang sarili at makasalanan sa Dios ang sinomang magsasaad ng
mga sumusunod na pagmamatuwid?
Heb 7 :
12 Sapagka’t nang palitan ang pagkasaserdote ay
kinailangang palitan naman ang kautusan.
HEB
7 :
18 Sapagka’t NAPAPAWI
ANG UNANG UTOS dahil sa kaniyang KAHINAAN at KAWALAN
NG KAPAKINABANGAN.
19 (Sapagka’t ang KAUTUSAN AY
WALANG ANOMANG PINASASAKDAL), at may pagpa-
pasok ng isang pagasang lalong magaling (pananampalataya), na
sa pamamagitan nito’y nagsisilapit tayo sa Dios.
GAL
3 :
21 ANG KAUTUSAN NGA BA AY
LABAN SA MGA PANGAKO NG DIOS? Huwag nawang mangyari:
sapagka’t kung ibinigay sana ang isang KAUTUSANG MAY
KAPANGYARIHANG MAGBIGAY BUHAY, tunay ngang ang katuwiran
ay naging dahil sa KAUTUSAN. (Juan
12:50)
HEB
8 :
7 Sapagka’t kung ang UNANG
TIPANG YAON ay naging WALANG KAKULANGAN, ay
hindi na sana inihanap ng pangangailangan ng PANGALAWA.
ROMA
3 :
28
Kaya nga MAIPASISIYA NATIN na ang
tao ay inaaring-ganap sa PANANAMPALATAYA na HIWALAY
SA MGA GAWA NG KAUTUSAN.
Datapuwa’t kung
itutuon nga lamang ang inyong paningin sa sarili nating Ama na
nasa langit ay mapapag- unawa nyo
ng lubos ang tangi niyang katuwiran. Bunga nito’y maliwanag ninyong
matatalastas, na ang mga inihayag naming mga talata sa itaas ay paglalantad ng hayagang
paghihimagsik sa katuwiran ng Dios (pamumusong). Na mga salitang
masusumpungan lamang sa bibig ng mga anti-cristo, at sa mga taong ang kahangalan at kahibangan ay
naguumapaw sa kanilang mga sarili.
Sa talata 13 at 14 ay sinasabing itong
si Jesus ay lumitaw mula sa angkan
ni Juda, na sa kanila’y walang mga saserdoteng nagsisipaglingkod sa
dambana. Ano pa’t ayon sa may akda, sa angkang yaon ay walang sinalitang
anoman si Moises tungkol sa mga saserdote.
Datapuwa’t
maitatanggi baga na ang Juda ay isa sa anak ni Israel?
Kaugnay nito, kung wala mang sinalita si Moises hinggil sa mga saserdote
ng angkang yaon ay maliwang pa rin, na sa isa sa labingdalawang (12) anak ni
Israel ay lumabas ang isang tabernakulo ng Dios (Jesus). Na nanahan
at lumakad sa gitna ng mga tao, upang likumin ang mga nangawaglit na tupa sa
sangbahayang iyon.
Hinggil dito, kung wala mang sinabi
si Moises tungkol sa angkang nabanggit ay ang mismong kaisaisang Dios
ay may binigyang diin tungkol sa saserdoteng lalabas mula sa Juda, na
sinasabi,
Mik 5 :
2 Nguni’t ikaw, Beth-lehem Ephrata, na
maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa
na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan
niya ay mula nang una, mula ng walang hanggan.
3 Kaya’t kaniyang ibibigay sila
hanggang sa panahon na siya na nagdaramdam ay manganak: kung magkagayon ang nalabi sa kaniyang mga kapatiD ay
ibabalik sa mga anak ni Israel.
4 At siya’y titindig at
magpapakain ng kaniyang kawan sa kalakasan ng Panginoon, sa kamahalan ng
pangalan ng Panginoon
niyang Dios: at siya’y mananatili, sapagka’t ngayon siya’y magiging dakila
hanggang sa mga wakas ng lupa.
Ayon sa katotohanang
isinaad ng Dios sa pamamagitan ni propeta
Mika ay maaaring tiyakin na si Jesus ang ganap na kinatuparan ng mga
isinaad sa itaas. Sa gayo’y maliwanag na ang kaniyang katawang pisikal
ang makikita ng mga tao, na siyang gagawa ng kung anoman ang nasusulat sa
kaniya. Tulad ng pagpapakain sa kawan ng Dios at ang mga gawang
masasaksihan sa pamamagitan niya’y dadakilain hanggang sa mga wakas ng lupa.
Nguni’t sa kabuoan niya’y ang Espiritu
ng Dios na sumasa kaniya ang nararapat na sambahin bilang Dios, at
hindi ang katawang ginamit nito sa ngalang Jesus. Sapagka’t maliwanag na
sinabing ang mga gawa ay sa kalakasan
ng Panginoon (Dios) at hindi sa sarili
niyang kalakasan. Gayon ding yao’y mula
sa kamahalan ng pangalan ng Panginoon niyang Dios, at hindi sa di
umano’y kamahalan ng sarili niyang pangalan (Jesus).
Kaya
nga walang dapat pagalinlanganan sa katotohanan, na itong si Jesus
ay ginawang sisidlang hirang nitong Espiritu ng Dios na
tinamo ng kaniyang katawan, nang siya’y matapos na paraanin ni Juan sa
rituwal niya ng bautismo sa ilog Jordan. Gayon ding napakaliwanag na ang
gagawa ay ang nabanggit na Espiritu gamit ang katawan niyang pisikal.
Na
sinasabi,
JUAN
5 :
30 HINDI
AKO MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI: humahatol ako ayon sa aking narinig: at ang paghatol ko’y
matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang
kalooban niyaong nagsugo sa akin.
JUAN
12 :
49 Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na
sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS,
kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at
kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN.
JUAN
14 :
10 Hindi
ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA
AKING SARILI:
kundi ang AMA na tumatahan sa akin ay gumagawa ng
kaniyang mga gawa.
Ang ibinangon ng Dios sa Bethlehem ng
Juda kung
gayo’y hindi saserdoteng magpasawalang hanggan
na ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. Kundi isang propeta
sa kalagayan at Cristo sa layunin, na kung lilinawin ay gawaing
lumalayon sa pagsasauli ng mga ligaw na tupa sa sangbahayan ni Israel (kawan).
At kung liliwanagin pa’y gawaing may kinalaman sa pagliligtas ng kaluluwa
nilang mga anak ng pagsunod sa bansang Israel.
Sa talata
15 hanggang 17 ay napakaliwanag di umano na ayon sa anyo ni Melquisedec ay may lumitaw na ibang
saserdote, na ginawa hindi ayon sa kautusan na ukol sa laman, kundi ayon sa
kapangyarihan ng isang buhay na walang hanggan. Sapagka’t di umano’y
pinatotohanan tungkol kay Jesus, na, “Ikaw ay
saserdote magpakailan man, Ayon sa pagkasaserdote ni
Melquisedec.”
Nguni’t ang lubhang napakaliwanag
dito ay si David ang katotohanang kinatuparan nitong kalagayang
inilalapat ng mga hangal kay Jesus. Gayon din sa pamamagitan ng
mga kautusan ng Dios na tinamo ni Moises naging banal itong si David,
na naging dahilan upang siya’y itangi at lapatan sa kaniyang sarili ng
kalagayang saserdote, bagaman siya ay hari sa
panahong yaon.
Sa
pagpapatuloy ay pinatototohanan ni Jesus sa lahat, na ang mga nabanggit
na kautusan ng pagibig ay hindi kailan man naging ang tanging kaukulan
ay sa sangbahayan ni Israel lamang, kundi,
EZE
18 :
4 Narito, LAHAT
NG KALULUWA AY AKIN; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon
din ang kaluluwa ng anak ay akin: ANG KALULUWA NA NAGKAKASALA
AY MAMAMATAY.
CLICK LINK TO CONTINUE - PART 2 OF 4
No comments:
Post a Comment