Wednesday, March 28, 2012

Chapter 2 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 4 of 5)

ANG LAYUNIN NG EKSISTENSIYA NI JESUS

MATEO 1 :
1  Ang aklat ng lahi ni Jesucristo, na anak ni David, na anak ni Abraham.

GEN 26 :
5 Sapagka’t SINUNOD NI ABRAHAM ang aking TINIG, at GINANAP NIYA ang aking BILIN, ang aking mga UTOS, ang aking mga PALATUNTUNAN, at ang aking mga KAUTUSAN. (Juan 5:19)

1 HARI 3 :
14  At kung ikaw (Solomon) ay lalakad sa aking (YHVH) mga daan, upang ingatan ang aking mga PALATUNTUNAN, at ang aking mga UTOS, gaya ng INILAKAD NG IYONG AMANG SI DAVID, ay akin ngang palalaunin ang iyong mga kaarawan.

JUAN 5 :
19  Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, HINDI MAKAGAGAWA ANG ANAK NG ANOMAN SA KANIYANG SARILI KUNDI ANG MAKITA NIYANG GAWIN NG AMA (Abraham); sapagka’t ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa (Gen 26:5), ay ang mga ito rin naman ang GINAGAWA NG ANAK (Jesus) sa GAYON DING PARAAN. (pisikal na ama)
JUAN 10 :
36  Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama (Abraham), ay huwag ninyo akong sampalatayanan. (bilang sisidlang hirang ng Dios)

JUAN 8 :
40  Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING NARINIG SA DIOS: ito’y hindi ginawa ni Abraham.

JUAN 12 :
49  Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang (Espiritu) AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN. (Ama sa Espiritu)

2 SAM 23 :
2 Ang Espiritu ng Panginoon  (kaisaisang Dios) ay nagsalita sa pamamagitan ko, At ang kaniyang salita ay suma aking dila.

MATEO 5 :
17  Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA (Espiritu), GAYON KO SINASALITA. (Mat 25:46)

Napakaliwanag na itong si Jesus ay ganap na tao sa likas na kalagayan at kailan ma’y hindi naging Dios sa sa natatangi niyang kapanahunan. Siya kung gayo’y isang sisidlang hirang (propeta, saserdote, tabernakulo, buhay na templo) ng nabanggit na Espiritu. Na kung bakit sinabing sa kalupaan ay lumalakad ang Dios sa anyong laman ay nang dahil sa mga totoong banal (sisidlang hirang) na pinamamahayan at pinaghaharian ng kaniyang Espiritu.

Sa mga talatang aming inilahad sa inyo tungkol sa layunin ng eksistensiya ni Jesus ay ganap na tumutukoy sa amang si Abraham ang Juan 5:19. Samantalang ang binanggit na Ama sa Juan 12:49 ay katawagang lumalapat sa Ama na nasa langit (kaisaisang Dios). Ito’y sa ikauunawa na yaong ama (Abraham) ng lahing pinagmulan ni Jesus ay kinasumpungan ng Dios ng maluwalhating pagsunod sa tangi niyang kalooban (kautusan).
Kung paano nga kinalugdan ng Dios si Abraham sa kaniyang mga gawa ay gayon din naman niyang kinagiliwan si Jesus sa kaniyang mga gawa. Sapagka’t ang mabuting puno (Abraham) ay nagbubunga lamang ng mabubuting binhi (anak). Sa gayo’y ipinakita ng anak (Jesus) na kung paano gumagawa ang puno ama (Abraham) ay sa gayong pararaan din naman gumagawa binhi nito, na sinasabi,


JUAN 5 :
19  Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, HINDI MAKAGAGAWA ANG ANAK NG ANOMAN SA KANIYANG SARILI KUNDI ANG MAKITA NIYANG GAWIN NG AMA (Abraham); sapagka’t ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa (Gen 26:5), ay ang mga ito rin naman ang GINAGAWA NG ANAK (Jesus) sa GAYON DING PARAAN. (pisikal na ama)

JUAN 10 :
36  Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama (Abraham), ay huwag ninyo akong sampalatayanan. (bilang sisidlang hirang ng Dios)

Sa tanglaw na sa inyo’y naghayag ng ilang bagay sa maliwanag ay ikinagagalak naming naabot ninyo ang lubos na pagkaunawa sa mga sumusunod,

1. Na ang pitong (7) Espiritu ng Dios ay gaya ng mga kamay sa katawan na maaaring abutin ang talampakan (lupa) at ang bumbunan (langit) ng kabuoang katawan, at dahil dito ay iniukol sa kaniya ng isipan na naghahari sa kabuoang katawan ang maraming gawain. Kaya’t kung papaano niya pinamamahalaan ang ilang gawain sa langit, ay gayon din naman niya pinamamahalaan ang maraming bagay sa kalupaan.

2. Dahil dito, nang pasimula ay nilikha at inanyuan ng Dios ang dimensiyong materia at lahat ng nangaroon sa pamamagitan niya, na kung iisaisahin sa kaniyang kabuoan ay ang Espiritu ng katotohanan, ilaw, pagibig, kapangharihan, paglikha, karunungan, at buhay.

3. Na ang mga kautusan ay ayon sa pitong (7) likas na kalagayan, upang sa pamamagitan ng pagtalima sa mga yao’y kamtin ng sinoman ang katubusan ng sala at kaligtasan ng kaniyang kaluluwa.

4. Na siya’y namamahay at naghahari sa kalooban at kabuoan ng mga sisidlang hirang ng kabanalan sa lahat ng panahon, at sa pamamagitan ng kaniyang salita na isinasatinig nila’y naihahatid ang kaligtasan sa mga kinauukulang tao sa kalupaan. Kung paano nga naging sakdal ang mga katawang sisidlan ng kabanalan ay gayon din naman nagiging sakdal ang marami sa pamamagitan ng masigla at may galak sa pusong pagtalima sa mga salita ng Dios (kautusan ng pagibig).

Sa pagtatapos ng mga usaping ibinangon sa talata 10 ay nalalaman naming sapat ang tanglaw na sa inyo’y naghayag ng ilang bagay sa maliwanag. Na siya ring sukat upang mapagunawa at supilin ang mga salitang minatuwid ng may akda sa nabanggit na talata, na yao'y hindi kailan man sinangayunan nitong katotohanan ng Dios.

HEB 2 :
11  Sapagka’t ang nagpapaging banal at ang mga pinapaging banal ay pawang sa isa: na dahil dito’y hindi siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid,


12  Na sinasabi,
Ibabalita ko ang iyong ngalan sa aking mga kapatid
Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo.


13  At muli, ilalagak ko ang aking pagkakatiwala sa kaniya. At muli, Narito, ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Dios.


Sa pagpapatuloy ay sinasabi sa talata 11 hanggang 13, na ang nagpapaging banal (Cristo) at ang pinapaging banal ay iisa, at dahil dito ay hindi nahihiya si Jesus na tawagin silang mga kapatid. Sa gayo’y ipinahihiwatig sa talata 12, na ipahayag ang kaniyang pangalan sa mga kapatid, at sa gitna ng kapisanan (Gentil) ay awitin ang kaniyang kapurihan. Na sa kaniya’y ilalagak nila ang kanilang pagkakatiwala, at dadalhin niya ang mga anak na sa kaniya’y ibinigay ng Dios.

Gayon nga sa mga talatang ito’y pilit na iniaangat ng may akda ang pangalan ni Jesus, upang sa kaniya’y ilagak ng lahat ang lubos nilang tiwala, at siya’y sambahin alinsunod sa huwad na kalagayan (Dios Anak) na inilalapat niya sa kaniya.

Na sa mga sulat ni Pablo ay sinabi,

FIL 2 :
6  Na siya (Cristo), bagama’t nasa ANYONG DIOS, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat na panangnan ang PAGKAPANTAY NIYA SA DIOS.

COL 2 :
9  Sapagka’t sa kaniya’y (Cristo) nananahan ang BOONG KAPUSPUSAN NG PAGKA DIOS sa kahayagan ayon sa laman.
10  At sa kaniya kayo’y napuspos na siyang PANGULO ng lahat ng PAMUNUAN at KAPANGYARIHAN.

TITO 2 :
13  Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating DAKILANG DIOS AT TAGAPAGLIGTAS NA SI JESUCRISTO.

Nguni’t mula sa tanglaw na sa inyo’y naghayag ng katotohanan hinggil dito ay hindi nga gaya ng minamatuwid ng mga talata sa nakaraang pahina ang likas na kalagayan ni Jesus. Kundi siya’y tao lamang na may anyo ng tunay na kabanalan, palibhasa’y pinamahayan at pinagharian nitong Espiritu ng Dios ang kaniyang kalooban at kabuaon. Magkagayon ma’y hindi kailan man naging Dios ang sinomang ginawa niyang sisidlan ng kaniyang Espiritu.

Dahil dito ay hindi matuwid na kilalaning Dios itong si Jesus, kahi man sa pamamagitan niya’y nagkatawang tao ang Dios. Sapagka’t ang tao ay gaya lamang ng kopa na sisidlan ng anomang inumin na makapapatid sa uhaw ng sinoman. Dahil dito ay kahangalang sabihin na itong kopa ang pumatid ng iyong uhaw, sapagka’t hindi nito kayang tugunan ang kaginahwahan ng bibig. lalamunan, at sikmura, malibang ito’y salinan ng tubig at iyong inumin.

Ang nagpapaging banal kung gayon sa tao ay ang mga salita nitong Espiritu ng Dios na isinasatinig ng mga tunay na banal (sisidlang hirang). Ano pa’t kung ang sinoman ay tamuhin ang kabanalan sa kaniyang sarili ay sa Espiritu ng Dios nga siya nakipagisa.

Kaugnay nito, ang mga anak ni Israel (tupa) na nagsipakinig sa mga salita ng Dios na isinatinig nitong si Jesus ay natamo ang kaukulang kabanalan sa kanilang sarili. Ang nagpapaging banal kung gayo’y ang salita ng Dios at sa kanino ma’y hindi sila nakipagisa, kundi sa salita.

Sapagka’t ang salita ng Dios (verbo) ay sumasa Dios at ang verbo ay Dios, at ang salita (verbo) ng Dios kung gayo’y katotohanan, ilaw, pagibig, lakas, paggawa, karunungang may unawa, at buhay. Na siyang inuming ibinubuhos sa kopa (sisidlang hirang), na kapag ininom ng sinoman ay tatamuhin sa kaniyang sarili ang kaginhawahan ng kaniyang kaluluwa (kaligtasan at kapahingahan).

Sa kawalan ng tubig na maaaring ibuhos sa kopa ay ano nga ang magiging kabuluhan nito, at magagawa baga ng kopa sa kaniyang sarili na patirin ang uhaw ninoman, gayong siya’y hindi tubig kundi sisidlan lamang nito? Hindi nga maaari, sapagka’t tubig lamang ang maaaring bumasa at magpaginhawa sa nanunuyong bibig at lalamunan ng sinoman.
Datapuwa’t sa usapang hangal, ang kopa (Jesus) ay yaon na rin ang tubig (Dios). Kaya’t sa kanila’y Dios itong si Jesus na siya nilang bagong manunubos at tagapagligtas. Kung gayo’y ikinalulungkot naming ipahayag na sila’y nangatisod na lahat sa kahangalan nilang ito.

Ano nga? Kung ang nagpapaging banal sa sinoman ay ang salita nitong Espiritu ng Ama na isinatig ng mga banal. Matuwid nga kung gayon na ilagak sa kaniya ang lubos nating tiwala, at ibalita sa ating mga kapatid ang pangalan ng nabanggit na Espiritu at siya’y ating sambahin. Gayon nga ring sa gitna ng ating kapisanan, kasama ng mga banal (sisidlang hirang) ay sabaysabay nating awitin, ang mga awit na papuri sa ating Ama na nasa langit.

Kung paano pa nga rin pinipilipit ng may akda ang katotohanang ipinahahayag ng teksto ay narito at inyong tunghayan sa talata 12.

HEB 2 :
12  Na sinasabi,
Ibabalita ko ang iyong ngalan sa aking mga kapatid
Sa gitna ng kapisanan ay aawitin ko ang kapurihan mo.

13  At muli, ilalagak ko ang aking pagkakatiwala sa kaniya. At muli, Narito, ako at ang mga anak na ibinigay sa akin ng Dios.

Pansinin nyo ang Awit 22:22 na siyang orihinal na kasulatan, na siyang nasasaad sa Heb 2:12. Dito'y hindi maikakaila na sa teksto ay kinaltas ang "pupurihin kita" at ang mga salitang inihalili ay "aawitin ko ang kapurihan mo." 

Awit 22 :
22  Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid:
Sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.


Ang talata 12 kung gayo’y pinitas lamang ng may akda sa isang bahagi ng Awit ni David, na sa paghahambing ay hindi maikakaila ang mga salitang nabago. Gayon ma’y maipasisiyang magkatulad kung aalisin ang salitang  “aawitin” sa salin, sa kadahilanang ito nama’y hindi mababasa sa partikular na tekstong yaon.

Nguni’t ang daya ng kasinungalingan sa salin ay ito. Ang talata ay ganap na ipinatutungkol kay Jesus, at pangalan niya di umano ang itatanyag sa lahat at paguukulan ng papuri. Samantalang sa teksto (Awit 22:22) ay napakaliwanag na tumutukoy sa pangalan ng kaisaisang Dios. Ang pangalan ng Dios ani David ang ipahahayag sa kaniyang mga kapatid at sa gitna ng kanilang kapulungan ay pupurihin niya Siya (Dios).

Dulo nito'y nahayag na naman ang isang bagay sa kaliwanagan, na marahil ay hindi sumagi sa inyong kaisipan na ang talata (12) palang yaon, bagaman kawangis ng teksto ay ipinatungkol naman sa iba. Gawain lamang ito ng isang taong bihasa at guro sa larangan ng pandaraya.

HEB 2 :
14  Dahil sa ang mga anak ay mga may bahagi sa laman at dugo (ni Jesus), siya nama’y gayon ding nakabahagi sa mga ito; upang sa pamamagitan ng kamatayan (iglesia) ay kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid baga’y ang diablo.

Sa talata 14 ay sinabing ang mga anak (Gentil) ay may mga bahagi sa dugo at laman ni Jesus, upang sa pamamagitan di umano nitong kamatayan niya sa krus ay malipol niya ang diyablo na may paghahari sa kamatayan. Nang sa gayo’y mailigtas silang sa takot sa kamatayan ay nagpaalipin at  nagpatali sa tanikala nitong kautusan ng Dios.

Tungkol sa sinasabing dugo at laman ay siyasatin nga natin kung papaano ito binigyan ng anyo nitong si Jesus, at nagsalarawan ng mga bagay na kasusumpungan ng buhay na walang hanggan.

Hinggil dito ay sinabi,

MATEO 6 :
54  Ang KUMAKAIN NG AKING LAMAN AT UMIINOM NG AKING DUGO  AY MAY BUHAY NA WALANG HANGGAN;  at siya’y aking ibabangon sa huling araw.

MATEO 6 :
63  Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman (pisikal) ay walang pinakikinabang: ang mga salitang sinasalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.

Sa lamang pisikal nga kung gayo’y walang pinakikinabang ang kaluluwa, datapuwa’t sa lamang Espiritu ay mayroon, na sinasabi,

MATEO 6 :
58  Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit: hindi gaya ng mga magulang na nagsikain, at nangamatay; ang kumakain ng tinapay na ito ay BUHAY NA WALANG HANGGAN.

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.


JUAN 5 :
24  Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo,  Ang dumirinig ng aking salita (Juan 12:50), at SUMASAMPALATAYA SA KANIYA NA NAGSUGO SA AKIN, ay may BUHAY NA WALANG HANGGAN, at HINDI PAPASOK SA PAGHATOL, KUNDI LUMIPAT NA SA KABUHAYAN MULA SA KAMATAYAN.

Ang tinapay nga kung gayo’y ang ESPIRITU NG DIOS sa anyo ng mga KAUTUSAN na bumabang mula sa langit, na siyang LAMAN (salita) na kinakailangan nating ilakip (kanin) sa boong sistema ng ating katawan at kaluluwa. Ang DUGO sa makatuwid ay ang PANANAMPALATAYA SA KAISAISANG DIOS  na nararapat manalaytay sa bawa’t himaymay ng ating pagkatao.

Ang lahat nga ng ito’y nauuwi sa ilang salita na sinasabi,

MATEO 19 :
17  At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.

MATEO 22 :
36  Guro, alin baga ang DAKILANG UTOS sa KAUTUSAN?
37  At sinabi sa kaniya, IIBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIOS NG BOONG PUSO MO, AT NG BOONG KALULUWA MO, AT NG BOONG PAGIISIP MO. (Deut 6:5)
38  Ito ang DAKILA AT PANGUNANG UTOS.

39  At ang PANGALAWANG KATULAD ay ito, IIBIGIN MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG IYONG SARILI. (Lev 19:18, Mat19:19)

40  SA DALAWANG UTOS NA ITO’Y NAUUWI ANG BOONG KAUTUSAN, AT ANG MGA PROPETA.

MATEO 5 :
18  Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA. (Mat 25:46)

Sa makatuwid baga’y nauuwi ang lahat sa kautusan ng pagibig sa Dios at ng kautusan ng pagibig sa kapuwa. Na kinauwian din naman nitong boong kautusan at mga propeta, at kung paano sinalita ng taong si Jesus ayon sa sinabi nitong Espiritu ng Ama na nasa kaniya, na hindi mawawala ang isang tuldok o kudlit man sa kautusan.
Gayon nga ninyong tindigan na ito’y may pangyayari sa lahat ng panahong nagdaan, sa kasalukuyan at sa mga darating pa. Sa makatuwid baga’y nangatatatag magpakailan kailan man ang nagiisang salita ng kautusan.

Dahil dito ay sinabi,

MATEO 23 :
23 ..... At inyong pinababayaang di ginagawa ang LALONG MAHAHALAGANG BAGAY NG KAUTUSAN, Na dili iba’t ang Katarungan, at ang Pagkahabag, at ang PANANAMPALATAYA: datapuwa’t dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pinababayaang di ginagawa yaong iba.

Napakaliwanag kung gayon, na ang Espiritung laman (tinapay) na may salita (kautusan) ay ang Espiritu ng Dios na naghari sa kalooban at kabuoan ni Jesus. Ang uri ng pananampalataya na itinuon nitong si Jesus sa ating Ama ang siyang nagsilbing dugong nanalaytay sa kaniyang kabuoan. Kaya’t yaon din naman ang uri ng dugo (pananampalataya) na nararapat manalaytay sa ating boong pagkatao.
Ang pagkain o ang paginom kung gayo’y maliwanag na pagpapahayag ng pakikipagisa, sapagka’t anomang pagkain o inumin na ipasok natin sa ating bibig ay nangangahulugang isinasanib natin ang mga bagay na iyon sa kabuoan ng ating katawan. Upang maging kaisa nito at magkaloob ng kaukulang nutrisyon sa iba’t ibang sistema ng ating kabuoan.
Gayon nga rin ang pagkain ng lamang Espiritu (kautusan) at paginom ng dugo (pananampalataya) na nasa kay Jesus ay pakikipagisa sa Dios sa ikapagtatamo nitong buhay na walang hanggan. Resulta nito'y hindi nga maaaring ihiwalay ang laman sa dugo, sapagka’t sila’y isang kabuoan. Ano pa’t sa kabuoang katawan ay nagbibigay buhay ang dugo, at kung mawala ang laman ay ano pa ang magiging kabuluhan ng dugo sa katawan, at kung mawala ang dugo ay wala nga ring saysay ang laman. Isa nga lamang ang kauuwian kung mawawala ang isa sa kabuoan, at ito’y walang iba kundi ang kamatayan.

Gayon nga rin ang pananampalataya, palibhasa’y isa sa mahahalagang bagay ng kautusan ay isang kabuoan na hindi maaaring basagin o papaghiwalayin. Sapagka’t kung magkagayon ay walang pagsalang mawawalan ng anomang kabuluhan ang pagsisikap at pagpupunyagi ng sinoman na lumakip sa kaniyang Ama na nasa langit. Dahil dito ay wala siyang ibang kahihinatnan kundi ang kamatayan, sapagka’t ang sinabi ay laman at dugo, at katotohanan na hindi ikabubuhay ng sinoman ang pananampalataya (dugo) na hiwalay sa kautusan ng Dios (laman). (Gawa 13:39, Roma 3:28)

SUNDAN SA PART 5 OF 5 (Click here)




















No comments:

Post a Comment