Monday, October 22, 2012

Kabanata 6 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 4 of 4)


Sa huling dalawang talata (19 at 20) ng kabanatang ito’y iginiit na muli itong si Jesus sa kalagayan ng isang dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. Ano pa’t sinasabing siya’y pumasok sa tabing ng kampamento, nang dahil sa kanila (mga Hebreo at may akda). Na gaya nitong sinepete (angkla) ng kaluluwa ay inari nilang ganap ang pagasang ito na matibay at matatag.

Hinggil sa usaping ito’y katotohanan na itong si Jesus ay isinugo nitong Espiritu ng Dios sa sangbahayan ni Israel, sa layuning likumin at isauli sa kawan ang mga ligaw na tupa ng sangbahayan ni Israel. Na ito’y napakaliwanag na sinasabi,

MATEO 15 :
24  Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi, HINDI AKO SINUGO KUNDI SA MGA TUPANG NANGALIGAW SA BAHAY NI ISRAEL.

Sa pagpapatuloy ay paanong nakabilang ang may akda sa layunin ng Cristo sa nabanggit na sangbahayan, gayong isa siya sa mga Gentil, na hayagang nagsusulong ng mga katuruan (evangelio ng di pagtutuli) na may mariing paghihimagsik sa mga salita (evangelio ng kaharian) nitong Espiritu ng Dios na isinatinig ni Jesus.
Kung siya (may akda ng “Sa mga Hebreo”) nga’y kabilang sa mga kinauukulan ng layunin ay hindi sana naging pasalangsang sa matuwid ng Dios ang kaniyang sulat sa mga Hebreo. Kundi bagkus ay pinagtibay sana niya sa kanilang kaisipan, na ang may galak sa pusong pagtalima sa mga kautusan ng pagibig ay ang kaisaisang mitsa sa ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan sa kaluwalhatian ng langit. 

Siya sana’y kinasumpungan ng pagtatanggol sa kahalagahan nitong mga nabanggit na kautusan sa bawa’t kaluluwang sumasa katawan sa kalupaan. Nguni’t hindi nga ang gayon, kundi kabaligtaran sa inaasahan ng mga Hebreo ang buong nilalaman ng sulat ng taong ito. Sapagka’t imbis na pagtibayin ang kautusan ng pagibig ay niwalan ito ng anomang kabuluhan, dahil ito aniya’y mahina, hindi epektibo, at inutil sa layunin.

Nguni’t kung ang taong si Jesus mismo ang ating tatanungin hinggil dito ay ano naman kaya ang kaniyang masasabi?


MATEO 5 :
17  Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.

18  Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

JUAN 14 :
31  Datapuwa’t upang maalaman ng sanglibutan na ako’y umiibig sa Ama, at ayon sa KAUTUSANG IBINIGAY SA AKIN NG AMA, AY GAYON DIN ANG AKING GINAGAWA. Magsitindig kayo, magsialis tayo rito. (Roma 3:28)

MATEO 22 :
36  Guro, alin baga ang DAKILANG UTOS sa KAUTUSAN?
37  At sinabi sa kaniya, IIBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIOS NG BOONG PUSO MO, AT NG BOONG KALULUWA MO, AT NG BOONG PAGIISIP MO. (Deut 6:5)
38  Ito ang DAKILA AT PANGUNANG UTOS.

39  At ang PANGALAWANG KATULAD ay ito, IIBIGIN MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG IYONG SARILI. (Lev 19:18, Mat19:19)
40  SA DALAWANG UTOS NA ITO’Y NAUUWI ANG BOONG KAUTUSAN, AT ANG MGA PROPETA.

MATEO 19 :
17  At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.


JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.

Ang mangangaral nga ng kaisaisang Dios ay gaya rin naman sa mga salitang nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus ang kaniyang isusulong na mga salita, sapagka’t kaniyang sinabi,


EZE 36 :
27  At AKING ILALAGAY ANG  AKING ESPIRITU SA LOOB NINYO, at palakarin kayo ng ayon sa aking mga PALATUNTUNAN, at inyong iingatan ang aking mga KAHATULAN, at ISASAGAWA.

MAL 2 :
6  Ang KAUTUSAN tungkol sa KATOTOHANAN ay nasa kaniyang bibig, at ang KALIKUAN ay hindi masusumpungan sa kaniyang mga labi: siya’y lumakad na kasama ko sa KAPAYAPAAN at KATUWIRAN, at inilayo sa KASAMAAN ang marami.
7  Sapagka’t ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng KAALAMAN, At kanilang marapat hanapin ang KAUTUSAN sa kaniyang bibig, sapagka’t siya ang SUGO ng Panginoon ng mga Hukbo.

Ano pa’t kung gaya ni Pablo, ni Lucas, Marcos, at ng may akda nitong sulat sa mga Hebreo, na imbis dalhin sa mabuti ang marami ay tinuruan sila na maghimagsik sa mga kautusan ng sarili nilang Ama na nasa langit. Kaya’t maliwanag na ang mga gayong tao ay hindi sugo ng Dios sa ikaliligtas ng kaluluwa. Kundi sila’y mga sugo nitong entidad ng kasamaan (Satanas), upang kaladkarin sa tiyak na kapahamakan ang kaluluwa ng mga kaawaawa nating mga kapatid.

Tungkol sa usapin na may kinalaman sa pagkasaserdote magpakailan man ay atin ngang muling ilahad ang tanglaw sa kabanata 5,  na naghayag sa kaliwanagan ng dakong may kaugnayan sa bagay na ito.

Na sinasabi,

AWIT 110 :
1  Sabi ng Panginoon sa aking panginoon, Umupo ka sa aking kanan, Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.

2  Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion; Magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.

3  Ang bayan mo’y naghahandog na kusa, Sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan: Mula sa bukang liwayway ng umaga, Ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan,

4  Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man, Ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech.

Kung inyong napansin ang Awit 110:1 ay may binabanggit na “Panginoon” sa malaking letrang “P” at may binabanggit na “panginoon” sa maliit na letrang “p”. Sa gayo’y dalawang (2) entidad ang maliwanag na tinutukoy sa unang bahagi ng nabanggit na talata. Na sinasabing, "Ang panginoon (hari) ay umupo sa kanan ng Panginoon (Dios), hanggang sa gawin ng Panginoon (Dios) na tungtungan ng panginoon (hari) ang kaniyang mga kaaway."

(Ang hari (Saul) ay kailangang umupo sa kanan ng Dios, hanggang sa gawin ng Dios na tungtungan ng hari (Saul) ang kaniyang mga kaaway.)

Ang hari nga ng Israel ay kailangang tumupad sa mga kautusan ng Dios bilang paglagay sa kaniyang kanan, nang sa gayo’y tulungan ng Dios ang hari na mapasailalim sa mga paa niya ang kaniyang kaaway na bayan at bansa. Kaya’t kung mailalagay ng  panginoon (hari) ang kaniyang sarili sa kanan ng kaniyang Panginoon (Dios) ay isusumpa nga ng Dios, na siya’y kikilalanin niyang isang saserdote magpakailan man, na ayon sa pagkasaserdote ni Mesquisedec.

Hinggil sa usaping ito’y siyasatin nga natin ang aklat ng propetang si Samuel, nang sa gayo’y maging ganap ang inyong pagkaunawa sa katuwiran ng mga pahayag sa Awit 110:1-4, at ang kahidwaan ng mga salita sa Heb 5:5-6. Kasunod nito’y bibigyan namin sa inyo ng linaw ang entidad na tumutukoy sa isang “Panginoon” at sa isa pang “panginoon.” 

Hinggil dito ay narito ang ilang talata na pagkakakilanlan sa dalawang magkatulad na salitang ito. Nang sa gayo’y maalaman kung sino baga ang tinutukoy ni David na “Panginoon” at “panginoon.”

1 SAM 24 :
6  At kaniyang sinabi sa kaniyang mga lalake, Huwag itulot ng Panginoon na ako’y gumawa ng ganitong bagay sa aking panginoon, na pinahiran ng langis ng Panginoon, na aking iunat ang aking kamay laban sa kaniya, yamang siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon.

10  ibinigay ka ngayon ng Panginoon sa aking kamay sa yungib: at sinabi sa akin ng iba na patayin kita:  Hindi ko iuunat ang aking kamay laban sa aking panginoon; sapagka’t siya ang pinahiran ng langis ng Panginoon.

26  Ngayon nga, panginoon ko, buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa.

1 SAM 25 :
28  Sapagka’t tunay na gagawin ng Panginoon ang aking panginoon ng isang sangbahayan na tiwasay, sapagka’t ibinabaka ng aking panginoon ang mga pagkabaka ng Panginoon; at ang kasamaan ay hindi ma- susumpungan sa iyo sa lahat ng iyong araw. 

30  At mangyayari, pagka nagawa ng Panginoon sa aking panginoon ang ayon sa lahat ng mabuti na kaniyang sinalita tungkol sa iyo, at kaniyang naihalal ka na prinsipe sa Israel.

31  Gumawa ng mabuti ang Panginoon sa aking panginoon.

1 SAM 26:
17  At nakilala ni Saul ang tinig ni David at nagsabi, Ito ba ang tinig mo, anak kong David? at sinabi ni David, aking tinig nga, panginoon ko, Oh hari.

AWIT  110 :
1  Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, Umupo ka sa aking kanan, Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.

Gayon din naman sa wikang Ingles ay ipinakikita ang lubhang malaking kaibahan ng katawagang "Lord" at "lord."

1 SAM 24 :
6  The Lord forbid that I should do this thing unto my master, the Lord’s anointed, to stretch forth mine hand against him, seeing he is the Lord’s anointed 

10  the Lord had delivered thee to day into mine hand in the cave: and some bade me kill thee: but mine eye spared thee; and I said, I will not put forth mine hand against my lord; for he is the Lord’s anointed.

26  Now therefore, my lord, as tha Lord liveth, and as thy soul 

1 SAM 25 :
28  for the Lord will cerainly make my lord a sure hourse: because my lord fighteth the battles of the Lord, ang eveil hath no been found in thee all thy days.

30 And it shall come to pass, when the Lord shall have done to my lord according to all the good that he hath spoken concerning thee, and shall have appointed thee ruler over Israel.

31  but when the Lord shall have dealt well wth my lord, then remember thine handmaid.

1 SAM 26 :
17   And Saul knew David’s voice, and said, Is this thy voice, my son David?  And David said, It is my voice, my lord, O king.

PSALM 110 :
1  The Lord said unto my lord, Sit thou at my right hand, until I make thine enemies thy footstool.

Sa ikalilinaw pa’y alamin naman nating kung sino ang tanging tinatawag na “Panginoon”.

ISA  45 :
6  Upang kanilang maalaman mula sa sikatan ng araw, at mula sa kalunuran, na walang iba liban sa akin; ako ang Panginoon, at walang iba.

ISA 60 :
16  Ikaw naman ay iinom ng gatas ng mga bansa, at sususo sa mga suso ng mga hari; at iyong mala- laman na akong Panginoon, ay TAGAPAGLIGTAS sa iyo, at MANUNUBOS sa iyo, Makapang- yarihan ng Jacob.

ISA  62 :
12  At tatawagin nila sila. ang banal na bayan. ang TINUBOS NG Panginoon: ikaw ay tatawagin, Hinanap, Bayang hindi pinabayaan.

Sa makatuwid ay kaisaisa lamang ang maaaring patungkulan sa katagang “Panginoon,” Na walang iba kundi ang Dios lamang na kung saan ay nagmula ang lahat. Datapuwa’t kung ang katagang ito na nagsisimula sa malaking letrang “P” (Panginoon) ay ipatutungkol sa tao - napakaliwanag na ipinahihiwatig na siya ay Dios din na tulad ng lumalang at umanyo ng lahat. 

Gayon pa man, kung gamitin na nagsisimula sa maliit na letrang “ p” (panginoon), ayon sa aklat ni Samuel ay ipinatutungkol ang salitang ito sa mga hari. Na tulad kung paano tawagin ni David at ng iba si haring Saul sa mga talata na mababasa sa nakaraang dalawang pahina.

Sa makatuwid, ayon sa aklat ng propetang si Samuel ay si David ang nagsasalita at isinasaysay niya, na ang Panginoon (Dios) ay nagsaad sa kaniyang panginoon (haring Saul), na umupo sa kaniyang kanan, sa gayo’y gagawin ng Dios na tungtungan ng mga paa ni Haring Saul ang kaniyang mga kaaway sa kapanahunang yaon. 

Nguni’t sa kasamaang palad ay hindi nagawa ng haring Saul ang minamatuwid sa kaniya ng Dios, kaya’t siya’y pinababa sa kaniyang luklukan at ang inihalili sa kaniya ay si David bilang hari. Nang magkagayo’y itong si David ang kinilala ng Dios na saserdote magpakailan man, ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. 

Palibhasa’y nagawa niya na tumuntong sa kanan ng kaniyang Panginoong Dios. Na kung lilinawin ay gaya ng inilakad ng ama niyang si Abraham
Na sinasabi,

GEN 26 :
5 Sapagka’t SINUNOD NI ABRAHAM ang aking TINIG, at GINANAP NIYA ang aking BILIN, ang aking mga UTOS, ang aking mga PALATUNTUNAN, at ang aking mga KAUTUSAN. (Juan 5:19)

At kay Salomon ay sinabi ng Panginoong Dios,

1 HARI 3 :
14  At kung ikaw (Solomon) ay lalakad sa aking (YHVH) mga daan, upang ingatan ang aking mga PALATUNTUNAN, at ang aking mga UTOS, gaya ng INILAKAD NG IYONG AMANG SI DAVID, ay akin ngang palalaunin ang iyong mga kaarawan.

Sa kaliwanagan at katuwiran nga ng mga bagay na sa inyo’y nahayag hinggil sa usaping ito’y walang alinlangan, na ang may akda ng sulat sa mga Hebreo ay hakahaka lamang ang kalagayan niyang inilapat kay Jesus. Sapagka’t ayon sa katiwatiwalang salaysay ng mga saksing si Mateo at Juan ay walang alinlangang propeta sa kalagayan  at layuning Cristo ang tanging gawaing lumalapat kay Jesus. 

Samantalang kay David ay kalagayang Hari at saserdote na ayon sa pagkasasedote ni Melquisedec ang ganap na nilalapatan ng kaniyang pagkatao. Sa gayo’y hindi kailan man sinangayunan ng katotohanan ang lahat ng isinaad sa Heb 5:5-6 na sa ngayo’y tinanglawan namin ng ilaw sa inyo.

Pakatandaan nyo nga, na ang sinomang mapanghimagsik sa Dios ay nagsasaysay ng mga salitang laban sa kalooban (kautusan) ng Dios. Ano pa’t ang sinomang laban sa mga salita (evangelio ng kaharian) na nangagsilabas mula sa bibig ng Cristo ay totoo ngang siya’y (Pablo) isang anti-Cristo.

Sumainyo kung gayon ang walang patid na pagpapala ng ating Ama, ngayon, ngayon, at magpakailan man.

Amin, Amin, Amin


No comments:

Post a Comment