Saturday, April 28, 2012

Chapter 3 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 5 of 6)

BAUTISMO
Evangelio ng kaharian
(Mula sa bibig ng Cristo)

MATEO 3 :
11  Sa katotohanan ay BINABAUTISMUHAN KO KAYO SA PAGSISISI: datapuwa’t ang dumarating sa hulihan ko ay LALONG MAKAPANGYARIHAN kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: SIYA ANG SA INYONG MAGBABAUTISMO SA ESPIRITU AT APOY.

MATEO 28 :
19  Dahil dito’y magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong BAUTISMUHAN sa PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.

20  Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo, at narito, AKO’Y SUMASA INYONG PALAGI, HANGGANG SA KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.


BAUTISMO
Evangelio ng di-pagtutuli
(Mula sa bibig ng anti-cristo)

ROMA 6 :
3  O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga NABAUTISMUHAN KAY CRISTO JESUS AY NANGABAUTISMUHAN SA KANIYANG KAMATAYAN?
4  Tayo nga’y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng BAUTISMO SA KAMATAYAN: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong buhay.

GAWA 19 :
5  At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa PANGALAN ng Panginoong Jesus.

6  At nang MAIPATONG NA NI PABLO, sa kanila ang kaniyang mga KAMAY, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo; at sila’y nagsipagsalita ng mga wika, at nagsipanghula.

Napakaliwanag na isinasaad ng evangelio nitong kaharian na ang bautismo ay igagawad sa mga tao, sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Na kung liliwanagin ay sa tatlong (3) pangalan na siyang pinakatatak sa noo ng sinomang magtatamo nito. 

Datapuwa’t sa evangelio ng di-pagtutuli nitong si Pablo ay yaong bautismo sa kamatayan na nagpapahayag ng kamatayan o paglaya sa kautusan ng Dios. Ano pa’t ito’y iginagawad ng bautisador sa iglesia ng mga Gentil sa isang pangalan (Jesus) lamang at hindi sa tatlong pangalan. Gayon ding isinasagawa ng nabanggit na iglesia ang rituwal na ito sa pamamagitan ng tubig.

Hinggil dito ay hindi kailan man sinabi nitong si Juan Bautista na si Jesus ay babautismo sa tubig, kundi sa Espiritu at Apoy lamang. Sa gayo’y binigyang diin ang usaping ito sa Mat 28:19, na ang mga tunay na apostol ay babautismo sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at hindi sinabi kailan man sa mga talata na kabilang ang tubig sa pagsasagawa ng sagradong rituwal ng bautismo sa mga tao. 

Sa makatuwid nga kung gayo’y eksklusibo lamang sa kapamahalaan nitong si Juan ang paraan ng bautismo sa tubig, at ang rituwal na ito’y napakaliwanag na isinama niya sa pagpanaw ng kaniyang buhay sa sanglibutan.


LIKAS NA KALAGAYAN NI JESUS
EvangElio ng kaharian
(Mula sa bibig ng Cristo)

JUAN 8 :
40  Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING NARINIG SA DIOS: ito’y hindi ginawa ni Abraham.

JUAN 20 :
17  Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t HINDI PA AKO NAKAKA AKYAT SA AMA, nguni’t pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.

MATEO 26 :
38  Nang magkagayo’y sinabi niya sa kanila, NAMAMANGLAW NA LUBHA ANG KALULUWA KO. Hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at makipagpuyat sa akin.

JUAN 19 :
30  Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi niya, NAGANAP NA: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga.


LIKAS NA KALAGAYAN NI JESUS
Evangelio ng di-pagtutuli
(Mula sa bibig ng anti-cristo)

FIL 2 :
6  Na siya (Cristo), bagama’t nasa ANYONG DIOS, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat na panangnan ang PAGKAPANTAY NIYA SA DIOS.

ROMA 9:
5  Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang CRISTO ayon sa laman, na siyang LALO SA LAHAT, DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILAN MAN, SIYA NAWA.

COL 2 :
9  Sapagka’t sa kaniya’y (Cristo) nananahan ang BOONG KAPUSPUSAN NG PAGKA DIOS sa kahayagan ayon sa laman.
10  At sa kaniya kayo’y napuspos na siyang PANGULO ng lahat ng PAMUNUAN at KAPANGYARIHAN.

HEB 1 :
3  Palibhasa’y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na LARAWAN NG KANIYANG (Cristo) PAGKA DIOS, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang ang PAGLILINIS NG MGA KASALANAN, ay LUMUKLOK SA KANAN NG KARANGALAN SA KAITAASAN.

Narito, at napakaliwanag na isinasaad nitong evangelio ng kaharian na itong si Jesus ay totoong tao sa likas na kalagayan, at hindi maikakailang siya’y isang sisidlang hirang (tabernakulo, buhay na templo) nitong Espiritu ng Dios sa kapanahunang yaon. Nguni’t sa evangelio ng di-pagtutuli nitong si Pablo ay Dios na totoo ang Cristo, at naging siya na ang bagong tagapagligtas ng kaluluwa at manunubos ng sala nitong sanglibutan.

Sa gayo’y higit nyo pa kayang paniniwalaan ang hakahaka ng taong ito, kay sa mga salitang mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus? Sa makatuwid nga’y Dios na ring maituturing ang sinomang papantay sa kalagayan ng kaisaisang Dios na nasa langit. Subali’t hindi nga maaaring maging gayon ang sinoman, upang sa langit ay humigit sa iisa ang kikilalaning Dios, sapagka’t kaniyang sinabi,

ISA 44 :
6  Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang MANUNUBOS, na Panginoon ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI; at LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.

ISA 45 :
21 .... WALANG DIOS LIBAN SA AKIN, isang GANAP NA DIOS at TAGAPAGLIGTAS; WALANG IBA LIBAN SA AKIN.
22  Kayo’y magsitingin sa akin at kayo’y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka’t AKO’Y DIOS, at WALANG IBA LIBAN SA AKIN.

Kung ang ating Ama nga na nasa langit ay ang una at siya rin ang magiging huling Dios ay maliwanag ngang siya’y kaisaisa lamang, at kailan ma’y walang sinomang umabot sa kaniyang supremong kalagayan upang tawaging panibago at karagdagang Dios sa kaluwalhatian ng langit. Sa makatuwid nga kung gayo’y hindi kailan man naabot ng taong si Jesus ang kalagayang yaon upang siya ay tawaging bagong Dios.

Datapuwa’t sa lupa ay naabot at natamo niya ang kaukulang kabanalan na nararapat kalagyan ng sinomang tao sa kalupaan. Kaya’t siya nga, bilang bahagi ng kabanalan nitong ating Ama ay sumanib sa kaniya at naging kaisa ng kaniyang katawan. Ano pa’t ang kamalayan ay wala sa katawan (kawan), kundi ito’y taglay ng ulo (Ama), upang pagharian ang katawan na bahagi lamang ng kaniyang kabuoan.

Dahil dito ay walang sumanib sa kabuoan na nagkaroon ng sariling kamalayan, bagkus siya’y nakabilang lamang sa mga bahagi ng katawan. Kaya’t pakatalastasin ninyo na walang sinoman o anoman na maaaring maging ibang persona sa langit. Sapagka’t doo’y kaisaisa lamang ang entidad na umiiral at yao’y walang iba kundi ang persona ng ating Ama, na kaisaisang Dios sa kaluwalhatiang yaon.

Mula sa mga bagay na inihayag namin sa maliwanag ay walang alinlangan na ang tinutukoy na evangelio nitong si Pablo sa kaniyang mga liham ay evangelio ng di-pagtutuli. Na oposisyon sa evangelio ng kaharian na nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus. Bagay na inyo na ngayong nauunwaan kung ano ang lubhang malaking kaibahan ng dalawang nabanggit na katuruan.

Ano pa’t kung titindigan ng sinoman na ang mula kay Jesus ang siyang sumasa Dios na totoo ay nararapat tanggapin ng lahat, na ang kay Pablo ay huwad na evangelio. Dahil dito, ang Espiritu Santo ay hindi maikakailang natatali sa evangelio ng kaharian. Kaya’t nararapat ding tanggapin ng lahat, na ang sinomang nanindigan sa evangelio ng di pagtutuli ng taong (Pablo) ito’y hindi kailan man kinasihan ng nabanggit na Espiritu, sapagka’t sa ngayo’y hindi na lingid sa inyong kaalaman, na ang kabuoan nito’y hindi kailan man sinangayunan ng katotohanan.


ANG NAGTATAG AT ULO NG KAWAN NITONG MGA TUPA (Iglesia)
EvangElio ng kaharian
(Mula sa bibig ng Cristo)

MATEO 16 :
18  At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng HADES ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

JUAN 5 :
30  HINDI AKO MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI: humahatol ako ayon sa aking narinig: at ang paghatol ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.  

JUAN 12 :
49  Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN.

JUAN 14 :
10  Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO'Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI; kundi ang ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.


ANG NAGTATAG AT ULO NG KAWAN NITONG MGA TUPA
Evangelio ng di-pagtutuli
(Mula sa bibig ng anti-cristo)

EFE 2 :
19  Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo’y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan (iglesia) ng Dios.

20  Na mga itinatayo (iglesia) sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok;

COL 1 :
18  At siya (Cristo) ang ULO NG KATAWAN, sa makatuwid baga’y ng IGLESIA na siya ang pasimula, ANG PANGANAY NG MGA PATAY (sa kautusan);  upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.

COL 2 :
10  At sa kaniya (Cristo) kayo’y napuspos na siyang PANGULO ng lahat ng PAMUNUAN at KAPANGYARIHAN.

ROMA 16 :
16  Magsipagbatian kayo ng banal na halik, Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO.

Sa evangelio ng kaharian ay napakapaliwanag na ipinahayag ang likas na kalagayan at ang natatanging layunin ni Jesus. Na siya’y sisidlang hirang nitong Espiritu ng Dios, at tumatayong kasangkapan lamang ng nabanggit na Espiritu sa mga gawain na ninais nitong ganapin sa sangbahayan ni Israel.

Kaya nga pinatotohanan ni Jesus na siya’y hindi makagagawa o makapagsasalita ng anoman sa kaniyang sariling pagmamatuwid, kundi yaong nabanggit na Espiritu na nasa kaniya ang siyang gumagawa ng kaniyang mga gawa. Ano pa’t nang itayo o itatag ang kawan (iglesia) sa kapanahunan nitong si Jesus ay lumabas sa kaniyang bibig na ito’y itatayo sa ibabaw ng bato.

Kung gayon nga’y maliwanag pa sa sikat ng araw, na ang nagtayo nito’y hindi si Jesus sa kaniyang sarili, kundi ang Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban sa kapanahunang yaon. Kaya’t sa katuwiran ng mga salita na nangagsilabas mula mismo sa bibig ni Jesus ay hindi nga kailan man nagkaroon ng eksistensiya ang iglesia ni Cristo na ayon sa kalooban ng Ama, sapagka’t ang itinatag ng pastor (Ama) sa panahong yaon ay ang kawan ng mga tupa (komunidad ng Dios).

EZE 34 :
31 At kayong mga tupa ko, na mga TUPA SA AKING PASTULAN ay mga TAO, at ako’y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.

JUAN 10 :
27  Dinidinig ng aking mga tupa ang aking TINIG, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin.

Sa makatuwid nga kung gayo’y kawan ng mga tao nitong ating Ama, o kawan ng Ama ang binigyan ng eksistensiya nitong Espiritu ng Dios na nasa kay Jesus sa kapanahunang yaon. Na mga duminig sa evangelio ng kaharian na kaniyang isinatinig mula sa bibing ni Jesus, at sila’y pawang nangagsisunod sa natatangi niyang katuwiran. Sa makatuwid baga’y yaong mga kautusan ng pagibig sa Dios at mga kautusan ng pagibi sa kapuwa.

Ano pa’t sa mga nakaraan naming paghahayag ng mga bagay sa maliwanag ay nasumpungan nating lahat na ang iglesia, o, Cristianismo nitong si Pablo ay oposisyon (laban) sa nabanggit na katuwiran ng ating Ama. 

Oo nga’t hindi maikakaila na sa ngayo’y may tinatawag na iglesia ng mga Gentil, o iglesia ni Cristo na nabibigkis sa tanikala nitong evangelio ng di-pagtutuli ng taong ito. Subali’t sa liwanag ng ilaw na itinanglaw namin sa mga bagay na ito’y walang alinlangan na ang Cristianismo nitong si Pablo, o yaong iglesia ng mga Gentil (iglesia ni Cristo) ay katotohanang hindi tatag ng Dios. Kundi tatag lamang ng pangulo (Pablo) nitong hukbong sandatahan ng mga kasinungalingan at pandaraya, na walang kapaguran sa paglulunsad ng malawakang paghihimagsik sa katuwiran ng sarili niyang Ama na nasa langit.

Dahil sa kaliwanagan ng mga pahayag na sa inyo’y aming ipinalad ay hindi maikakaila na ang Cristianismo (iglesia ng mga Gentil) nitong si Pablo ay hindi sinasangayunan ng mga salita nitong Espiritu ng Dios na mula sa bibig ni Jesus. Palibhasa’y pawang paghihimagsik sa kaniyang kalooban ang buong nilalaman ng likhang evangelio ng di pagtutuli ng taong ito. 

Sa gayo’y hindi nga rin maaring kilalanin ng Dios ang iglesia ng mga Gentil na nasasalig at nabibigkis sa tanikala nitong evangelio ng di pagtutuli. Na hanggang sa kasalukuyang panahon ay gaya ng salot na walang awang nagbubulid sa kaluluwa ng marami sa apoy ng kamatayan.

Kung itong sinasabing simulang pagkakatiwala sa talata 14 ay gaya nga ng nahayag sa nakaraang ilang pahina ay napakaliwanag na itong iglesia ng mga Gentil ay hindi ayon sa Cristo, kundi sila’y mga anti-Cristo.
Dahil sa dito ay sinabi,

ISA 24 :
5  Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon; sapagka’t kanilang SINA- LANGSANG ANG KAUTUSAN, BINAGO ANG ALITUNTUNIN, SINIRA ANG WALANG HANGGANG TIPAN.

DUET 27 :
26  SUMPAIN YAONG HINDI UMAAYON SA MGA SALITA NG KAUTUSANG ITO UPANG GAWIN.

Ang katotohanan na hindi maaaring tanggihan ng lahat ay kabahagi ng Dios itong si Jesus, palibhasa’y namahay at naghari sa kaniyang kalooban at kabuoan ang Espiritu nito sa kapanahunan nilakaran niya sa sangbahayan ni Israel. Ano pa’t ang sinoman na kabahagi ng Cristo ay maliwanag nga ring kabahagi ng kaisaisang Dios. 

Datapuwa’t sa kalagayan nitong mga kasapi sa iglesia ni Pablo, na ngayo’y nahayag sa inyo sa liwanag ay nasumpungan silang hindi kailan man nakalakip sa mga bahagi ng Cristo. Kundi sila ang kalipunan ng mga tao na nagtanyag ng mga aral na may ganap na paghihimagsik sa mga salitang nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus.

Nang magkagayon nga’y dinumihan nila ang lupa na tinatahanan ng mga tao, sapagka’t kanila ngang,



No comments:

Post a Comment