Ano mang panulat na walang awtor ay maipasisiyang anonymous. Iyan ang kalagayan ng "SA MGA HEBREO" na walang kalakip na pangalan ng may akda. Kadudaduda sa makatuwid ang nilalaman nito at dahil dito ay kinakailangang ito'y kunan ng kaukulang awtentisidad sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Nakakalungkot isipin na higit pang pinaniwalaan ng marami ang mga di-kapanipaniwalang aral na mababasa dito, kay sa mga salita nitong Espiritu ng Dios na mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus.

Saturday, March 31, 2012
Chapter 2 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 1 of 5)
Friday, March 30, 2012
Chapter 2 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 2 of 5)
Thursday, March 29, 2012
Chapter 2 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 3 of 5)
Wednesday, March 28, 2012
Chapter 2 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 4 of 5)
Tuesday, March 27, 2012
Chapter 2 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 5 of 5)
Tuesday, March 13, 2012
Chapter 1 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 1 of 4)
Monday, March 12, 2012
Chapter 1 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 2 of 4)
Sa gayo’y sinira na ng idolohiyang ito ang padron ng katotohanan na tumutukoy sa pagiging kaisaisa ng Dios sa kaluwalhatian ng langit. Ano pa’t sa hindi maikakailang katotohanan ay inilapat ng mga hangal ang kalagayang verbo sa katauhan nitong si Jesus, at dahil dito’y nagsimulang siya’y kilalanin sa kalagayan ng isang Dios na totoo.
Ang taong si Jesus gaya ng iba pang banal na nabuhay sa kanikaniyang kapanahunan, palibhasa’y pinamahayan at pinagharian ng Espiritu ng Dios sa kanilang kalooban at kabuoan ay lumarawan sa kaniyang mga salita at gawa ang wangis at anyo ng ating Ama. Ang katotohanan, ilaw, pagibig, kapangyarihan, paglikha, karunugang may unawa, at buhay na walang hanggan, na siyang kawangisan at kaanyuan ng Dios sa bawa’t banal na nabuhay sa kalupaan.
Nang pasimula nga ay ang verbo (salita), at ang verbo ay sumasa Dios at ang verbo ay Dios. Gayon nga na nang pasimula ay salita na siyang katotohanan, ilaw, pagibig, kapangyarihan (lakas), paglikha (paggawa), karunungan, at buhay. Ang salita ngang lumalapat sa mga ito’y sumasa Dios, at Dios sa kaniyang anyo at likas na kalagayan. Sa gayo’y nagkatawang tao ang verbo (salita) at tumahan sa gitna ng mga tao. Sa makatuwid baga ay ang Cristo?