Ano mang panulat na walang awtor ay maipasisiyang anonymous. Iyan ang kalagayan ng "SA MGA HEBREO" na walang kalakip na pangalan ng may akda. Kadudaduda sa makatuwid ang nilalaman nito at dahil dito ay kinakailangang ito'y kunan ng kaukulang awtentisidad sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Nakakalungkot isipin na higit pang pinaniwalaan ng marami ang mga di-kapanipaniwalang aral na mababasa dito, kay sa mga salita nitong Espiritu ng Dios na mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus.

Thursday, February 13, 2025

SA MGA HEBREW

 
Kaugnay ng iniwanan nating usapin sa nakaraang kabanata ay minamatuwid sa talata 1 at 2, na mayroon di umanong dakilang saserdote ang mga Hebreo at mga Gentil, na nakaupo sa kanan ng luklukan ng karangalan sa langit. Siya’y ministro sa santuario, at sa tunay na tabernakulo na itinayo ng Panginoong Dios hindi sa mga tao.
Sa mga ito’y ibinangon ng may akda ang ilang usapin na tumutukoy sa mga sumusunod,
1. Dakilang saserdote magpakailan man ng sanglibutan.
2. Literal na pagkaunawa sa simbulo ng kanan ng Dios.
3. Ang santuario at ministro nito.
4. Ang tabernakulo ng Dios.
Hinggil sa unang usapin na tumutukoy sa di umano’y dakilang saserdote magpakailan man na nagngangalang Jesus. Gaya ng aming itinanglaw na liwanag sa kabanata 5 ay ganito ang babasa.
Sa Heb 5: 5-6 ay binanggit itong si Jesus sa kalagayan ng dakilang saserdote rin naman, na hindi nagmapuri sa kaniyang sarili, kundi yaong sa kaniya di umano ay nagsabi, “Ikaw ay aking Anak. Ikaw ay aking naging anak ngayon:” at “Ikaw ay saserdote magpakailan man, Ayon sa pagkasaserdote ni Mequisedec.”
Sa gayo’y pinalalabas ng may akda, na itong si Jesus sa kalagayang dakilang saserdote ay higit sa mga karaniwang dakilang saserdote ng Israel, sapagka’t siya’y tinawag di umano at itinalaga ng Dios na maging saserdote magpakailan man na gaya ni Melquisedec. Samantalang sila’y hindi tinamo ang gayong pagtatangi, palibhasa’y mga inihalal lamang ng pamunuan nitong relihiyon ng mga Israelita.
Hinggil sa minamatuwid nitong may akda sa kalagayan ni Jesus ay mariin naming tinututulan, ayon sa mga sumusunod na kadahilanan,
Walang anomang kasulatan na makapagpapatotoo na sinabi ng Dios kay Jesus ang mga sumusunod      na salita.
A. Ikaw ay aking Anak. Ikaw ay aking naging anak ngayon: (Awit 1:7)
B. Ikaw ay saserdote magpakailan man, Ayon sa pagkasaserdote ni Mequisedec.
Ang mga salitang inihayag namin sa letrang “A” (Awit 1:7) ay napakaliwanag na sinalita ng Dios kay David na isa sa pinahiran ng Panginoon, at sa gayo’y walang anomang mababasa sa lahat ng kasulatan na ang mga salitang yao’y sinambitla ng Dios kay Jesus sa kaniyang kapanahunan.
Tungkol naman sa pahayag na nasa letrang “B” (Awit 110:1-4) ay pakaunawai nyo nga kung ano ang katuwiran ng Dios na ipinahahayag ng Awit. 
Na sinasabi,
Awit 110 :
1  Sabi ng Panginoon sa aking panginoon, Umupo ka sa aking kanan, Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.
2  Pararatingin ng Panginoon ang setro ng iyong kalakasan mula sa Sion; Magpuno ka sa gitna ng iyong mga kaaway.
3  Ang bayan mo’y naghahandog na kusa, Sa kaarawan ng iyong kapangyarihan, sa kagandahan ng kabanalan: Mula sa bukang liwayway ng umaga, Ikaw ay may hamog ng iyong kabinataan,
4  Sumumpa ang Panginoon, at hindi magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man, Ayon sa pagkasaserdote ni Melchisedech.

Kung inyong napansin ang Awit 110:1 ay may binabanggit na Panginoon sa malaking letrang “P” at may binabanggit na panginoon sa maliit na letrang “p”. Sa gayo’y dalawang (2) entidad ang maliwanag na tinutukoy sa unang bahagi ng nabanggit na talata. Na sinasabing ang panginoon (hari) ay umupo sa kanan ng Panginoon (Dios), hanggang sa gawing ng Panginoon (Dios) na tungtungan ng panginoon (hari) ang kaniyang mga kaaway.

Ang hari nga ng Israel ay kailangang tumupad sa mga kautusan ng Dios, bilang paglagay sa kaniyang kanan, nang sa gayo’y tulungan ng Panginoong Dios ang hari na mapasailalim sa mga paa niya ang kaniyang kaaway na bayan at bansa. 

Kaya’t kung mailalagay ng panginoon (hari) ang kaniyang sarili sa kanan ng kaniyang Panginoon (Dios) ay isusumpa nga ng Dios, na siya’y kikilalanin niyang isang saserdote magpakailan man, na ayon sa pagkasaserdote ni Mesquisedec.

Hinggil sa usaping ito’y sinaysatin nga natin ang aklat ng propetang si Samuel, nang sa gayo’y maging ganap ang inyong pagkaunawa sa katuwiran ng mga pahayag sa Awit 110:1-4, at ang kapilipitan ng mga salita sa Heb 5:5-6.

Sa gayo’y bibigyan namin sa inyo ng linaw ang tumutukoy sa isang Panginoon at isa pang panginoon. Hinggil dito ay narito ang ilang talata na pagkakakilanlan sa dalawang magkatulad na salitang ito. Nang sa gayo’y maalaman kung sino baga ang tinutukoy ni David na Panginoon at panginoon.











KOMONALIDAD NG MGA DENOMINASYONG CRISTIANO

 Alam mo ba na sa kabila ng poot ng mga denominasyong Kristiyano sa isa't isa ay mayroon silang napakalapit na pagkakatulad? Narito ang isang maikling video na makakatulong sa iyo na maunawaan nang maayos at tama ang makontrobersyal na episode na ito.






Saturday, January 25, 2025

Chapter 7 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 2 of 4)

Sa pagpapatuloy ay pinatototohanan ni Jesus sa lahat, na ang mga nabanggit na kautusan ng pagibig ay hindi kailan man naging ang tanging kaukulan ay sa sangbahayan ni Israel lamang, kundi,

EZE 18 :
Narito, LAHAT NG KALULUWA AY AKIN; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ANG KALULUWA NA NAGKAKASALA AY MAMAMATAY.

Katotohanan na nararapat tanggapin ng lahat, na ang pagiging saserdote at hari nitong si David ay mula sa kapangyarihan ng kautusan kay Moises na kaniyang ginanap, at ito’y may sapat na kakayanang maglunsad sa kanino mang kaluluwa sa buhay na walang hanggan.

Chapter 7 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 1 of 4)

Sa kabanatang ito’y tampok sa talata 1 hanggang 10 ang usapin na may kinalaman sa saserdote na magpasawalang hanggan,” at sa pagsasalaysay ng lahi ay ginawang halimbawa itong si Melquisedec. Na bagaman hindi nabanggit sa kasulatan ang kaniyang pinagmulan ay maliwanag na kinagiliwan ng Dios sa pamamagitan ng kaniyang pagsunod, at iniluklok sa Salem (Jeruselem) na dakilang hari.

Palibhasa’y pinamamahayan at pinaghaharian nitong Espiritu ng Dios sa kaniyang kalooban ay ipinahayag niyang siya’y kaniyang saserdote na magpasawalang hanggan.

Sa gayo’y dalawang layunin ang ipinaganap ng Dios kay Melquisedec sa kapanahunang yaon, sa makatuwid baga’y bilang hari at saserdote. Na siyang sa kasaysayan ay kaunaunahang saserdote na inihalal ng Dios, na ang ibig sabihin ay hindi mawawalan ng saserdote ang mga anak ng pagsunod magpakailan man.”

Sunday, April 24, 2022

Sunday, November 29, 2015

Kabanata 7 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 3 of 4)

akda na itong si Jesus ay nakapagliligtas ng lubos sa mga nagsisilapit sa Dios, palibhasa aniya’y laging nabubuhay upang magsilbing tagapamagitan ng Dios sa mga tao.

Nguni’t katotohanang sinasabi namin sa inyo na ang minamatuwid na yao’y isang katitisurang ganap na magpapahamak sa kaluluwa ninoman. Sapagka’t bago pa bumangon sa layunin itong si Jesus ay marami ng kaluluwa na sumanib sa kaluwalhatian ng Dios. Na hindi nangailangan ng gaya niyang di umano’y tagapamagitan ng Dios sa tao.

Kabanata 7 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 4 of 4)


EFE 2 :
13  Datapuwa’t ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo.

14  Sapagka’t siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,

15  Na INALIS ANG PAGKAKAALIT sa pamamagitan ng kaniyang laman, KAHIT ANG KAUTUSAN NA MAY MGA BATAS AT PALATUNTUNAN; upang sa dalawa ay LALANGIN SA KANIYANG SARILI ang isang TAONG BAGO, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan.

Datapuwa’t kung itong si Jesus mismo ang ating tatanungin hinggil sa kalagayang inilalapat ni Pablo at ng may akda nitong sulat sa mga Hebreo sa kaniyang sarili ay sasangayunan naman kaya niya ang gayon? Nguni’t bago tayo pumalaot sa usaping ito’y atin munang siyasatin, kung ano baga ang layunin nitong Espiritu ng Dios na namahay at naghari sa kaniyang kalooban.

Monday, October 22, 2012

Kabanata 6 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 1 of 4)


Kaugnay ng huling bahagi ng nakaraang kabanata (5) ay maliwanag na ipinahihiwatig nitong may akda, na ang mga aral na nilalaman ng evangelio ng kaharian, na tumutukoy sa kautusan, palatuntunan, at kahatulan ay gaya lamang ng pagkaing gatas ng mga sanggol. Na mga simulaing katuruan na nararapat iwanan ng sinomang umano’y umantas na sa larangan ng kabanalan. 

Sa gayo’y nagsigulang na nga sila at  kakain na ng pagkaing matitigas imbis na gatas. Na kung lilinawin ay yaong mga nilalamang aral nitong evangelio ng di pagtutuli (Gentil) ang matitigas na pagakaing kakanin nila, na isinusulong ng may akda nitong sulat sa mga Hebreo, at ng mga liham ni Pablo sa iba’t ibang bayan.

Dahil dito ay minatuwid sa kabanatang ito ang mga sumusunod na pahayag, gaya ng mababasa sa ibaba.

HEB 6 :
1  Kaya’t tayo’y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa (kautusan), at ng pananampalataya sa Dios,

Kabanata 6 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 2 of 4)


Sa talata 4 hanggang 6 ay sinasabing ang mga minsang naliwanagan at nakalasap ng mga kaloob ng kalangitan (salita ng Dios), at ang nakabahagi sa Espiritu Santo, na nahiwalay sa Dios ay hindi maaaring baguhin silang muli ng kanilang pagsisisi. Sa gayo’y tila baga ipinapako nilang muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios (Jesus), at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.

Kaugnay nito, sa mga nakabahagi sa Espiritu ng Dios o ng Espiritu Santo ay sinasabi,




Silang nabahaginan ng Espiritu ng Dios (Espiritu Santo)

EZE 36 :
27  At AKING ILALAGAY ANG  AKING ESPIRITU SA LOOB NINYO, at palakarin kayo ng ayon sa aking mga PALATUNTUNAN (kautusan), at inyong iingatan ang aking mga KAHATULAN, at ISASAGAWA.

EZE 37 :
28  At malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa Israel, pagka ang aking SANTUARIO (sisidlang hirang) ay mapapasa gitna nila magpakailan man.

Kabanata 6 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 3 of 4)

Sa pagpapatuloy ng may akda ay ibinigay niyang halimbawa itong si Abraham sa talata 13 hanggang 15, na sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya ay inaring ganap at tinamo ang mga pangako (talata 14)  na ipinangako sa kaniya ng Dios. Ang pinagbatayang teksto bilang pagbibigay diin sa bagay na ito ay ang mga sumusunod,

GEN 15 :
6  AT SUMAMPALATAYA SIYA SA PANGINOON; at ito’y ibinilang na KATUWIRAN sa kaniya.

Sa kasulatan ay katotohanang nasasaad na itinuring ng Dios na katuwiran kay Abraham ang kaniyang pananampalataya. Subali’t hindi nangangahulugang gayon na nga ang katuwiran ng Dios na nararapat niyang masumpungan sa mga tao. Bago natin bigyan ng karampatang tanglaw ang usaping ito’y pag-agapayanin muna natin ang mabuting sumpa ng Dios kay Abraham, at ang pinagtibay na sumpa sa anak nitong si Isaac. Sa gayo’y makikita natin ang tunay nating hinahanap.

Kabanata 6 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 4 of 4)


Sa huling dalawang talata (19 at 20) ng kabanatang ito’y iginiit na muli itong si Jesus sa kalagayan ng isang dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. Ano pa’t sinasabing siya’y pumasok sa tabing ng kampamento, nang dahil sa kanila (mga Hebreo at may akda). Na gaya nitong sinepete (angkla) ng kaluluwa ay inari nilang ganap ang pagasang ito na matibay at matatag.

Hinggil sa usaping ito’y katotohanan na itong si Jesus ay isinugo nitong Espiritu ng Dios sa sangbahayan ni Israel, sa layuning likumin at isauli sa kawan ang mga ligaw na tupa ng sangbahayan ni Israel. Na ito’y napakaliwanag na sinasabi,

MATEO 15 :
24  Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi, HINDI AKO SINUGO KUNDI SA MGA TUPANG NANGALIGAW SA BAHAY NI ISRAEL.

Sa pagpapatuloy ay paanong nakabilang ang may akda sa layunin ng Cristo sa nabanggit na sangbahayan, gayong isa siya sa mga Gentil, na hayagang nagsusulong ng mga katuruan (evangelio ng di pagtutuli) na may mariing paghihimagsik sa mga salita (evangelio ng kaharian) nitong Espiritu ng Dios na isinatinig ni Jesus.

Sunday, June 3, 2012

Chapter 5 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 1 of 2)


Sa kabanata (5) namang ito’y tampok ang pagbibigay diin sa pagiging umano’y dakilang saserdote ni Jesus, na siyang gumawa ng walang hanggang kaligtasan sa lahat ng nagsisitalima sa kaniyang mga aral. Sa gayo’y pinangalanan siya ng Dios na dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec. 

Gayon ding binibigyang diin ng may akda, na ang mga Hebreo ay hindi na nga mga bata (sanggol) pa na nangangailangan ng pagkaing gatas, upang manatili sa mga  simulaing aral ng Dios (Jesuscristo). Sapagka’t sila’y husto na sa gulang upang kumain ng matitigas na pagkain. 

Sa makatuwid baga’y yaong mga katuruan (evangelio ng di pagtutuli) na umano’y may kinalaman sa katuwiran, na higit ang pakinabang kay sa nabanggit na panimulang aral ng sanglibutan patungkol sa Dios.

Hinggil dito, sa talata 1 hanggang 4 ay binibigyang diin ng gawa nitong mga dakilang saserdote ng mga Hebreo (anak ni Israel). Na sa kanilang panunungkulan ay ginagawa ang mga bagay na nauukol sa Dios at mga tao, sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga handog at mga hain patungkol sa mga kasalanan ng bayan at ng kaniyang sarili. 
Na makapagtitiis na may kaamuan sa mga di nakakaalam at sa mga nangagkakamali. Sinoman nga sa kanila ayon sa may akda ay hindi nagtatamo ng anomang karangalan, malibang siya’y tinawag ng Dios gaya ni Aaron.

Chapter 5 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 2 of 2)


JUAN 19 :
30  Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi niya, NAGANAP NA: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga.


Si Jesus nga kung gayo’y namatay sa krus at hindi gaya ng isinasaad sa talata na siya’y nakaligtas sa kamatayang iniamba sa kaniya ng mga tampalasan. Sa pagpapatuloy ay sinabing itong si Jesus ay nanalangin at dumaing sa Dios na may kapangyarihang magligtas sa kaniya sa tiyak na kamatayan. Sa gayo’y may pahiwatig naman dito na siya’y hindi Dios, kundi gaya ng karaniwang tao na umaasa lamang ng kaligtasan sa Dios.

Bagay na sumasalungat sa isinaad ng may akda sa kabanata 1, na kung iaagapay sa talata 7 ay hindi mahirap makita ang mabigat na salungatan.

HEB 5 :
7  Na siya (Jesus) sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangya- rihang makapAgligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya’y dininig dahil sa kaniyang banal na takot,

HEB 1 :
3  Palibhasa’y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na LARAWAN NG KANIYANG (Cristo) PAGKA DIOS, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang ang PAGLILINIS NG MGA KASALANAN, ay LUMUKLOK SA KANAN NG KARANGALAN SA KAITAASAN.

Nang ang nasasaad sa Heb 1:3 ay bigyang diin ni Pablo sa kaniyang mga sulat ay nagtumibay sa kaisipan ng marami, na itong si Jesus ay Dios ngang totoo sa likas na kalagayan, na sinasabi,