Sa pagpapatuloy ay pinatototohanan ni Jesus sa lahat, na ang mga nabanggit na kautusan ng pagibig ay hindi kailan man naging ang tanging kaukulan ay sa sangbahayan ni Israel lamang, kundi,
EZE 18 :
4 Narito, LAHAT NG KALULUWA AY AKIN; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ANG KALULUWA NA NAGKAKASALA AY MAMAMATAY.
Katotohanan na
nararapat tanggapin ng lahat, na ang pagiging saserdote at hari nitong si David
ay mula sa kapangyarihan ng kautusan kay Moises na kaniyang
ginanap, at ito’y may sapat na kakayanang maglunsad sa kanino mang kaluluwa
sa buhay na walang hanggan.
Na
sinasab,
1 HARI 2 :
2 Ako’y (David)
yumayaon ng lakad ng boong lupa; ikaw (Solomon) ay
magpakalakas at magpakalalake;
3 At iyong ingatan ang
bilin ng Panginoon
mong Dios, na LUMAKAD SA
KANIYANG MGA DAAN, na ingatan
ang kaniyang mga PALATUNTUNAN, ang kaniyang mga UTOS, at ang kaniyang mga KAHATULAN, at ang kaniyang mga PATOTOO, ayon sa NASU- SULAT SA KAUTUSAN NI MOISES,
upang ikaw ay guminhawa sa lahat ng iyong ginagawa, at saan ka man pumihit.
4 Upang PAGTIBAYIN
NG PANGINOON ANG KANIYANG SALITA NA KANIYANG SINALITA TUNGKOL SA AKIN, na
sinasabi, Kung ang iyong mga anak ay magsisipagingat sa kanilang lakad, na
lalakad sa harap ko sa KATOTOHANAN ng
kanilang BOONG PUSO at ng kanilang BOONG
KALULUWA, hindi ka kukulangin (sabi niya) ng lalake sa luklukan ng Israel.
1 HARI
3 :
14 At kung ikaw (Solomon) ay
lalakad sa aking (YHVH) mga daan, upang ingatan ang
aking mga PALATUNTUNAN, at
ang aking mga UTOS, gaya ng INILAKAD NG IYONG AMANG SI DAVID, ay akin ngang palalaunin ang iyong mga kaarawan.
JUAN
12 :
50
At nalalaman ko na ANG
KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANG- GAN; ang mga bagay nga na
sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA,
GAYON KO SINASALITA. (Mat 25:46)
Kaya’t
maging tanda at patotoo sa inyo ang mga nabanggit na talata sa nakaraang
pahina. Na itong si David ay natamo ang pagiging saserdote
at hari alinsunod sa mga nasusulat sa kautusan ni Moises,
at napakaliwanag na hindi ayon sa sulimpat na pagmamatuwid ng may akda sa talata
15 hanggang 17 ng kabanatang ito (Heb 7:15-17).
Narito,
at sa talata 18 at 19 ay walang anomang ipinahayag ng may akda, na ang unang kautusan
(Moises) ay napawi na dahil sa kaniyang kahinaan at kawalan
ng kapakinabangan. Dagdag pa’y walang kakayanan itong magpasakdal ng
sinoman. Ano pa’t di umano’y may pumasok na isang lalong magaling na pagasa kay sa rito, na kung saan ay sinabing nangagsisilapit sila sa Dios.
Sa
makatuwid baga’y siya na (Jesus) kinikilala nilang dakilang
saserdote magpakailan man, na ayon sa pagkasaserdeto ni
Melquisedec. Na sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa
kaniya’y iniligtas ang kanilang kaluluwa at tinubos ang kanilang mga
sala.
Sa gayo’y nilipasan na
pala ng panahon at naging inutil ayon sa mga hangal ang
mga kautusan, na ayon mismo sa kaisaisang
Dios ay nangatatatag magpakailan kailan man.
Gaya
ng nasusulat,
AWIT 111:
7 Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay KATOTOHANAN at KAHATULAN.
Lahat niyang mga tuntunin (kautusan) ay tunay.
8 NANGATATATAG MAGPAKAILAN KAILAN MAN. Mga
yari sa KATOTOHANAN
at KATUWIRAN.
AWIT
89:
34 Ang tipan ko’y hindi ko sisirain. Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking
mga labi.
AWIT
105 :
7 Siya ang Panginoon nating Dios; Ang kaniyang
mga kahatulan ay nangasa boong lupa.
8 Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan
magpakailan man, Ang salita na kaniyang
iniutos sa libong sali’t saling lahi.
MATEO
5 :
18
Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang
langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
MATEO 19 :
17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo
itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti:
datapuwa’t kung
ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN
MO ANG MGA UTOS.
JUAN
12 :
50
At nalalaman ko na ANG
KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay
ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.
Ang mga patotoo na katatapos naming inilahad
sa inyo’y mga katotohanan, na maging ang kaisaisang Dios
mismo sa kaniyang sarili ay hindi maaaring tanggihan. Sapagka’t ito ang
kaisaisang katuwiran na kaniyang nalalaman, sa ikapagtatamo ng sinoman ng buhay
na walang hanggan. Kung gayo’y paano nasabi ng may akda na ang
katuwirang ito ng ating Ama na nasa langit ay inutil?
Maliwanag nga ring pinalalabas ng
sulat sa mga Hebreo, na ang kaligtasan ng kaluluwa at buhay
na walang hanggan ay walang sinomang nakatamo sa pamamagitan ng mahina,
hindi epektibo, at inutil na kautusan ng ating Ama.
Laban dito’y paano maipaliliwanag ng mga tagapagtanggol ng nabanggit na sulat
ang pagkakaroon ng simbolismong tupa sa lahat ng
kapanahunang wala pa sa eksistensiya itong si Jesus?
Sa makatuwid baga’y simbolismo
lamang ng kambing ang pinalalabas na kalagayang umiral sa mga tao
noong una? Kung nagkagayo’y wala ngang isa man sa una na nagtamo ng kaligtasan
ng kanilang kaluluwa, at silang lahat, pati na si Noe, ang
anak ni Jared na si Enoc, Melquisedec, Abraham,
Isaac, Jacob, David, Solomon at
marami pang nangagsisunod sa kanila na ibinilang ng Dios sa kalipunan ng
mga anak ng pagsunod (tupa). Sila kung gayo’y pinalalabas ng
may akda na kumakatawan sa simbulo ng mga kambing (anak ng
pagsuway) na hindi nakaabot sa kapanahunan ni Jesus.
Ano pa’t kung walang binigyang
diin ang Dios na kalagayang
tupa ay maaari ngang masabi maging kami man, na inutil nga ang kautusan ng sarili nating Ama na nasa
langit.
Nguni’t hindi kakaunting ulit na
binanggit ng Dios ang tungkol sa mga tupa ng kaniyang pastulan, na ang ibig sabihin ay mga anak ng pagsunod. Sila kung gayo’y nagsipagtagumpay na matamo ang buhay na walang hanggang sa
kaluwalhatian ng langit.
Na
sinasabi,
Mateo
8 :
11 At sinabi ko sa
inyo, na marami ang magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob,
sa kaharian ng langit.
Kung ang mga kautusan
ng Ama na tinalima ni Abraham, Isaac, at Jacob
(Israel) ay mahina, hindi epektibo, at inutil sa layunin
ay paano nga ang tatlong yao’y naluklok sa kaharian ng langit?
Ano
pa’t tungkol kay Abraham at Isaac ay sinabi,
GEN 15 :
6 AT SUMAMPALATAYA SIYA
SA PANGINOON; at ito’y ibinilang na KATUWIRAN sa
kaniya.
GEN
15 :
5 At siya’y (Abram)
inilabas at sinabi, Tumingala ka ngayon sa langit, at iyong bilangin ang mga
bituin, kung mabibilang mo: at sa kaniya’y sinabi, MAGIGING
GANIYAN ANG IYONG BINHI.
GEN
26 :
4 At aking
pararamihin ang iyong (Isaac) binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at
ibibigay ko sa iyong binhi ang lahat ng lupaing ito; at pagpapalain sa iyong
binhi ang lahat ng bansa sa lupa; (Mat 7:17-19)
5 Sapagka’t SINUNOD NI
ABRAHAM ang aking TINIG, at GINANAP NIYA ang
aking BILIN, ang
aking mga UTOS, ang aking mga PALATUNTUNAN, at ang aking mga KAUTUSAN. (Juan 5:19)
Sa makatuwid, kung ang sinoma’y
masumpungan ng Dios na gumagawa ng gaya ni Abraham,
at gayon din ng kay David ay maliwanag pa sa sikat ng araw, na
sila’y kasakasama rin ng tatlong (3) yaon na naluluklok sa kahariang ng
langit. Ang ibig bang ipakahulugan ay ginawang tuntungan ng marami ang
kautusan ng Dios, upang maabot nila ang buhay na walang hanggan
sa kaharian ng langit? At
ito’y sa pamamagitan ng masigla at may galak sa pusong tinalima sa kautusan ng
mga anak ng pagsunod.
Kung
hindi ka baga isang hangal at hibang sa iyong sarili ay paano mo
nasabing walang silbi at inutil ang hagdanang yaon na nagdudugtong sa una at
pangalawang palapag ng gusali, gayong hindi kakaunti ang nagdaan doon at
narating ang kaluwalhatian ng nabanggit na pangalawang palapag.
Ano pa’t sa katayugan ng lipad ng
mga tampalasan sa Dios, maging ang mga aral na nangagsilabas mula
sa bibig ng sinasabi nilang dakilang saserdote na magpasawalang hanggan
(Jesus) ay sinalangsang na rin nila, na sinasabi,
HEB 6 :
1 Kaya nga TAYO’Y TUMIGIL NA NG MGA UNANG SIMULAIN NG ARAL NI CRISTO, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na
muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga PATAY
NA GAWA (kautusan), at ng pananampalataya sa Dios.
2 Ng aral na tungkol sa mga paglilinis,
at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga
patay, at ng paghuhukom na walang hanggan.
3 At ating gagawin ito, kung
ipahihintulot ng Dios.
ROMA
7 :
6 Datapuwa’t ngayon tayo’y
nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin,
ano pa’t NAGSISIPAG- LINGKOD NA TAYO SA PANIBAGONG ESPIRITU, at
hindi sa karatihan ng sulat.
Dahil dito ay
lumabas ngang hindi tinulutan ng pinaglilingkuran nilang panibagong
espiritu (bagong dios) na isabuhay ang tinatawag nilang simulaing aral
ng Cristo. Sapagka’t sa paghahambing ng salita na nangagsilabas mula
sa bibig ni Jesus, at sa mga salita mismo nitong si Pablo
ay gayon ngang niwawalan ng kabuluhan ang salita ng una (Jesus).
Na
tungkol sa kautusan, pananampalataya, at bautismo
ay sinabi,
HINGGIL SA KAUTUSAN NG DIOS
EvangElio ng kaharian
(Inutil na simulaing aral ni
Jesus)
|
Evangelio ng di-pagtutuli
(Kapakipakinabang na aral ni
Pablo)
|
|
|
MATEO
5 :
17 Huwag ninyong isiping ako’y naparito
upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi
upang sirain, kundi upang GANAPIN.
|
ROMA
3 :
20 Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng
kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa
paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN
AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.
|
|
|
18 Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo,
Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT,
sa anomang paraan ay HINDI
MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.
|
ROMA
4 :
15 Sapagka’t ang
kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG
SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANG- SANG.
|
|
|
MATEO
19 :
17 At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo
itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti:
datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.
|
ROMA 7 :
6 Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa
kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin, ano pa’t NAGSISIPAGLINGKOD NA TAYO SA PANIBA- GONG ESPIRITU,
at hindi sa karatihan ng sulat.
|
|
|
JUAN
12 :
50 At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na
sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA,
GAYON KO SINASALITA.
|
GAL
5 :
18 Datapuwa’t kung
kayo’y pinapatnu- bayan ng Espiritu, ay WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN.
|
|
|
Sa mga pinaghambing
na mga talata sa itaas ay maliwanag na
makikitang ganap na sinasalungat nitong evangelio ng di-pagtutuli ang katuwiran ng kautusan
na nasasaad sa evangelio ng kaharian.
Bagay na nagpapahayag ng paghihimagsik
sa tinig at salita ng Espiritu nitong ating Ama na
nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus.
Sa gayon nga’y maliwanag na walang
anomang kabuluhan kay Pablo ang mga salita ng Dios na nagpapaigting
at nagpapatibay sa mga kautusan, bilang sandigan ng kaligtasan
at katubusan ng sinoman.
Palibhasa’y itinuturing niya
itong simulaing aral lamang na hindi kasusumpungan ng anomang katuwirang
may kinalaman sa tunay na kabanalan. Na kung itutulad sa pagkain
ay gatas, na mga sanggol lamang ang tanging nangangailangan.
Datapuwa’t
ang kinikilala niyang mga matitigas na aral ay yaong isinaad sa gawing kanang
itaas, na kailangang isabuhay ng mga di umano’y nalalagay sa mataas na antas
ng kamalayan. Sila kung gayon ang ipinahihiwatig ng may akda ng sulat
sa mga Hebreo, na maaari ng maging mga guro at mangangaral nitong
evangelio ng di pagtutuli.
HINGGIL SA TUNAy NA
PANANAMPALATAYA
EvangElio ng kaharian
(Inutil na aral ni Jesus)
|
Evangelio ng di-pagtutuli
(Kapakipakinabang na aral ni
Pablo)
|
|
|
MATEO
23 :
23 At inyong pinababayaang di ginaga- wa ang LALONG
MAHAHALAGANG BAGAY NG KAUTUSAN, Na dili iba’t ang Katarungan,
at ang Pagkahabag,
at ang PANANAMPALATAYA: datapuwa’t dapat
sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pinababayaang di gina-
gawa yaong iba.
|
GAL
2 :
16
Bagama’t naaalaman na ang tao ay hindi inaaring ganap sa mga gawang AYON
SA KAUTUSAN, maliban na
sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo
rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus,
upang tayo’y ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG
AYON SA KAUTUSAN: sapagka’t sa mga gawang ayon sa
kautusan ay HINDI AARIING GANAP ANG SINOMAN.
|
|
|
SANT
2 :
14 Anong
pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya’y may PANANAMPALATAYA,
nguni’t WALANG MGA GAWA? makapagliligtas
baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?
|
GAWA
13 :
39 At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya
ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay,
na sa mga ito’y HINDI KAYO AARIING GANAP sa pamamagitan ng KAUTUSAN
NI MOISES.
|
|
|
17 Gayon din naman ang PANANAMPALATAYA NA WALANG MGA GAWA, ay patay
sa kaniyang sarili.
|
GAL
3 :
11 Maliwanag nga na
sinoman ay hindi inaaring-ganap sa KAUTUSAN
sa harapan ng Dios; sapagka’t ang GANAP AY MABUBUHAY SA
PANANAMPALATAYA.
|
|
|
18 Oo, sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong PANANAMPALATAYA, at ako’y mayroong mga GAWA: ipakita mo sa akin ang
iyong PANANAMPALATAYANG HIWALAY SA MGA GAWA (Kautusan), at ako sa
pamamagitan ng aking mga GAWA ay ipakita
sa iyo ang aking PANANAMPALATAYA.
|
|
|
|
Sa evangelio ng kaharian ay ang mga gawa ng
kautusan na kalakip ang pananampalataya. Datapuwa’t ang unang
anyo ng pananampalataya
sa evangelio ng di-pagtutuli ay ang “pananampalataya
na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.”
Bagay
na maging ang katuwiran ng mga salitang isinatinig ni Jesus ay niwalang
kabuluhan nitong si Pablo sa usaping ito. Sa gayon nga’y
mapapagunawa kung papaano pinipilipit ng taong ito ang matuwid na
sinasangayunang lubos nitong katotohanan ng Espiritu ng Dios na nasa kay
Jesus.
HINGGIL SA KAUTUSAN NG BAUTISMO
EvangElio ng kaharian
(Inutil na aral ni Jesus)
|
Evangelio ng di-pagtutuli
(Kapakipakinabang na aral ni
Pablo)
|
|
|
MAT
3 :
11 Sa katotohanan ay BINABAUTIS
MUHAN KO KAYO SA PAGSISISI:
datapuwa’t ang dumara- ting sa hulihan ko ay LALONG
MAKAPANGYA- RIHAN kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak:
SIYA ANG SA INYONG MAGBABAUTISMO SA ESPIRITU AT APOY.
|
ROMA
6 :
3 O hindi baga ninyo
nalalaman na tayong lahat na mga NABAUTISMU- HAN KAY CRISTO
JESUS AY NANGABAUTISMU- HAN SA KANIYANG KAMATAYAN?
4 Tayo nga’y nangalibing na kalakip niya sa
pamamagitan ng BAUTISMO SA
KAMATAYAN: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa
pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa
panibagong buhay.
|
|
|
MATEO
28 :
19 Dahil dito’y magsiyaon nga kayo, at gawin
ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong BAUTISMUHAN
sa PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.
|
GAWA
19 :
5 At nang kanilang
marinig ito, ay nangapabautismo sila sa PANGALAN
ng Panginoong Jesus.
|
|
|
20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang
ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo, at narito, AKO’Y SUMASA INYONG PALAGI, HANG GANG SA KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.
|
6 At nang MAIPATONG NA NI PABLO, sa kanila ang kaniyang mga KAMAY, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo; at
sila’y nagsipagsalita ng mga wika, at nagsipanghula.
|
|
|
Datapuwa’t sa evangelio ng di-pagtutuli nitong si Pablo ay yaong bautismo sa kamatayan na nagpapahayag ng kamatayan o paglaya sa kautusan ng Dios.
Ano pa’t ito’y iginagawad ng bautisador sa iglesia ng mga Gentil
sa isang pangalan (Jesus) lamang at hindi sa tatlong pangalan.
Gayon ding isinasagawa ng nabanggit na iglesia ang rituwal na ito
sa pamamagitan ng tubig.
Hinggil dito ay hindi kailan man
sinabi nitong si Juan Bautista, na si Jesus ay babautismo sa tubig,
kundi sa Espiritu at Apoy lamang. Sa gayo’y
binigyang diin ang usaping ito sa Mat
28:19, na ang mga tunay na apostol ay
babautismo sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Ano pa’t pagkamatay
ni Juan bautista ay hindi sinabi kailan man ng mga totoong saksi ni Jesus (Mateo at Juan), na kabilang ang tubig sa pagsasagawa ng sagradong
rituwal ng bautismo sa mga tao.
Sa makatuwid nga kung gayo’y eksklusibo
lamang sa kapamahalaan nitong si Juan ang paraan ng bautismo sa tubig,
at ang rituwal na yao’y
napakaliwanag na isinama niya sa pagpanaw ng kaniyang buhay
sa sanglibutan.
Sa talata
18 at 19 ay binibigyang diin ang pagiging inutil nitong kautusan ng Dios,
at hindi lamang yaon ang bagay na inilahad sa maliwanag ng ilaw. Kundi pati na
ang mga nilalaman nitong evangelio ng
kaharian na nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus ay idineklara na ring inutil
gaya ng nabanggit na mga kautusan ng Dios. Sapagka’t napakaliwanag na
kailan ma’y hindi sinangayunan ng mga katotohanang isinatinig ni Jesus
ang iginigiit na mga doktrinang pangrelihiyon ng lapiang Gentil.
Sa
gayo’y ginamit bilang sangkalan lamang ang kaniyang pangalan, nang sa gayo’y
magkaroon ng kaukulang timbang ang pinaglulubid nilang mga kasinungalingan.
Subali’t ayon sa mga bagay na nahayag sa inyo ngayon sa maliwanag ay ganap
na oposisyon ang katuruang Pablo sa mga aral ng kabanalan
(Katuruang Cristo) na isinatitik ng mga tunay na saksi ni Jesus.
Kaugnay
nito, sa talata 20 hanggang 22 ay minamatuwid ng may akda, na ang mga saserdote na inihalal
sa pamamagitan ng mga kautusan ni Moises ay walang tinamong sumpa
mula sa Dios. Hindi gaya nitong si Jesus na tinaglay di umano ang
sumpa, na sinasab,
“Sumumpa ang Panginoon at hindi siya magsisisi, Ikaw ay saserdote magpakailan man.”
Gaya nga ng katotohanang
ipinangsupil namin noong una sa kasinungaling ito’y hindi kay Jesus
iginawad ng Dios ang nabanggit na sumpa, kundi ayon sa kasaysayan ay kay
David yaon iginawad, upang gaya ni Melquisedec ay maging saserdote
siya na magpakailan man.
Tungkol
nga dito ay tinatawag namin ang pansin ng mga tagapagtanggol nitong kasulatan
ng mga Gentil. Na sila’y lumantad at sa amin ay ipakita ang kasulatan na
sa kapanahunan ni Jesus ay kinausap siya ng Dios at inihalal sa
kalagayang inilalapat sa kaniya ng mga karumaldumal na Gentil.
Datapuwa’t
nalalaman namin na isa man sa kanila’y walang lilitaw upang pasinungalingan ang
mga bagay na inilahad ng ilaw sa maliwanag. Sapagka’t ang lahat ng yao’y hindi
maikakaila maging ng mga pantas at dalubhasa sa kasulatan na
pawang mga hakahakang tinotoo lamang ng mga tampalasan.
Katotohanan
sa makatuwid na walang anomang kasulatan ng mga anak ni Israel na
makapagkakaloob ng kaukulang awtentisidad sa kalagayang yaon na
inilalapat kay Jesus ng mga hibang.
Sa pagpapatuloy ay gayong
binibigyang diin sa talata 22, na itong si Jesus ay naging tagapatnugot sa di
umano’y lalong mabuting tipan. Na tungkol dito ay sinabi,
Heb 8 :
7
Sapagka’t
kung
ang unang tipang yaon ay naging walang kakula- ngan, ay hindi na sana
inihanap ng pangangailangan ang ika- lawa.
Maliwanag na
pinalalabas sa talata, na yaong tipan
kay Moises
ang unang tipan na may kakulangan, kung bakit ipinahayag ng mga Gentil
na ito’y inutil sa layunin. Kaya’t inihanap nila ito ng lalong mabuting
tipan na ang inilapat nilang tagapatnugot ay ito ngang si Jesus.
Hinggil
sa usaping ito’y pakaunawain nga ninyo ang ilang bagay na sa inyo ngayon ay
aming ilalahad, na sinasabi
AWIT
89:
34 Ang tipan ko’y hindi ko sisirain. Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking
mga labi.
ISA
34 :
16 Inyong saliksikin sa AKLAT
NG PANGINOON, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay HINDI MAGKUKULANG,
walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka’t INIUTOS NG AKING BIBIG, pinisan sila ng kaniyang Espiritu.
JUAN
12 :
50 At nalalaman ko na ANG
KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na
sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA,
GAYON KO SINASALITA. (Mat 25:46)
Mat 8 :
11 At sinabi ko sa inyo, na marami
ang magsisipanggaling sa silanganan at sa kalunuran, at magsisiupong kasama ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob,
sa kaharian ng langit.
Alinsunod sa ating
teksto ay katotohanang nagtutumibay na hindi kailan man sisira ang ating Ama sa alin man niyang tipan
na ipinakipagtipan sa kaniyang mga tunay na banal. Ni babaguhin niya ang
mga salitang nangagsilabas mula sa kaniyang bibig.
Ano pa’t madiin niyang sinabi, na
ang kaniyang mga kautusan ay hindi magkukulang, o naging kulang man sa
kahustuhan. Dahil dito’y madiin ding pinatotohanan nitong Espiritu ng
Dios, na ang kautusan ay may sapat na lakas at kakayanan na
maghatid ng sinomang kaluluwa sa buhay na walang hanggang.
Kung ito nga’y inutil sa
layunin, gaya ng sinasabi ng mga hangal ay bakit itong si Abraham,
Isaac, at Jacob ay naihatid sa kaharian ng
langit nitong mga kautusan ng pagibig na kanilang tinalima sa
kanilang kapanahunan. Paano nga rin naisatinig ni Jesus, na ang
tinatawag ng mga Gentil na unang tipan kay Moises na may
mga kautusan ng pagibig ay kaisaisang daan sa buhay na
walang hanggan?
Sa
kaganapang ito’y pakatalastasin ninyo, na paanong mangangailangan ng kahalili
ang isang bagay na masigla at walang patid na napapakinabangan ng marami ang
kaniyang layunin? Ano kung gayon ang pangangalilangan ng pangalawa at bagong
tipan, samantalang yaong una at subok na ay patuloy na nagpapakita ng masigla
at walang humpay na pagsasagawa ng natatangi niyang layunin.
Kaya nga sinabi ng
ating Ama, na ito’y hindi niya sisirain, o
babaguhin ang tuldok, ni kudlit man sa mga kautusan. Sapagka’t nalalaman
niya na yao’y umaayon sa perpektong kaayusan at dakilang
balanse na nasa kaniyang kabuoan. Na ito’y iiral ng ayon sa kaniyang
sinabi, sa makatuwid baga’y kasabay niyang umiiral at nanatili na magpawawalang
hanggan.
Datapuwa’t sa mga hangal
ay walang kahustuhan ang anomang sinasabi ng Dios, kaya lahat ng
kaniyang katuwiran ay nasusumpungan nilang may kakulangan. Palibhasa’y nahirati
silang maging masuwayin sa kaniya, na
kapag sinabi ng Dios na husto ay sasabihin nilang kulang.
Kaya nga ang mga kautusan ng tinatawag nilang unang tipan ay nasumpungan nila sa
gayong kalagayan, at dahil dito ay inihanap nila ito ng pangalawa ayon sa
kanilang sariling kahangalan.
Kaugnay nito, ay inihalal nila si
Jesus bilang tagapatnugot sa sinasabi nilang lalong
magaling na tipan, na sa katotohanan ay hindi kailan man
binigyang eksistensiya ng Dios. Nang dahil sa ang una (tipan
kay Moises) ay hindi kailan man maaaring palitan, ni baguhin man, sa
kadahilanang sa inyo’y amin ng naihayag sa maliwanag.
Sa talata
23 ay sinasabi na totoo ngang marami silang naging ng mga saserdote, datapuwa’t sa kamatayan ay
napigil silang magpatuloy. Pinalalabas baga ng may akda na ang Israel
ay libong taon ng walang mga saserdote na tagapagtanggol at tagapagturo
ng mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan
ng Dios, upang masabi lamang niyang napigil na sila sa pagpapatuloy?
Kaya nga ang pangalang Melquisedec
ay hindi binura ng Dios sa banal na kasulatan ay nang dahil sa paalaala ito na
ang saserdote sa mga anak ng pagsunod ay magpakailan man. Na ang
ibig sabihin ay hindi mawawalan ng pastor sa
lahat ng panahon ang kawan ng mga tupa na kaniyang tinatangkilik sa
kalupaan.
Gayon din naman ang pangalang David
ay nananatili na natatala sa kasulatan ng mga banal, bilang paalaala na
sa kaniyang kapanahunan ay sinariwa ng Dios sa kaisipan ng lahat ang
kaniyang sumpa. Na hindi
mawawalan ng pastor kailan man ang kawan niya ng mga tupa.
Noon
nga hanggang sa ngayon ay hindi nagkulang ang Israel ng mga saserdote na
katiwala ng kasulatan at tagapagturo nitong katuwiran ng
Dios. Gayon din naman sa iba’t ibang bahagi ng boong kalupaan ay
mayroong sisidlang hirang ng Dios na sa pamamagitan nito’y
kinakalinga Niya bilang pastor itong kawan ng mga
tupa, na sinasabi,
MATEO
28 :
20 Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin
ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo, at narito, AKO’Y
SUMASA INYONG PALAGI, HANGGANG SA KATAPUSAN NG
SANGLIBUTAN.
Sa pamamagitan nga nito’y paano nga magkukulang ang mga saserdote o apostol na
pinaghaharian nitong Espiritu ng Dios sa kanikanilang kalooban, gayong
ang nabanggit palang Espiritu ay sumasa kaniyang mga sisidlang hirang
magpakailan man. Kaya’t sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Espiritu
(apostolic succession) ay paano mangyayaring hindi makapagpapatuloy ang mga
saserdote ng Dios hanggang sa katapusan ng mga panahon (age),
kahiman sila’y magsipanaw sa kalupaan.
Sa talata
24 ay tila baga may katiyakan itong may akda ng sulat sa mga Hebreo sa
lahat niyang minamatuwid. Ayon sa kaniya’y namamalagi magpakailan man si Jesus,
palibhasa’y may pagkasaserdote siyang di
mapapalitan.
Nguni’t ang katotohanan ay
itong si David ang pangalawang tao na kinilala ng Dios sa gayong
kalagayan. Datapuwa’t itong si Jesus gaya ng tungkol sa kaniya’y
nangahayag sa maliwanag ay hindi kailan man nabanggit sa mga banal na aklat
ng mga anak ni Israel na nagtamo ng gayong kabanal na kalagayan. Kundi
sa simula pa lamang ay Mesias o Cristo ang kalagayang inihula sa
kaniya ng mga propeta ng Dios. Na kung lilinawin ay gawain na
tumutukoy sa pagsasauli ng mga ligaw na tupa (anak ng pagsunod) sa
kinabibilangan nilang kawan (sangbahayan ni Israel).
Ito’y maliwanag na katotohanang
nagtutumibay ayon sa mga nabanggit na banal na aklat, at kailan ma’y
hindi nagtamo itong si Jesus ng ordinansyon bilang hari ng Israel
na gaya ni Saul, David, Solomon at
iba pa. Ano pa’t itong si Melquisedec ay hari ng Salem
(Jerusalem) na inihalal ng Dios sa pagiging saserdote.
Gayon din naman itong si David
na hari ng Israel na inihalal din sa gayong kabanal na kalagayan.
Sila sa makatuwid ay walang ipinagkaiba sa kalagayan at antas ng kabanalan,
upang sa kanilang balikat ay nangyaring iatang ng Dios ang dalawang
magkaibang layunin (hari at saserdote).
Katotohanan na ang sinomang
makaabot sa kanan ng Ama na nasa langit ay mananatili
magpakailan man, sapagka’t natamo niya ang buhay na walang hanggan.
Nguni’t natatalastas nyo ba na ang sinomang kaluluwa na makipagisa sa
kaluwalhatian niya’y hindi na lalabas pa roon?
Na
sinasabi,
Apoc 3 :
12 Ang magtagumpay ay gagawin kong
haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa roon....
Dahil dito, nang ang kaluluwa nitong si Jesus ay madako
at maluklok sa kanan ng Dios, gaya ng mga nangauna sa kaniyang mga banal
ay hindi na nga siya nakalabas pa roon. Sapagka’t ang pagsanib sa kaluwalhatian
ng Dios ay nangangahulugan ng pagkawala o pagparam ng entidad at
kasarinlan. Sapagka’t ang nasa kaluwalhatian ay iisang persona lamang ng Dios.
Kaya’t
ang sinomang sumanib doo’y gaya lamang ng isang patak na tubig na nalaglag sa
kalawakan ng dagat. Siya nga habang hindi lumalapat sa kabuoang yao’y taglay
ang entidad bilang isang patak na tubig, at taglay din ang kasarinlan,
palibhasa’y hiwalay sa kabuoan.
Kaya’t
sa sandaling siya’y sumanib sa kabuoan ay bahagi na nga lamang siya nito, at sa
lahat ng galaw ng karagatang yao’y kasama na siya. Nguni’t pakatalastasin ninyo
na ang kabuoang yao’y may isang kamalayan at isang isipan (kaisaisang Dios), na
nagpapagalaw sa lahat ng kaniyang mga bahagi.
Kaya
kailan ma’y hindi nagkaroon ng ibang entidad at kasarinlan sa kaluwalhatiang
yaon, upang masabing ang Dios ay hindi nagiisa sa kaniyang sarili, nang
dahil sa siya’y may kasama pang ibang Dios maliban sa kaniya.
Samantala, tayong nangabubuhay sa
kalupaan ay nararapat na umasa ng kaligtasan ng kaluluwa at katubusan
ng sala mula sa kaisaisang Dios na nasa langit. Kaugnay nito, sa talata
25 ay sinasabi ng may
CLICK LINK TO CONTINUE - PART 3 OF 4
No comments:
Post a Comment