Ano mang panulat na walang awtor ay maipasisiyang anonymous. Iyan ang kalagayan ng "SA MGA HEBREO" na walang kalakip na pangalan ng may akda. Kadudaduda sa makatuwid ang nilalaman nito at dahil dito ay kinakailangang ito'y kunan ng kaukulang awtentisidad sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Nakakalungkot isipin na higit pang pinaniwalaan ng marami ang mga di-kapanipaniwalang aral na mababasa dito, kay sa mga salita nitong Espiritu ng Dios na mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus.

Sunday, November 29, 2015

Kabanata 7 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 3 of 4)

akda na itong si Jesus ay nakapagliligtas ng lubos sa mga nagsisilapit sa Dios, palibhasa aniya’y laging nabubuhay upang magsilbing tagapamagitan ng Dios sa mga tao.

Nguni’t katotohanang sinasabi namin sa inyo na ang minamatuwid na yao’y isang katitisurang ganap na magpapahamak sa kaluluwa ninoman. Sapagka’t bago pa bumangon sa layunin itong si Jesus ay marami ng kaluluwa na sumanib sa kaluwalhatian ng Dios. Na hindi nangailangan ng gaya niyang di umano’y tagapamagitan ng Dios sa tao.


Tungkol sa tagapamagitan ay inyo ngang pakaunawain ang ilang bagay na ilalahad namin sa maliwanag. Nang sa gayo’y hindi na kayo muli pang mapaglalangan ng mga tampalasan, at sa gayo’y mailagay ninyo ang inyong mga sarili sa tunay na tagapamagitan ng Dios sa mga tao.

Gaya ng rumaragasang tubig sa malawak na ilog ay may pangpang sa magkabilang tabi, kaya naman totoong mangangailangan kang gumamit ng tulay sa iyong pagtawid. Datapuwa’t yao’y kay laon ng naitatag at ang gagawin na lamang ng sinoman ay tatahakin ang landas ng tulay, nang sa gayo’y marating ang kabilang pangpang na walang hirap at kapahamakan.

Ang tao nga’y hangad ang buhay na walang hanggan, sapagka’t nais niyang takasan ang mahahaba at matatalim na pangil ng kamatayan. Dahil dito’y kailangan niyang gumamit ng kasangkapan upang matawid ang kalawakan na naghihiwalay sa pangpang ng lupa at sa pangpang ng langit. Gaya ng tulay na naghahatid ng sinoman sa kabilang ibayo ng rumaragasang ilog. Dahil dito’y katotohanan na tulay nga lamang ang pinakaligtas na daan sa pagtawid, at ang iba’t ibang paraan maliban dito ay may katiyakan ang kapahamakan at kamatayan.

Hinggil dito ay sinabi,

Ang tagapamagitan ng Dios sa tao

DEUT 30 :
10  Kung iyong susundin ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin mo ang kaniyang mga palatuntunan na nasusulat sa AKLAT na ito ng KAUTUSAN. Kung ikaw ay MANUNUMBALIK sa Panginoon mong Dios ng iyong boong puso, at ng iyong boong kaluluwa.

11  Sapagka’t ang UTOS na ito na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, ay HINDI TOTOONG MABIGAT sa iyo, ni MALAYO. (1 Juan 5:3)

12  Wala sa langit, upang huwag mong sabihin, SINONG SASAMPA SA LANGIT PARA SA ATIN, at MAGDADALA niyaon sa atin, at MAGPARINIG sa atin, upang ating MAGAWA.

13  Ni wala sa dako roon ng dagat, upang huwag mong sabihin, SINO ANG DARAAN SA DAGAT PARA SA ATIN, at MAGDADALA niyaon sa atin, at MAGPAPARINIG sa atin, upang ating MAGAWA.

14  KUNDI ANG SALITA AY TOTOONG MALAPIT SA IYO, SA IYONG BIBIG, at sa iyong PUSO, upang iyong MAGAWA.

EXO 20 :
At pinagpapakitaan ko ng KAAWAAN ang libolibong UMIIBIG SA AKIN at TUMUTUPAD NG AKING MGA UTOS.

MATEO 19 :
17  At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.

MATEO 22 :
36  Guro, alin baga ang DAKILANG UTOS sa KAUTUSAN?
37  At sinabi sa kaniya, IIBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIOS NG BOONG PUSO MO, AT NG BOONG KALULUWA MO, AT NG BOONG PAGIISIP MO. (Deut 6:5)
38  Ito ang DAKILA AT PANGUNANG UTOS.

39  At ang PANGALAWANG KATULAD ay ito, IIBIGIN MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG IYONG SARILI. (Lev 19:18, Mat19:19)
40  SA DALAWANG UTOS NA ITO’Y NAUUWI ANG BOONG KAUTUSAN, AT ANG MGA PROPETA.

JUAN 14 :
31  Datapuwa’t upang maalaman ng sanglibutan na ako’y umiibig sa Ama, at ayon sa KAUTUSANG IBINIGAY SA AKIN NG AMA, AY GAYON DIN ANG AKING GINAGAWA ... (Roma 3:28

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANG- GAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.

Narito, at napakaliwanag na ang kaisaisang tulay sa ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan ay ang kautusan ng pagibig sa Dios at ang kautusan ng pagibig sa kapuwa. Kautusan kung gayon ang namamagitan sa tao at sa Dios, upang ang sinoman mula sa pangpang ng lupa ay makalipat sa pangpang ng langit. Ang kalawakang naghihiwalay sa dalawang (2) dimensiyon (lupa at langit) ay kautusan ng Dios ang siyang katotohanan katotohanang nag-uugnay.

Kaya’t kung ang sinoma’y gagamit ng tulay (kautusan) ay walang pagsalang siya’y makatatawid sa kalawakang nabanggit, at hahantong sa kung saa’y nananatili ang buhay na hindi napaparam, sa makatuwid baga’y yaong buhay na walang hanggan.

Gayon ma’y nalalaman namin na ang katuwirang ito’y sasalagin ng marami sa pamamagitan ng mga salitang nasasaad sa Juan 14:6. Nguni’t bago namin isaad ang talata ay tunghayan nyo muna ang ilang bahagi sa aklat pa rin ni Juan, nang sa gayo’y mapagunawa ninyo, kung sino nga ba ang totoong nagsaad sa nabanggit na talata, na sinasabi,

JUAN 12 :
49  Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN.

JUAN 14 :
10  Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang AMA na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.

JUAN 14 :
24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.

Napakaliwanag na itong si Jesus ay hindi nagsasalita ng anoman mula sa sarili niyang pagmamatuwid, kundi ang Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban ang siyang nagsasalita ng kaniyang mga salita. Kaya’t nang sa bibig niya’y lumabas ang mga salita, na sinasabing,

Juan 14 :
Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di maKAparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.

            Katotohanan ngang hindi si Jesus sa kaniyang sarili ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay, kundi yaong nabanggit na Espiritu ng Dios na nasa kaniya. Ano pa’t maliwanag ang sinoma’y hindi makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ng Espiritung yaon. Sapagka’t tungkol sa katotohanan ay sinabi,

1 JUAN 2 :
Ang nagsasabing nakikilala ko siya, at HINDI TUMUTUPAD NG KANIYANG MGA UTOS ay SINUNGALING,  at ang KATOTOHANAN AY WALA SA KANIYA.
2 JUAN
4 Ako’y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na NAGSISILAKAD SA KATOTOHANAN, ayon sa ating tinanggap na UTOS sa AMA.

Kung ang kautusan ng Dios ay ang katotohanan, at ang katotohanan ay inaari nitong Espiritu ng Dios na nasa kay Jesus ay maliwanag nga na sinoma’y hindi makaparoroon sa Ama, kundi dahil sa kaniya. Ang kautusan nga rin ang napakaliwanag na kaisaisang daan tungo sa buhay na walang hanggan.

Dahil dito’y napakaliwanag na ang mga kautusan ng pagibig ay may anyong lumalarawan sa nabanggit na Espiritu, na siya ring Espiritu na nananatili ng magpasawalang hanggan, at siya ring tagapamagitan ng Ama sa mga tao. Sa makatuwid baga’y Espiritu ang kautusan, at ang kautusan ay Espiritu.

            Na sinasabi,

Juan 6 :
63  Ang Espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga sAlitang sinasalita ko sa inyo ay pawang Espiritu, at pawang buhay.

Palibhasa’y mga salitang nangagsilabas sa bibig ng Dios ang mga kautusan ay katotohanang nagtutumibay na yaon ay Espiritu, at ang sinomang makipagisa sa Espiritu ay tunay na nakipagisa sa Dios. Sa pamamagitan nito’y makaparoroon nga ang sinoman sa kaharian ng langit.

Ang sinoman ngang laban sa kautusan ay laban sa Espiritu ng Dios, at malibang siya’y tumalima sa kautusan ay hindi siya makaparoroon sa Ama. Sapagka’t katotohanang sinoma’y hindi magtatamo ng buhay na walang hanggan, kundi sa pamamagitan ng kautusan, na sinasabi,

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANG- GAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.

            Sa pagtatapos ng usaping ito’y nahayag sa maliwanag kung sino at ano ang nananatili magpakailan man, na siyang tagapamagitan ng Dios sa mga tao. Sa makatuwid baga’y ang kautusan na nangatatatag na magpasawalang hanggan, at sa pamamagitan ng pagtalima sa mga yaon ay naliligtas ang kaluluwa at natutubos ang sala ng sinoman.

            Kaya maipasisiyang isang malaking kahangalan at kahibangang sabihin na si Jesus ang gayon. Palibhasa’y hindi siya kailan man naging Dios, upang pamahalaan ang partikular na gawain yaon sa kalupaan. Sapagka’t tungkol sa bilang ng Dios ay mariing sinabi,

ISA 43 :
11  Ako, sa makatuwid baga’y ako, ang Panginoon; at LIBAN SA AKIN AY WALANG TAGAPAGLIGTAS.

ISA 44 :
Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Hari ng Israel, at ng kaniyang MANUNUBOS, na Panginoon ng mga Hukbo, AKO ANG UNA, AT AKO ANG HULI; at LIBAN SA AKIN AY WALANG DIOS.

Kung iisa nga lamang ang Dios na nasa langit ay nararapat ngang tanggapin na siya’y gayon sa likas niyang kalagayan. Kaya’t matuwid nyo ring tanggapin, na itong si Jesus ay hindi kailan man naging Dios, upang gumanap sa mga gawain ng Dios sa kalupaang ito.

Tungkol sa talata 26 ay matuwid nga na sa mga tao ay bumangon ang isang dakilang saserdoteng banal, na walang sala, walang dungis, na siya’y nahihiwalay sa mga makasalanan.

Datapuwa’t kung sasabihin na siya’y matataas pa ng higit kay sa mga langit ay maliwanag na ito’y pagpapahayag na kapalaluan. Sapagka’t sa kaluwalhatian ng langit ay nalalaman nating nananahan ang kaisaisang Dios, at kung may malalagay sa higit pang mataas kay sa doon, ay maliwanag ngang naging mataas pa ang kalagayan niya kay sa tunay na Dios.

Kaugnay nito’y sinabi ng isang hangal,

ROMA 9:
Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang CRISTO ayon sa laman, na siyang LALO SA LAHAT, DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILAN MAN, Siya nawa.

Kaya nga huwag kayong magtaka, kung ang may akda nitong sulat sa mga Hebreo ay naging mapangahas na ipahayag ang gayon. Sapagka’t ayon sa talatang nasa itaas ay lalong mataas na dios itong si Jesus kay sa ibang mga dios. Ano pa’t sinasapantaha ng marami na ang may akda ng sulat na ito, at siya na sumulat sa mga taga Roma ay iisang tao lamang. Sa makatuwid baga’y ang taong si Pablo?

Sa talata 27 ay ginawa di umano nitong si Jesus na ihandog na minsan ang kaniyang sarili sa Dios, upang  hindi na mangailangan araw-araw ng mga handog na hain gaya niyaong mga dakilang saserdote na walang sumpa. Una-una’y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan.

Bago nga tayo pumalaot sa usaping ito’y ipinaaalaala lamang namin sa inyo, na ang layunin ng pagkasugo kay Jesus ay ukol lamang sa mga nangaligaw na tupa sa sangbahayan ni Israel. Gayon din ang katotohanan na hindi maikakaila ay ginugol niya ang kaniyang buhay alangalang sa mga nabanggit na tupa ng Israel, at napakaliwanag na hindi dahil sa mga kambing (Gentil at Samaritano). Na sinasabi,

MATEO 15 :
24  Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi, HINDI AKO SINUGO KUNDI SA MGA TUPANG NANGALIGAW SA BAHAY NI ISRAEL. (eze 34:31)

JUAN 17 :
9  Idinadalangin ko sila: HINDI ANG SANGLIBUTAN ANG IDINADALANGIN KO, kundi yaong mga SA AKIN AY IBINIGAY MO; sapagka’t sila’y iyo; (Mat 15:24)

JUAN 17 :
Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga TAO (kaibigan) na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: (Mat 18:20) sila’y iyo, at sila’y ibinigay mo sa akin; at TINUPAD NILA ANG IYONG SALITA. (Mat 15:24)

JUAN 17 :
26  At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan, at ipinakilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako’y sa kanila. (Mat 15:24)

Sa hindi maikakaila at hindi mapapasinungalingang matuwid ay napakaliwanag na ang layunin ng pagkasugo kay Jesus ay ganap na nauukol lamang sa mga nangaligaw na tupa sa sangbahayan nitong si Israel.      Hindi nga kambing (anak ng pagsuway)  kung gayon ang kaniyang titipunin kundi mga tupa (anak ng pagsunod) lamang upang isauli sa kinabibilangan nilang kawan.

MATEO 10 :
Ang labingdalawang ito’y sinugo ni Jesus, at sila’y pinagbilinan, na sinasabi, HUWAG KAYONG MAGSITUNGO SA ALIN MANG DAAN NG MGA GENTIL, at HUWAG KAYONG MAGSIPASOK SA ALIN MANG BAYAN NG MGA TAGA SAMARIA.

6  Kundi bagkus magsiparoon kayo sa mga TUPANG NANGAWAGLIT SA BAHAY NI ISRAEL.

Sapagka’t sa kapanahunang yao’y nananagana ang malawakang paghihimagsik ng mga Gentil at ng mga Samaritano sa tanging kalooban ng kanilang Ama na nasa langit. Na kung lilinawin, sila ay may pagtatakuwil sa kaniyang mga kautusan ng pagibig at walang alinlangan na nagsisitindig sa kalagayan ng mga anak ng pagsuway, na sumisimbulo sa kawan ng mga kambing.

Dahil dito ay mahigpit na binawalan ng Espiritu ng Dios sa kalooban nitong si Jesus ang labingdalawa (12) na huwag daanan man lang ang daang nilalakaran ng mga karumaldumal na Gentil, at may diing sinabi na huwag paroonan ang alin mang bayan ng mga taga Samaria.

Sapagka’t sila’y mga kambing sa paningin ng nabanggit na Espiritu at hindi kabilang sa mga tupa na lilikumin at isasauli sa kinabibilangan nilang kawan. Sa kadahilanang yao’y maliwanag ngang hindi gaya ng minamatuwid ng mga Cristiano ni Pablo ang gawaing pumapaloob sa layunin ng pagkasugo kay Jesus.

Sa gayo’y ano baga ang katotohanang manggagaling sa bibig nitong si Jesus na nararapat na maalaman at maunawaang lubos ng mga kinauukulang tupa? Na umano’y siyang maglulunsad sa kanila sa dakong kinaroroonan ng kawan.
                       
Tungkol dito ay kaniyang sinabi,

JUAN 18 :
37  Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga’y hari? Sumagot si Jesus, Ikaw ang nagsasabing ako’y hari. Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibutan, UPANG BIGYANG PATOTOO ANG KATOTOHANAN. (Mat 15:24) Ang bawa’t isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.

Narito, at ang hatid niya sa nabanggit na sangbahayan ay ang katotohanan na kaniyang bibigyang diin, paiigtingin at patototohanan sa kanila. Na siyang tanging kaalaman na nagkukulang sa mga nabanggit na tupa, upang sila’y lubusang mahango at mabawi sa kaawaawang kalagayan nilang kinasadlakan. Kaugnay nito’y saan naman kaya tumutukoy ang sinasabing katotohanan na paiigtingin sa kaisipan ng mga tupang ligaw sa lupaing nasasakupan ng Israel?

Hinggil dito ay sinabi ng Espiritu na nasa kay Juan ang mga sumusunod na matuwid,
1 Juan 2 :
4  Ang nagsasabing nakikilala ko siya, at HINDI TUMUTUPAD NG KANIYANG MGA UTOS ay SINUNGALING,  at ang KATOTOHANAN AY WALA SA KANIYA.

2 Juan
4 Ako’y lubhang nagagalak na aking nasumpu- ngan ang ilan sa iyong mga anak na NAGSISILAKAD SA KATOTOHANAN, ayon sa ating tinanggap na UTOS sa AMA.

Wala nga kung gayong iba pang katotohanang maituturing maliban sa mga kautusan ng pagibig ng ating Ama na nasa langit. Napakaliwanag nga na ang sinomang tumatalima sa mga nabanggit na mga kautusan ay lumalakad sa kaisaisang daan ng katotohanan.

Kaya’t maging itong si Jesus ay nilakaran din ang katotohanang ito, gaya ng nasusulat,

MATEO 5 :
17  Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.
18  Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANG- GAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.

Sa pagbibigay diin sa kapakinabangan ng kaluluwa sa nabanggit na kautusan, at sa pagpapaigting nito sa kaisipan ng mga nangaliwag na tupa ay ginanap ni Jesus ang lahat ng yaon. Upang sa kanila’y mapatotohanan na ito’y kaisaisang daan tungo sa buhay na walang hanggan. Sa gayo’y si Jesus baga sa kaniyang sarili ang nagligtas at tumubos sa nabanggit na mga tupa, o, ang daan ay itinuro lamang ng kaniyang daliri sa kanila?

Ano pa’t sa layuning ito’y hindi nga maikakaila, na ang naging kapalit ay ang sarili niyang buhay. Gayon pa ma’y hindi ito naging hadlang kay Jesus, upang bigyan niya ng maluwang na daan ang dakilang adhikain ng Espiritu nitong ating Ama na namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban at kabuoan sa kapanahunang yaon.

Batay sa mga inilahad naming mga talata sa inyo ay hindi kailan man nakabilang sa layunin ng Cristo ang mga Gentil, maging ang mga Samaritano man sa sangbahayan nitong si Israel. Dahil dito, kung sa nabanggit na sangbahayan ay hindi nakabilang isa man sa kanila ay yaon pa kayang mga Gentil na nananahan sa iba’t ibang bansa ang makalahok sa nabanggit na layunin?

Gayon din ang kaligtasan ng kaluluwa at katubusan ng sala ay hindi rin sa pamamagitan nitong si Jesus matatamo, kundi sa pagganap ng maluwalhati sa mga kautusan ng pagibig sa Dios at sa mga kautusan ng pagibig sa kapuwa. Sapagka’t ang pinuhunan niyang dugo ay napakaliwanag na nauukol lamang sa mga nangaligaw na tupa sa sangbahayan ni Israel. At kung may naligtas man at natubos ang sala sa pagkamatay niya sa krus ay walang iba kundi ang mga tupa lamang sa nasasakupang lupain ng Israel.

            Sapagka’t kaniyang sinabi,

JUAN 10 :
15  Gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama, at ng sa Ama ay pagkakilala ko; at ibinibigay ko ang aking buhay dahil sa mga TUPA. (Mat 15:24, Juan 15:13-15)

Napakaliwanag na ang buhay nitong si Jesus ay ibinigay lamang niya sa mga tupa na kumakatawan sa mga anak ng pagsunod, at hindi sa mga kambing na tumutukoy sa mga Gentil at Samaritano (anak ng pagsuway) sa kapanahunang yaon. Dahil dito ay walang alinlangan na sa pamamagitan ng kaniyang katawan ay naisakatuparan nitong Espiritu ng Dios ang kaniyang layunin sa nabanggit na sangbahayan.

Ito’y hindi nangangahulugan na inihandog niya ang kaniyang buhay sa ikapagpapatawad nitong sala ng sanglibutan, at sa ikaliligtas ng kaluluwa. Sapagka’t ang katotohanan na nagtutumibay sa lahat ng panahon ay sa pamamagitan lamang ng pagtalima sa mga kautusan ng pagibig (Dios at kapuwa) matatamo ang mga bagay na yaon.

Ano pa’t sa mga bagay na nahayag sa inyo sa maliwanag ay nakita ninyo, na maging si Jesus ay gumanap sa mga nabanggit na kautusan, upang magbigay ng dakilang halimbawang maaaring tularan ng sinomang nagnanais na makipagisa sa sarili niyang Ama na nasa langit.

Ang kasalanan nga ayon sa mga banal na aklat ng mga anak ni Israel ay tinutubos alinsunod sa mga kautusan at ginaganap na kalakip ang mga palatuntunan, na sinasabi,

Duet 6 :
At iyong iibigin ang Panginoon mong Dios ng iyong boong puso, at ng iyong boong kaluluwa, at ng iyong boong lakas. (Mat 22:37-38)

Lev 19 :
18  Huwag kayong manghiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong bayan, kungdi iibigin ninyo ang inyong kapuwa na gaya ng sa inyong sarili: ako ang Panginoon. (Mat 22:39)

MATEO 22 :
40  SA DALAWANG UTOS NA ITO’Y NAUUWI ANG BOONG KAUTUSAN, AT ANG MGA PROPETA.

Nguni’t kung sasalangsangin ninoman ang mga nabanggit na kautusan ay sinabi,

JER 6 :
19  Iyong pakinggan, Oh lupa: narito, ako’y magdadala ng kasamaan sa bayang ito, na bunga ng kanilang mga pagiisip, sapagka’t sila’y hindi nangakinig sa aking mga SALITA, at tungkol sa aking KAUTUSAN ay kanilang ITINAKUWIL.

20  Sa anong panukala nangagdadala kayo sa akin ng KAMANGYAN na mula sa Seba, at ng MABANGONG KALAMO na mula sa malayong lupain: ang inyong mga HANDOG NA SUSUNUGIN (Lev 1:1-17) ay hindi nakalulugod, ni ang inyo mang mga HAIN ay nakalulugod sa akin.

Maliwanag kung gayon na ang mga handog at hain lamang ng nangagsisitalima sa mga nabanggit na dalawang (2) kautusan ang kinalulugdang tanggapin ng kaisaisa nating Dios. Samantalang ang mga kaloob ng mga masuwayin sa dalawa ay lumalabas na kasuklamsuklaman sa kaniya at kailan ma’y hindi niya itinuring na mabuti.

Silang nangagsisiganap sa kalooban ng Dios tungkol sa sampung (10) kautusan ay gayon ngang nakalas sa tanikalang bigkis nitong lubhang mabibigat na kasalanan. Kaya’t maliwanag na ang nabanggit na mga kautusan ang tagapanagot sa mga kasalanang yaon.

Kung gayong may mabigat na kasalanan ay dapat lamang nating tanggapin, na mayroon din namang magagaang sala sa Dios. Ano pa’t sa mga ito’y napakaliwanag na ang mga palatuntunan na may minor na mga kautusan ang siyang sumasagot sa gayong mga bagay.

Halimbawa’y ang mga di sinadyang pangyayari, tulad ng pagkain nitong mga ipinagbabawal na kanin, ang paghawak sa mga babaing may kapanahunan, gayon din ang paghawak sa mga bukas na sisidlan sa tolda na kung saa’y nakaburol ang isang patay, at iba pa.

            Ang mga handog na susunugin at iba pang mga bagay na inihahain kung gayon ay patungkol sa mga kasalanan na ibinunga ng paglabag sa mga minor na kautusang nilalaman nitong mga palatuntunan ng kaisaisang Dios. Gayon ngang ito ang ganap na dumadalisay sa kalagayan ng isang tumatalima sa mga mayor na kautusan, at dahil dito ay nagiging lubos ang kabanalan ng sinoman. Kaya’t ang mga bagay na isinasaad ng palatuntunan ay lubhang mahalaga sa ikapagtatamo ng kasakdalan sa larangan ng tunay na kabanalan.

            Ang mga yao’y tinutubos ayon sa nasusulat, na sinasabi,

Exo 30
10  At si Aaron ay tutubos ng sala sa ibabaw ng mga anyong sungay ng dambana, minsan sa isang taon: kaniyang tutubusin sa sala na minsan sa isang taon, ng dugo ng handog dahil sa kasalanan,  sa boong panahon ng inyong mga lahi: kabanalbanalan nga sa Panginoon.

Sinabing dugo (hayop) na handog dahil sa kasalanan, na gaganapin ng mga anak ng pagsunod sa buong panahon ng kanilang mga lahi. Sapagka’t ang gawang yaon ay kabanalbanalan nga sa paningin ng kaisaisang Dios.

Datapuwa’t sa ibang paghahadog ayon sa kaugalian ng mga Gentil, na sinasabing sa ikatutubos na minsan ng mga kasalanan nitong sanglibutan ay dugo ng tao (Jesus) ang pinatulo nila sa lupa. Buhay ng tao kung gayon ang kanilang inihandog sa pagaakala na minsanan nitong matutubos ang sala ng sanglibutan.  Ito’y upang maipatigil na ng mga Gentil ang umano’y pauliulit na paghahandog patungkol sa kasalanan ng mga Saserdote ng kautusan.

Dahilan ito ng hidwang pagkakakilala nila kay Jesus bilang isang Dios na totoo, at dakilang saserdote magpakailan man. Na di umano’y tumubos ng sala ng sanglibutan sa pamamagitan ng paghahandog ng sarili niyang buhay.

Dahil dito’y hindi na nga kailangan ayon sa mga hangal,  na ang sinoma’y maghandog taun-taon ng mga hain sa ikapagpapatawad ng mga di-sinasadyang kasalanan. Sapagka’t ayon sa kanila ay naihain na ang minsanang handog at ang sanglibutan ay natubos na ang sala.

Ang naging bunga ng sulimpat na doktrinang ito ay sampalatayanan ng lubos itong si Jesus, na pinaniniwalaang Dios na humango sa kanila sa tiyak na kapahamakan, at nagligtas ng kanilang kaluluwa. Bagay na naging hudyat sa pagpapawalang kabuluhan ng mga Gentil sa mga kautusan ng pagibig at mga palatuntunan ng tunay at kaisaisaing Dios na nasa langit.

Ano pa’t kung uunawaing mabuti ang pangyayaring ito’y hindi mahirap makita, na ang di umano’y bagong dios na si Jesus ay hindi kailan man naging ayon sa unang Dios. Sapagka’t sa pamamagitan niya’y napawi ang kautusan at palatuntunan na tinanggap ni Moises sa bundok ng Sinai, at ito’y hinalinhan na lamang nitong pananampalataya kay Jesus, na walang anomang gawa nitong nabanggit na mga kautusan at palatuntunan.

Siya na sinasabing bagong dios na Anak ng unang Dios, imbis na ilapit sa kaniyang Ama ang mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa mga kautusan ng pagibig at palatuntunan ay inalayo sa kaniya. Sapagka’t sila’y tinuruan ng mga tampalasan na pawalang kabuluhan ang mga bagay na yaon, upang ang kanilang pananampalataya ay malipat sa kaniya (Jesus) bilang bagong dios na tagapagligtas ng kaluluwa at manunubos ng mga sala. Na tila baga lumalabas na inagaw ng anak ang kapamahalaan sa Ama, at pinawi ang mga dating batas at hinalinhan ng sariling kaniya.

Subali’t hindi nga ang gayon, kundi sinunod na lahat nitong si Jesus ang kalooban ng ating Ama, hanggang sa tamuhin niya ang pagpapalang umabot hanggang sa kaluwalhatian ng langit. Bagay na hindi naunawaan ng mga hangal, upang sila’y humantong sa kalikuan ng mga pahayag na naglunsad sa halos hindi mabilang nating mga kapatid sa kapahamakan ng kanilang kaluluwa.

Hindi nga nila kailan man napagunawa, na ang mayor na kautusan (sampung utos) ay kaakibat ang mga minor na kautusan nitong palatuntunan ng Dios. Kaya’t nang pawalan nila ng kabuluhan ang nabanggit na palatuntunan hinggil sa taunang paghahandog patungkol sa mga  kasalanan ay kasabay na rin nilang tinalikuran ang mayor na kautusan.

Na sinasabi,

GAL 3 :
21  ANG KAUTUSAN NGA BA AY LABAN SA MGA PANGAKO NG DIOS? Huwag nawang mangyari: sapagka’t kung ibinigay sana ang isang KAUTUSANG MAY KAPANGYARIHANG MAGBIGAY BUHAY, tunay ngang ang katuwiran ay naging dahil sa KAUTUSAN. (Juan 12:50)

ROMA 3 :
20  Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.

1 COR 15 :
56  Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan.

ROMA 4 :
15  Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.

ROMA 5 :
13  Sapagka’t ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang KAUTUSAN, nguni’t HINDI IBIBILANG ANG KASALANAN KUNG WALANG KAUTUSAN.

ROMA 6 :
14  Sapagka’t ang KASALANAN ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka’t WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN, kundi sa ilalim ng biyaya. (pananampalataya)

Dahil dito’y pinawi na nga nila ang kautusan at hinalinhan ng bago, na sinasabi,

GAL 2 :
16 Bagama’t naaalaman na ang tao ay hindi inaaring ganap sa mga gawang AYON SA KAUTUSAN, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo’y ariing ganap sa pamamagitan ng pananam- palataya kay Cristo, at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG AYON SA KAUTUSAN: sapagka’t sa mga gawang ayon sa kautusan ay HINDI AARIING GANAP ANG SINOMANG LAMAN.

GAL 3 :
11  Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap sa KAUTUSAN sa harapan ng Dios; sapagka’t ang GANAP AY MABUBUHAY SA PANANAMPALATAYA. (Juan 12:50)

Ngayon nga’y inyong nasaksihan ang ibinunga nitong mga sumusunod salita,

Heb 7 :
27  Na hindi nangangailangan araw-araw na maghandog ng hain, na gaya niyaong mga dakilang saserdtoe una-una’y patungkol sa kaniyang sariling mga kasalanan at saka patungkol sa mga kasalanan ng bayan: sapagka’t ito’y ginawa niyang minsan magpakailan man, nang kaniyang ihandog ang kaniyang sarili.

heb 9 :
28  Ay gayon di naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa’y  pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.

Heb 10 :
10  Sa kaloobang yaon tayo’y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man.

Roma 6 :
10  Sapagka’t ang kamatayan na ikinamatay niya, ay kaniyang ikinamatay na minsan sa kasalanan: datapuwa’t ang buhay na kaniyang ikinabubuhay, ay kaniyang ikinabubuhay sa Dios.


Na pumawi sa usapang nasusulat tungkol sa mga kautusan ng Dios at palatuntunan, upang sampalatayanan si Jesus na di umano’y nagalis ng mga bagay na yaon, na sinasabi,


CLICK LINK TO CONTINUE - PART 4 OF 4



No comments:

Post a Comment