Ano mang panulat na walang awtor ay maipasisiyang anonymous. Iyan ang kalagayan ng "SA MGA HEBREO" na walang kalakip na pangalan ng may akda. Kadudaduda sa makatuwid ang nilalaman nito at dahil dito ay kinakailangang ito'y kunan ng kaukulang awtentisidad sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Nakakalungkot isipin na higit pang pinaniwalaan ng marami ang mga di-kapanipaniwalang aral na mababasa dito, kay sa mga salita nitong Espiritu ng Dios na mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus.

Sunday, November 29, 2015

Kabanata 7 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 4 of 4)


EFE 2 :
13  Datapuwa’t ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo.

14  Sapagka’t siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,

15  Na INALIS ANG PAGKAKAALIT sa pamamagitan ng kaniyang laman, KAHIT ANG KAUTUSAN NA MAY MGA BATAS AT PALATUNTUNAN; upang sa dalawa ay LALANGIN SA KANIYANG SARILI ang isang TAONG BAGO, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan.

Datapuwa’t kung itong si Jesus mismo ang ating tatanungin hinggil sa kalagayang inilalapat ni Pablo at ng may akda nitong sulat sa mga Hebreo sa kaniyang sarili ay sasangayunan naman kaya niya ang gayon? Nguni’t bago tayo pumalaot sa usaping ito’y atin munang siyasatin, kung ano baga ang layunin nitong Espiritu ng Dios na namahay at naghari sa kaniyang kalooban.

Kasunod nito’y siyasatin din naman natin ang layunin ng eksistensiya ni Jesus  sa sangbahayan ni Israel. Sa paguugat na ito’y matatalastas ninyo kung ito bagang si Jesus ay naghandog nga ng kaniyang buhay sa Dios sa layuning tubusin ang sala ng sanglibutan. O, siya’y naging matapat lamang na alipin nitong Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban sa kapanahunang yaon.

Sa ilog Jordan ay nangyaring si Jesus ay dumaan sa paraan ng bautismo ni Juan Bautista, na sinasabi,

Mateo 3 :
16  At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka’y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;

17  At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.

Sa mga talata sa itaas ay hindi baga sumagi sa inyo isipan na ang nabanggit na Espiritu ng Dios na bumaba mula sa langit at lumapag kay Jesus ang tinutukoy na sinisintang Anak ng kaisaisang Dios? Sa ikalilinaw ng usaping ito kung gayo’y pakaunawain ninyong ang salaysan ni Juan, na sinasabi,

Ang Cordero o ang pitong Espiritu ng Dios (Espiritu Santo) ay isinugo niya sa buong kalupaan. Na siyang gumagawa ng kaniyang mga gawa sa pamamagitan ng mga sisidlang hirang (tabernakulo ng Dios, buhay na templo) sa kalupaan. Si Jesus sa kalagayang ito’y pinagharian ng Cordero matapos na siya’y umahon sa ilog Jordan upang isauli ang mga bagay (ligaw na tupa) sa sangbahayan ni Israel.

Gayon din naman ang mga tunay na apostol, matapos na sila’y hingahan ng nabanggit na Espiritu sa pamamagitan ng bibig ni Jesus. Na mga Anak na inaring-ganap upang ihakbang niya ang kanilang mga paa tungo sa kanilang mga kapatid sa apat (4) na direksiyon (T.H.S.K.) ng sanglibutan na may pangangailangan ng WALANG BAYAD sa pagaaruga ng kanilang Ama.

.Ang sangkatauhan (Anak ng Dios) ay nagkakamit ng walang bayad na kalinga sa kanilang Ama maging siya’y masama man. Sapagka’t siya ang higit sa lahat na nangangailangan nito, at hindi ang mabubuti sa kaniyang paningin. Kaya nga isinugo ang Cordero upang sa pamamagitan ng mga sisidlang hirang sa kalupaan ay alisin niya ang sala ng sanglibutan.

Kung gayo’y maliwanag na ang sinisintang anak na tinutukoy sa Mat 3:17 ay walang iba, kundi ang Cordero (Espiritu ng Dios), at hindi itong si Jesus na ang katawang pisikal ay ginawa niyang tahanan, sa ikagaganap ng dakila niyang layunin sa mga ligaw na tupa sa sangbahayan ni Israel.

Datapuwa’t ang katotohanang ito’y hindi nakita ng mga kapatid nating puspos ng karunungang panglupa, at sila’y nagsipanatili sa kalikuan ng kanilang mga pagmamatuwid. Na naglunsad sa kanila sa maling pagkilala kay Jesus bilang panibagong Dios ng mga Gentil. Sa gayo’y itinuring siya ng higit sa kaniyang likas na kalagayan (tao) at kinilalang bagong dios na tagapagligtas ng kaluluwa at manunubos ng sala. Bunga nito’y nadagdagan na naman ng isa ang mga diosdiosang sinasamba ng mga karumaldumal na Gentil sa sanglibutang ito.

Ngayon nga’y silipin naman natin ang tunay na layunin nitong Espiritu ng Dios, na sa kapanahunang yao’y namamahay at naghahari sa kalooban ng sisidlang hirang na si Jesus.


ANG LAYUNIN NITONG ESPIRITU NG DIOS NA NAGHARI SA KALOOBAN NI JESUS
(Yaong Espiritu ng Dios na natamo niya sa ilog Jordan)
(Mat 3:16-17)

MATEO 15 :
24  Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi, HINDI AKO SINUGO KUNDI SA MGA TUPANG NANGALIGAW SA BAHAY NI ISRAEL.

JUAN 10 :
15  Gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama, at ng sa Ama ay pagkakilala ko; at ibinibigay ko ang aking buhay dahil sa mga TUPA. (Mat 15:24, Juan 15:13-15)

JUAN 10 :
28  At sila’y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma’y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinomang sa aking kamay.

JUAN 18 :
37  Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga’y hari? Sumagot si Jesus, Ikaw ang nagsasabing ako’y hari. Ako’y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibutan, UPANG BIGYANG PATOTO ANG KATOTOHANAN. (Mat 15:24) Ang bawa’t isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.

JUAN 10 :
27  Dinidinig ng aking mga tupa ang aking TINIG, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin

EZE 34 :
31 At kayong mga tupa ko, na mga TUPA SA AKING PASTULAN ay mga TAO, at ako’y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.

JUAN 17 :
Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga TAO (tupa) na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: (Mat 18:20) sila’y iyo, at sila’y ibinigay mo sa akin; at TINUPAD NILA ANG IYONG SALITA. (Mat 15:24)

JUAN 17 :
9  Idinadalangin ko sila: HINDI ANG SANGLIBUTAN ANG IDINADALANGIN KO, kundi yaong mga SA AKIN AY IBINIGAY MO; sapagka’t sila’y iyo; (Mat 15:24)

JUAN 17 :
26  At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan, at ipinakilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako’y sa kanila. (Mat 15:24)

Ang Cordero (Espiritu ng Dios) ay nagwika sa pamamagitan ng bibig ni Jesus, na siya’y isinugo lamang sa mga nangaligaw na tupa sa sangbahayan ni Israel, at sinabing ibinibigay niya ang kaniyang buhay sa mga nabanggit na tupa. Palibhasa nga’y Espiritu siya sa likas na kalagayan ay maliwanag na siya’y nabubuhay na magpasawalang hanggan. Kaya’t hindi siya maaaring mamatay alangalang sa kanila, kundi ang buhay na ibinibigay niya sa kanila ay napakaliwanag na tumutukoy ng ganap sa buhay na walang hanggan.

Ayon pa’y nakinig sa pagpapatotoo niya sa katotohanan ang mga nabanggit na tupa (tao), at tinupad nila ang salita ng Dios (kautusan ng pagibig). Sa  kabila nito’y niliwanag niya sa kaniyang panalangin na ang idinadalangin niya’y ang mga tupa lamang, at hindi ang mga kambing (sanglibutan), at sa kanilang mga tupa (anak ng pagsunod) ay ipinakilala niya ang pangalan ng Ama. Nang sa gayon aniya’y tamuhin din naman nila (tupa) ang pagibig na tinamo niya (Cordero) mula sa Ama.

Sa tanglaw na ito’y nalalaman namin, na ang mga bagay na nalahad sa inyo sa maliwanag ay talastas nyo na ngayon ang isang anyo na lumarawan sa pagkatao ni Jesus. Kasunod nito’y siyasatin naman natin ang layunin ng eksistensiya ni Jesus sa likas na kalagayang tao.

Na sinasabi,

ANG LAYUNIN NG EKSISTENSIYA NI JESUS

JUAN 5 :
19  Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, HINDI MAKAGAGAWA ANG ANAK NG ANOMAN SA KANIYANG SARILI KUNDI ANG MAKITA NIYANG GAWIN NG AMA (Abraham); sapagka’t ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa (Gen 26:5), ay ang mga ito rin naman ang GINAGAWA NG ANAK (Jesus) sa GAYON DING PARAAN.

GEN 26 :
5 Sapagka’t SINUNOD NI ABRAHAM ang aking TINIG, at GINANAP NIYA ang aking BILIN, ang aking mga UTOS, ang aking mga PALATUNTUNAN, at ang aking mga KAUTUSAN. (Juan 5:19)

JUAN 10 :
36  Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama (Abraham), ay huwag ninyo akong sampalatayanan.

2 SAM 23 :
2 Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko, At ang kaniyang salita ay suma aking dila.

JUAN 14 :
10  Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang  (Espiritu ng) AMA na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.

MATEO 5 :
17  Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng (Espiritu ng) AMA, GAYON KO SINASALITA. (Mat 25:46)

JUAN 8 :
40  Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING NARINIG SA DIOS: ito’y hindi ginawa ni Abraham.

Gayon ngang sinasabi ng kaisaisang Dios, SINUNOD NI ABRAHAM ang aking TINIG, at GINANAP NIYA ang aking BILIN, ang aking mga UTOS, ang aking mga PALATUNTUNAN, at ang aking mga KAUTUSAN.”  

Na siya’y ama ng lahi at ang isa sa kaniyang mga anak sa ngalang Jesus ay ginanap ang gawa ng kaniyang ama, na sinasabi, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, HINDI MAKAGAGAWA ANG ANAK NG ANOMAN SA KANIYANG SARILI KUNDI ANG MAKITA NIYANG  GAWIN NG AMA (Abraham); sapagka’t ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa (Gen 26:5), ay ang mga ito rin naman ang GINAGAWA NG ANAK (Jesus) sa GAYON DING PARAAN.”

Sa gayo’y binigyan niya ng diin na kung masumpungan ninoman na hindi niya ginagawa ang mga gawa ng ama ng kaniyang lahi na si Abraham ay huwag aniya siyang sampalatayanan, na siya’y nasa Espiritu ng Dios at ang Espiritu ng Dios ay nasa kaniya. Sapagka’t yaon ang sa katawan niya’y gumagawa ng kaniyang mga gawa.

Gaya nitong si Jesus ay nagwika itong si Samuel na propeta ng Dios, na sinasabi, Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko, At ang kaniyang salita ay suma aking dila.”

Dahil dito’y niliwanag ni Jesus sa mga anak ni Israel, na siya’y naparoon sa kanila hindi upang sirain o labagin man ang mga kautusan ng pagibig, ni ang mga propeta man, kundi upang ang lahat ng yao’y kaniyang ganapin. Sapagka’t aniya’y buhay na walang hanggan ang maluwalhating pagtalima sa mga nabanggit na kautusan, at muli ay kaniyang sinabi, Ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng (Espiritu ng) AMA, GAYON KO SINASALITA.

Sa kabila nito’y nasumpungan niya ang ilan na pinagsisikapan siyang patayin, na taong sa kanila ay nagsasaysay ng katotohanan na narinig niya sa Dios. Na yaon nga’y hindi ginawa ni Abraham, sapagka’t ang nasumpungan sa kaniya ng Dios ay ayon sa naisaad na namin sa itaas.

Nguni’t itong si Jesus, palibhasa’y sisidlang hirang nitong Espiritu ng Dios ay may udyok ng nabanggit na Espiritu, na sa mga kinauukulan ay magsaysay ng katotohanan, hinggil sa ikaliligtas ng kaluluwa at ikatutubos ng sala.

Ano pa’t sa kalagayan niyang yao’y muli niyang isanaad sa mga kinauukulan ang mga sumusunod,

JUAN 15 :
13  Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na IBIGAY NG ISANG TAO ANG KANIYANG BUHAY DAHIL SA KANI- YANG MGA KAIBIGAN.

Ngayon nga’y maliwanag na sinasabi sa talata, na sa ngalan ng pagibig ay buhay na ng isang tao ang itinataya alangalang sa kaniyang mga kaibigan. Sa makatuwid baga’y sila yaong mga ligaw na tupa ng Israel na tinutukoy sa Mat 15:24, at sa pagpapatuloy ay sinabi,

JUAN 15 :
14   Kayo’y aking mga KAIBIGAN, kung gawin ninyo ang mga bagay na iniuutos ko sa inyo.
15  Hindi ko na kayo tatawaging mga ALIPIN; sapagka’t hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon: nguni’t tinatawag ko kayong mga KAIBIGAN; sapagka’t ang lahat ng mga bagay na narinig ko sa aking (Espiritu ng) Ama ay mga ipinakilala ko sa inyo.

Kaugnay nito, ang Espiritu ng Dios na nananahan at naghahari sa kalooban ni Jesus ay mariing nagwika, gaya ng nasusulat.

MATEO 20 :
28  Gayon din naman ang Anak ng tao ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at IBIGAY ANG KANIYANG BUHAY NA PANGTUBOS SA MARAMI. (tupa) (Mat 15:24, Juan 10:15).

MATEO 26 :
28  Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na NABUBUHOS DAHIL SA MARAMI, SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN (Mat 15:24, Juan 10:15)).

JUAN 17 :
9  Idinadalangin ko sila: HINDI ANG SANGLIBUTAN ANG IDINADALANGIN KO, kundi yaong mga SA AKIN AY IBINIGAY MO; sapagka’t sila’y iyo; (Mat 15:24)

JUAN 17 :
12  Samantalang ako’y sumasa kanila (tupa), ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at sila’y binantayan ko, at isa man sa kanila’y walang napahamak, kundi ang anak ng kapahamakan; upang matupad ang kasulatan.

Sa ngalan ng pagibig ay ibinigay nga ni Jesus ang kaniyang buhay alangalang sa kaniyang mga kaibigan (ligaw na mga tupa). Na nang siya’y dakpin ay hindi niya inalintana ang malabis na sakit ng katawan mula sa mga tampalasan, hanggang sa siya’y kanilang ipako sa krus hanggang sa mamatay.

Ano pa’t ilang saglit bago malagot ang kaniyang hininga sa pagkakabayubay sa krus ay sinambitla niya ang dalawang (2) kataga, na sinabi,

JUAN 19 :
30  Nang matanggap nga ni Jesus ang suka, ay sinabi niya, NAGANAP NA: at iniyukayok ang kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga.

Narito, at mula sa bibig ni Jesus ay binigyang diin nitong Espiritu ng Dios ang kaganapan ng layunin sa mga ligaw na tupa nitong sangbahayan ni Israel. Sa katapusan nito’y naganap ang nasusulat hinggil sa bagay na ito, at naisauling lahat sa orihinal na kawan ang mga nangaligaw na tupa sa nabanggit na sangbahayan. Taliwas sa katotohanang ito’y sabihin nyo sa amin, kung sa mga pinag-ukulan ng kaligtasan ng kaluluwa at katubusan ng mga sala ay kabilang ang mga Gentil, ni ang mga Samaritano man sa kapanahunang yaon.
           
Hinggil nga rito’y pakaunawain nyo nga ang ilang talata na aming ihahayag sa inyo, at pagkatapos noo’y makatitiyak kayo, na ang layunin nitong Espiritu ng Dios kay Jesus ay hindi ukol sa sanglibutan, kundi yao’y eksklusibo lamang sa mga ligaw ng tupa sa sangbahayan ni Israel.

Na sinasabi,

MATEO 10 :
Ang labingdalawang ito’y sinugo ni Jesus, at sila’y pinagbilinan, na sinasabi, HUWAG KAYONG MAGSITUNGO SA ALIN MANG DAAN NG MGA GENTIL (Efe 4:18), at HUWAG KAYONG MAGSIPASOK SA ALIN MANG BAYAN NG MGA TAGA SAMARIA (Ose 13:16).

6  Kundi bagkus magsiparoon kayo sa mga TUPANG NANGAWAGLIT SA BAHAY NI ISRAEL (Mat 15:24).

At samantalang kayo’y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, Ang kaharian ng langit ay malapit na.

Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangag- linis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.

Napakaliwanag nga na sa mga ligaw na tupa sa sangbahayan ni Israel ay hindi kabilang ang boong kalahian ng mga Gentil, at Samaritano. Sapagka’t mahigpit na ipinagutos sa labingdalawa (12) na sila’y huwag nilang paroonan, bagkus ay mariing sinabi na sadyain nila ang mga nabanggit na tupa at habang sila’y nangaglalakad sa gitna nila’y ihahatid sa kanila ang mabuting balita na tumutukoy sa nalalapit na kaharian ng langit.
Sapagka’t sa kapanahunang yao’y dumaranas ang mga nabanggit na tupa ng matinding pagdarahop, kapighatian sa mga karamdaman, at ang ilan sa kanila’y inaalipin na ng mga demonio. Kaya nga sa labingdalawang (12) apostol ay mariin ding sinabi, na huwag tatanggap ng anomang bayad, nang dahil sa sila (mga ligaw na tupa) ay nasa kalagayan ng matinding paghihirap sa buhay sa kapanahunang yaon.

Sa tanglaw na ito ng ilaw ay nahayag sa maliwanag na ang mga Gentil, at Samaritano ay hindi kabilang sa mga tupa (anak ng pagsunod), kundi sa kalipunan ng mga kambing (anak ng pagsuway), na katotohanang nagtutumibay ngayon sa inyong harapan.

Sa pamamagitan ng katotohanang ito’y ganap ngang nasupil ang mga pinaglubidlubid na kasinungalingang nasasaad sa mga sumusunod na talata. Na sinabing ukol sa mga Gentil ang ginanap na gawain ni Jesus sa sangbahayan ni Israel

TAGAPAGLIGTAS AT MANUNUBOS NG MGA GENTIL

EFE 2 :
11  Kaya nga alalahanin ninyo, na kayo noong una, mga Gentil sa laman, tinatawag na Di-pagtutuli niyaong tinatawag na Pagtutuli sa laman, na ginawa ng mga kamay:

12  Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan.

13  Datapuwa’t ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo.
14  Sapagka’t siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,

15  Na INALIS ANG PAGKAKAALIT sa pamamagitan ng kaniyang laman, KAHIT ANG KAUTUSAN NA MAY MGA BATAS AT PALATUNTUNAN; upang sa dalawa ay LALANGIN SA KANIYANG SARILI ang isang TAONG BAGO, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan.

1 Tim 1 :
15  Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito;

2 TIM 1 :
10  Nguni’t ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating TAGAPAGLIGTAS NA SI CRISTO JESUS, siyang nagalis ng KAMATAYAN, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio. (Tit 3:6-7)

1 TIM 2
Na ibinigay ang kaniyang sarili na PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan; (Col 1:14)

EFE 1 :
Na sa kaniya’y mayroon tayo ng KATUBUSAN sa pamamagitan ng kaniyang DUGO, na KAPATAWARAN NG ATING MGA KASALANAN, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya. (Tit 2:13)

COL 1 :
13  Na siyang NAGLIGTAS SA ATIN SA KAPANGYARIHAN NG KADILIMAN, at naglipat sa atin sa KAHARIAN NG ANAK NG KANIYANG PAGIBIG;
14  Na siyang kinaroroonan ng ating KATUBUSAN, na siyang KAPATAWARAN NG ATING MGA KASALANAN;

Ngayon nga’y napakaliwanag na inyong nasaksihan ang hidwang katuruan nitong si Pablo hinggil sa boong layunin ni Jesus sa sangbahayan ni Israel. Na pati ang mga Gentil ay kaniyang isinama sa layunin, at ang kahangalan na naging bunga nito’y naging Dios na tagapagligtas at manunubos itong si Jesus.

Na sinasabi,

SI JESUCRISTO AY GINAWANG bagong DIOS NG MGA HANGAL

FIL 2 :
Na siya (Cristo), bagama’t nasa ANYONG DIOS, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat na panangnan ang PAGKAPANTAY NIYA SA DIOS.

FIL 2 :
10  Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa.

ROMA 9:
Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang CRISTO ayon sa laman, na siyang LALO SA LAHAT, DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILAN MAN, Siya nawa.

Tito 2 :
13  Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;

14  Na siyang nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, upang tayo’y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pagaari.

COL 1 :
15  Na siya ang LARAWAN NG DIOS NA DI NAKIKITA, ANG PANGANAY NG LAHAT NG MGA NILALANG;

COL 2 :
Sapagka’t sa kaniya’y (Cristo) nananahan ang BOONG KAPUSPUSAN NG PAGKA DIOS sa kahayagan ayon sa laman.
10  At sa kaniya kayo’y napuspos na siyang PANGULO ng lahat ng PAMUNUAN at KAPANGYARIHAN.

COL 1 :
16  Sapagka’t sa kaniya (Cristo) nilalang ang lahat ng mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangharihan; lahat ng mga bagay ay nilalang  sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya.

HEB 1 :
Palibhasa’y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na LARAWAN NG KANIYANG (Cristo) PAGKA DIOS, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pama- magitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang ang PAGLILINIS NG MGA KASALANAN, ay LUMUKLOK SA KANAN NG KARANGALAN SA KAITAASAN.

1 Tim 6 :
14  Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan hanggan sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo:

15  Na sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya, na mapalad at tanging Makapangyarihan. Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon;

16   Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan Siya nawa.

1 Tim 1 :
17  Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.

Tingnan nyo nga ang nangyari sa mundo nang dahil sa kagagawan nitong si Pablo. Ang marami noon at sa ngayo’y sumasamba sa hindi Dios (Jesus) at tumatakuwil sa tunay na Dios (Ama). Kaya nga bagaman may kurot sa paninindigan ng puso at isipan ang mga bagay na inilahad namin sa maliwanag ay kailangan ninyong tanggapin.

            Sapagka’t yao’y pawang katotohanan, at gaya ng nasusulat ay sinabi,

JUAN 8 :
32  At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotoha- nan ay magpapalaya sa inyo.

Gayon ngang ang mga salitang nangagsilabas mula mismo sa bibig ni Jesus (evangelio ng kaharian) ay pawang katotohanan, na sa inyo’y magpapalaya sa tanikalang bigkis nitong likhang evangelio ng di pagtutuli ni Pablo.

           
Talastasin nyo ngang ang mga salita ni Pablo ay walang hanggang kamatayan, samantalang ang mga salitang isinatinig ni Jesus ay buhay na walang hanggan.

           
Sa talata 28, na siyang huling talakayin sa kabanatang ito’y sinasabing inilagay ng kautusan na mga dakilang saserdote ang mga taong may kahinaan. Nguni’t ang salita ng sumpa (Awit 110:4) na nauna sa kautusan ay siya di umanong naglagay kay Jesus, na saserdoteng sakdal magpakailan man.

           
Hinggil dito ay hindi na namin pahahabain pa ang paliwanag, sapagka’t ang bagay na ito’y ilang ulit na rin naming tinanglawan ng ilaw. Ang katotohanan sa usaping ito’y si David ang inihalal ng Dios sa gayong kabanal na kalagayan, at kailan ma’y hindi naging si Jesus.

           
Sa katotohanang binibigyang diin ng mga katiwatiwalang katunayang biblikal ay si Melquisedec ang una at itong si David ang pangalawang saserdoteng sakdal magpakailan man. Na paalaalang kailan ma’y hindi mawawalan ng pastor ang kawan ng mga tupa. Silang mga saserdote na ayon sa kautusan ng Dios ay hindi kailan man naging mahina, sapagka’t,

EZE 36 :
27  At AKING ILALAGAY ANG  AKING ESPIRITU SA LOOB NINYO (saserdote), at palakarin kayo ng ayon sa aking mga PALATUN- TUNAN, at inyong iingatan ang aking mga KAHATULAN, at ISASAGAWA.

MAL 2 :
6  Ang KAUTUSAN tungkol sa KATOTOHANAN ay nasa kaniyang bibig, at ang KALIKUAN ay hindi masusumpungan sa kaniyang mga labi: siya’y lumakad na kasama ko sa KAPAYAPAAN at KATUWIRAN, at inilayo sa KASAMAAN ang marami.

7  Sapagka’t ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng KAALAMAN, At kanilang marapat hanapin ang KAUTUSAN sa kaniyang bibig, sapagka’t siya ang SUGO ng Panginoon ng mga Hukbo.

Ang Dios nga kung gayo’y hindi hangal, upang maglagay ng mga saserdote na may kahinaan, sapagka’t para na rin niyang giniba ang kaniyang sarili sa paglalagay ng mga haligi sa kaniyang tahanan na walang tibay laban sa mga bagay na hatid ng mga tampalasan. Pagisipan nyo ngang mabuti kung anong uri ng sintido mayroon itong may akda nitong sulat sa mga Hebreo, na naglalagay sa kaisaisang Dios sa kahiyahiyang kalagayan.

Ano pa’t kung ang pagbabatayan ng matuwid hinggil sa usaping ito ay ang tatlong (3) talata (Eze 36:27, Mal 2:6-7) na inilahad namin sa nakaraang pahina ay maliwanag pa sa sikat ng araw, na ang malabis na kahihiyan ay bumalandra sa may akda ng nabanggit na sulat. Sapagka’t itinindig niya ang kaniyang sarili sa kalagayan ng isang taong taglay ang lubhang mababang antas ng kamalayan sa mga payak na bagay ng Ama nating nasa langit. Sa makatuwid baga’y siya na taglay sa kaniyang sarili ang naguumapaw na kahangalan at kahibangan mula sa malabis niyang kamangmangan.
           
            Sa pagtatapos ng kabanatang ito’y nalalaman namin, na sa pamamagitan ng mga bagay na nalahad sa inyo sa maliwanag ay napalago nito ang nilalaman ng inyong kalamayan pagdating sa larangan ng tunay na kabanalan.

            Sumainyo kung gayon ang patuloy na pagpapala ng ating Ama na nasa langit, ngayon, ngayon, at magpakailan man.


Amin, Amin, Amin



No comments:

Post a Comment