Friday, April 27, 2012

Chapter 3 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 6 of 6)


Ang katotohanan na hindi maaaring tanggihan ng lahat ay kabahagi ng Dios itong si Jesus, palibhasa’y namahay at naghari sa kaniyang kalooban at kabuoan ang Espiritu nito sa kapanahunan nilakaran niya sa sangbahayan ni Israel. Ano pa’t ang sinoman na kabahagi ng Cristo ay maliwanag nga ring kabahagi ng kaisaisang Dios.

Datapuwa’t sa kalagayan nitong mga kasapi sa iglesia ni Pablo, na ngayo’y nahayag sa inyo sa liwanag ay nasumpungan silang hindi kailan man nakalakip sa mga bahagi ng Cristo. Kundi sila ang kalipunan ng mga tao na nagtanyag ng mga aral na may ganap na paghihimagsik sa mga salitang nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus.


Nang magkagayon nga’y dinumihan nila ang lupa na tinatahanan ng mga tao, sapagka’t kanila ngang,


SINALANGSANG ANG KAUTUSAN

EFE 2 :
15  Na INALIS ANG PAGKAKAALIT sa pamamagitan ng kaniyang laman, KAHIT ANG KAUTUSAN NA MAY MGA BATAS AT PALATUNTUNAN; upang sa dalawa ay LALANGIN SA KANIYANG SARILI ang isang TAONG BAGO, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan.

ROMA 7 :
6  Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin, ano pa’t NAGSISIPAGLINGKOD NA TAYO SA PANIBAGONG ESPIRITU, at hindi sa karatihan ng sulat.

GAL 5 :
18  Datapuwa’t kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, ay WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN.

ROMA 6 :
14  Sapagka’t ang KASALANAN ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka’t WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN, kundi sa ilalim ng biyaya. (pananampalataya)

ROMA 3 :
20  Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.


BINAGO ANG ALITUNTUNIN
(Sa pagkain at ikapu)

1 COR 10 :
25  Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi;

1 COR 16 :
1  Ngayon, tungkol sa AMBAGAN SA MGA BANAL, ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia.
2 Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa’t isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.

2 COR 9 :
7  MAGBIGAY ANG BAWA’T ISA AYON SA IPINASIYA NG KANIYANG PUSO: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya. (JER 17:9-10).



SINIRA ANG WALANG HANGGANG TIPAN
(Tipan ng kautusan at pagtutuli)

1 COR 15 :
56  Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan.

ROMA 4 :
15  Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.

ROMA 5 :
13  Sapagka’t ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang KAUTUSAN, nguni’t HINDI IBIBILANG ANG KASALANAN KUNG WALANG KAUTUSAN.

ROMA 7 :
21  Kaya nga nasumpungan ko ang isang KAUTUSAN na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang MASAMA ay nasa akin.

GAL 5 :
6  Sapagka’t kay CRISTO JESUS, KAHIT ANG PAGTUTULI AY WALANG KABULUHAN, kahit man ang DI PAGTUTULI;  kundi ang PANANAMPALATAYA NA GUMAGAWA SA PAMAMAGITAN NG PAGIBIG.

GAL 6 :
15  Sapagka’t, ANG PAGTUTULI AY WALANG ANOMAN, KAHIT MAN ANG DI PAGTUTULI, kundi ang bagong tao.

Sa gayo’y sinabi ng kaisaisang Dios na silang nagsisigawa ng gayong karumaldumal sa kaniyang harapan ay isinusumpa niya, at sila ang kalipunan ng mga hangal at tampalasan na kailan ma’y hindi magsisipasok sa kaniyang kapahingahan. Sapagka’t ang mga gayong tao ay sadya niyang inilalaan sa gawing kaliwa niya, na dakong ukol sa diyablo (Pablo) at sa kaniyang mga kampon (iglesia ng mga Gentil).

Sila kung gayo’y hindi kailan man naging bahagi ng Cristo, kundi laban at hiwalay sa kaniya bilang mga anti-Cristo.

Sa talata 16 hanggang 19 ay mariing sinasabi, na ang boong angkan ni Israel ang nagsipamungkahi sa galit ng Dios. Sa gayo’y pinalalabas sa talata, na naging suwail na lahat ang nabanggit na lahi. Na sila’y nangabuwal at nilipol ng Dios sa ilang patungong lupain ng mga Palestino. Na sa kawalan nila ng pananampalataya sa kaniya’y isinumpa di umano ang boong kalahian ni Israel na hindi makapapasok sa kaniyang kapahingahan.

Hinggil dito, kung gayong binibigyang diin sa mga nabanggit na talata, na isa man sa umano’y masamang lahing (labingdalawang tribo ng Israel) yao’y walang nakaabot sa kapahinghan ng Dios. Sino kung gayon ang lahi na nakarating sa lupain ng mga Palestino, at nagmana nito mula sa Dios? Hindi baga ang boong lupaing yao’y binahagi sa labingdalawa (12) at ipinamana sa labingdalawang (12) angkan ni Israel?

Hindi baga sa daan pa lamang patungo sa nabanggit na lupain ay nangalipol ng lahat ang mga walang pananampalataya sa Dios at manghihimagsik sa kautusan? Sa gayo’y paaanong natiyak ng may akda na ang mga anak ni Israel ay masasamang lahat, gayong pinarating niya ang nabanggit na angkan sa lupain ng mga Palestino, at yao’y ipinamana niya sa kanilang hahat?

Sa gayo’y kailan nangyari na ang tampalasan sa kautusan ay nagtamo ng kaawaan mula sa ating Ama na nasa langit? Sila nga imbis na kaawan ay walang anoman niyang nililipol at binubura sa balat ng lupa. Nguni’t sa mga nagsisiibig sa kaniya at nagsisitupad ng kaniyang mga utos ay ganito nga ang sinasabi,


SILANG NAGSISITUPAD SA UTOS NG KAISAISANG DIOS NA NASA LANGIT

DEUT 30 : 
10  Kung iyong susundin ang tinig ng Panginoon mong Dios, upang tuparin mo ang kaniyang mga palatuntunan na nasusulat sa AKLAT na ito ng KAUTUSAN. Kung ikaw ay MANUNUMBALIK sa Panginoon mong Dios ng iyong boong puso, at ng iyong boong kaluluwa.

11  Sapagka’t ang UTOS na ito na aking iniutos sa iyo sa araw na ito, ay HINDI TOTOONG MABIGAT sa iyo, ni MALAYO. (1 Juan 5:3)

12  Wala sa langit, upang huwag mong sabihin, SINONG SASAMPA SA LANGIT PARA SA ATIN, at MAGDADALA niyaon sa atin, at MAGPARINIG sa atin, upang ating MAGAWA.

13  Ni wala sa dako roon ng dagat, upang huwag mong sabihin, SINO ANG DARAAN SA DAGAT PARA SA ATIN, at MAGDADALA niyaon sa atin, at MAGPAPARINIG sa atin, upang ating MAGAWA.

14  KUNDI ANG SALITA AY TOTOONG MALAPIT SA IYO, SA IYONG BIBIG, at sa iyong PUSO, upang iyong MAGAWA.

15  Tingnan mo, na inilagay ko sa harap mo sa araw na ito ang buhay at ang kabutihan, at ang kamatayan at ang kasamaan.

16  Na iniuutos ko sa iyo sa araw na ito na IBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIOS, na lumakad ka sa kaniyang mga DAAN, at tuparin mo ang kaniyang mga UTOS, at kaniyang mga PALATUNTUNAN, at ang kaniyang mga KAHATULAN, upang IKAW AY MABUHAY AT DUMAMI, at upang PAGPALAIN ka ng PANGINOON MONG DIOS sa lupain na iyong pinapasok upang ariin.

17  Nguni’t kung ang iyong puso ay lumiko, at hindi mo didinggin, kundi MALILIGAW ka at SASAMBA SA IBANG MGA DIOS, at MAGLILINGKOD ka sa kanila.

18  Ay aking patutunayan sa iyo sa araw na ito, na kayo’y TUNAY NA MALILIPOL; hindi ninyo palalaunin ang inyong mga araw sa ibabaw ng lupa na inyong ipinagtatawid ng Jordan, upang pumasok na aariin.

19  Aking tinatawag ang langit at lupa na pinakasaksi laban sa inyo sa araw na ito, na aking ilagay sa harap mo ang buhay at ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa; kaya’t PILIIN MO ANG BUHAY UPANG IKAW AY MABUHAY,  IKAW at ang iyong BINHI;

20  NA IYONG IBIGIN ANG PANGINOON MONG DIOS, na sundin mo ang kaniyang TINIG, at lumakip ka sa kaniya: sapagka’t siya ang iyong BUHAY, at ang KALAUNAN na iyong mga araw; upang matahanan mo ang lupain na isinumpa ng Panginoon sa iyong mga magulang, Kay ABRAHAM, kay ISAAC, at kay JACOB, na ibibigay sa kanila.

LEV 19 :
18  Huwag kayong mangaghiganti o magtatanim laban sa mga anak ng inyong bayan, kundi IIBIGIN NINYO ANG INYONG KAPUWA NA GAYA NG SA INYONG SARILI: ako ang Panginoon.

KAW 7 :
1  Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, At impukin mo sa iyo ang aking mga utos,

2  Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; At ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata.

3  Itali mo sa iyong mga daliri; Ikintal mo sa iyong puso.

EXO 20 :
6  At pinagpapakitaan ko ng KAAWAAN ang libolibong UMIIBIG SA AKIN at TUMUTUPAD NG AKING MGA UTOS.

ECL 12 :
13  Ito ang wakas ng bagay; lahat ay NARINIG: IKAW AY MATAKOT SA DIOS, at SUNDIN MO ANG KANIYANG MGA UTOS; sapagka’t ITO ANG BOONG KATUNGKULAN NG TAO (sa Dios).

14  Sapagka’t dadalhin ng Dios ang bawa’t GAWA SA KAHATULAN, pati ng bawa’t kubling bagay, maging ito’y MABUTI o maging ito’y MASAMA.

ISA 34 :
16  Inyong saliksikin sa AKLAT NG PANGINOON, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay HINDI MAGKUKULANG, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka’t INIUTOS NG AKING BIBIG, pinisan sila ng kaniyang Espiritu.

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.

1 JUAN 2 :
4  Ang nagsasabing nakikilala ko siya, at HINDI TUMUTUPAD NG KANIYANG MGA UTOS ay SINUNGALING,  at ang KATOTOHANAN AY WALA SA KANIYA. 

2 JUAN : 
4 Ako’y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak na NAGSISILAKAD SA KATOTOHANAN, ayon sa ating tinanggap na UTOS sa AMA.

Ang lumabas na lahi sa Egipto ay yaong kay Israel at ang nakarating sa lupain ng mga Palestino (lupang pangako) ay napakaliwanag na ang lahi ding yaon ni Israel. Na nagsipagmana ng boong lupain at nagtamo ng lingap ng Dios sa pamamagitan ng mga hari, mga seserdote ng kabanalan, mga propeta, ng Cristo, at ng mga tunay na apostol. 

Ito’y katunayang nagtutumibay na, 

ISA 45 :
25  Sa panginoon ay aariing ganap ang boong lahi ng Israel, at luluwalhati.

AWIT 79 :
13 Sa gayo’y kaming iyong bayan at mga tupa sa pastulan mo, Mangagpapasalamat sa iyo magpakailan man: Aming ipakikilala ang iyong kapurihan sa lahat ng mga lahi.

Suma inyo ang boong pagpapala ng ating Ama na nasa langit, ngayon, ngayon, at magpakailan man.











No comments:

Post a Comment