Ano mang panulat na walang awtor ay maipasisiyang anonymous. Iyan ang kalagayan ng "SA MGA HEBREO" na walang kalakip na pangalan ng may akda. Kadudaduda sa makatuwid ang nilalaman nito at dahil dito ay kinakailangang ito'y kunan ng kaukulang awtentisidad sa mga katiwatiwalang katunayang biblikal. Nakakalungkot isipin na higit pang pinaniwalaan ng marami ang mga di-kapanipaniwalang aral na mababasa dito, kay sa mga salita nitong Espiritu ng Dios na mismo ay nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus.

Saturday, January 25, 2025

Chapter 7 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 2 of 4)

Sa pagpapatuloy ay pinatototohanan ni Jesus sa lahat, na ang mga nabanggit na kautusan ng pagibig ay hindi kailan man naging ang tanging kaukulan ay sa sangbahayan ni Israel lamang, kundi,

EZE 18 :
Narito, LAHAT NG KALULUWA AY AKIN; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ANG KALULUWA NA NAGKAKASALA AY MAMAMATAY.

Katotohanan na nararapat tanggapin ng lahat, na ang pagiging saserdote at hari nitong si David ay mula sa kapangyarihan ng kautusan kay Moises na kaniyang ginanap, at ito’y may sapat na kakayanang maglunsad sa kanino mang kaluluwa sa buhay na walang hanggan.

Chapter 7 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 1 of 4)

Sa kabanatang ito’y tampok sa talata 1 hanggang 10 ang usapin na may kinalaman sa saserdote na magpasawalang hanggan,” at sa pagsasalaysay ng lahi ay ginawang halimbawa itong si Melquisedec. Na bagaman hindi nabanggit sa kasulatan ang kaniyang pinagmulan ay maliwanag na kinagiliwan ng Dios sa pamamagitan ng kaniyang pagsunod, at iniluklok sa Salem (Jeruselem) na dakilang hari.

Palibhasa’y pinamamahayan at pinaghaharian nitong Espiritu ng Dios sa kaniyang kalooban ay ipinahayag niyang siya’y kaniyang saserdote na magpasawalang hanggan.

Sa gayo’y dalawang layunin ang ipinaganap ng Dios kay Melquisedec sa kapanahunang yaon, sa makatuwid baga’y bilang hari at saserdote. Na siyang sa kasaysayan ay kaunaunahang saserdote na inihalal ng Dios, na ang ibig sabihin ay hindi mawawalan ng saserdote ang mga anak ng pagsunod magpakailan man.”