Monday, October 22, 2012

Kabanata 6 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 1 of 4)


Kaugnay ng huling bahagi ng nakaraang kabanata (5) ay maliwanag na ipinahihiwatig nitong may akda, na ang mga aral na nilalaman ng evangelio ng kaharian, na tumutukoy sa kautusan, palatuntunan, at kahatulan ay gaya lamang ng pagkaing gatas ng mga sanggol. Na mga simulaing katuruan na nararapat iwanan ng sinomang umano’y umantas na sa larangan ng kabanalan. 

Sa gayo’y nagsigulang na nga sila at  kakain na ng pagkaing matitigas imbis na gatas. Na kung lilinawin ay yaong mga nilalamang aral nitong evangelio ng di pagtutuli (Gentil) ang matitigas na pagakaing kakanin nila, na isinusulong ng may akda nitong sulat sa mga Hebreo, at ng mga liham ni Pablo sa iba’t ibang bayan.

Dahil dito ay minatuwid sa kabanatang ito ang mga sumusunod na pahayag, gaya ng mababasa sa ibaba.

HEB 6 :
1  Kaya’t tayo’y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa (kautusan), at ng pananampalataya sa Dios,


2  Ng aral na tungkol sa mga paglilinis, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan.



3  At ating gagawin ito, kung ipahihintulot ng Dios.


Sa gayon nga’y hindi mahirap makita sa mga talatang nasa itaas, na ang mga aral na nangagsilabas mula sa bibig ng Cristo (evangelio ng kaharian) ay  itinuturing ng may akda na mga simulaing aral lamang na gaya ng gatas.  Sapagka’t tungkol dito ay sinasabi,


HEB 5 :
13  Sapagka’t bawa’t tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka’t siya’y isang sanggol.

Maliwanag kung gayon na binibigyang diin na ang mga aral ng kabanalan na ipinangaral ng bibig ni Jesus sa boong sangbahayan ni Israel ay hindi kasusumpungan ng katuwiran. Palibhasa umano’y mga simulaing aral lamang na ang nangangailangan ay yaong mga tao na mga baguhan sa larangan ng kabanalan. Ano pa’t sa mga may gulang na, maging ang kautusan ng Dios ay itinuring na hindi katuwiran, na sinasabi,


GAL 3 :
21  ANG KAUTUSAN NGA BA AY LABAN SA MGA PANGAKO NG DIOS? Huwag nawang mangyari: sapagka’t kung ibinigay sana ang isang KAUTUSANG MAY KAPANGYARIHANG MAG- BIGAY BUHAY, tunay ngang ang katuwiran ay naging dahil sa KAUTUSAN. (Juan 12:50)

Na kung papaano niwalang kabuluhan ang nabanggit na kautusan ay narito, at muli ay ipapalad namin sa inyo ang mga salitang nangagsilabas mula sa bibig ng Cristo na kaagapay ng mga pasalangsang na pahayag ni Pablo tungkol dito.

KAUTUSAN

Evangelio ng kaharian
(Inutil na simulaing aral ni Jesus)

MATEO 5 :
17  Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.


18  Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.



MATEO 19 :

17  At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.


JUAN 12 :

50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.


Evangelio ng di-pagtutuli
(Kapakipakinabang na aral ni Pablo)

ROMA 3 :
20  Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.


ROMA 4 :

15  Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.


ROMA 7 :

6  Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin, ano pa’t NAGSISIPAGLINGKOD NA TAYO SA PANIBAGONG ESPIRITU, at hindi sa karatihan ng sulat.


GAL 5 :

18  Datapuwa’t kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, ay WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN.

Sa mga pinaghambing na mga talata sa itaas ay maliwanag na makikitang ganap na sinasalungat nitong evangelio ng di-pagtutuli ang katuwiran ng kautusan na nasasaad sa evangelio ng kaharian. Bagay na nagpapahayag ng paghihimagsik sa tinig at salita ng Espiritu nitong ating Ama na nangagsilabas mula sa bibig ng Cristo.
Sa gayon nga’y maliwanag na walang anomang kabuluhan kay Pablo ang mga salita ng Dios na nagpapaigting at nagpapatibay sa mga kautusan, bilang sandigan ng kaligtasan at katubusan ng sinoman.
Palibhasa’y itinuturing niya itong simulaing aral lamang na hindi kasusumpungan ng anomang katuwirang may kinalaman sa tunay na kabanalan. Na kung itutulad sa pagkain ay gatas, na mga sanggol lamang ang tanging nangangailangan.

Datapuwa’t ang kinikilala niyang mga matitigas na aral ay yaong isinaad sa gawing kanang itaas, na kailangang isabuhay ng mga di umano’y nalalagay sa mataas na antas ng kamalayan. Sila kung gayon ang ipinahihiwatig ng may akda ng sulat sa mga Hebreo, na maaari ng maging mga guro at mangangaral nitong evangelio ng di pagtutuli.


PANANAMPALATAYA

Evangelio ng kaharian
(Inutil na aral ni Jesus)

MATEO 23 :
23  At inyong pinababayaang di ginaga- wa ang LALONG MAHAHALAGANG BAGAY NG KAUTUSAN, Na dili iba’t  ang Katarungan, at ang Pagkahabag, at ang PANANAMPALATAYA: datapuwa’t dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pinababayaang di ginagawa yaong iba.


SANT 2 :

14  Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya’y may PANANAMPALATAYA, nguni’t WALANG MGA GAWA? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan?


17  Gayon din naman ang PANANAM- PALATAYA NA WALANG MGA GAWA, ay patay sa kaniyang sarili.



18  Oo, sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong PANANAMPALATAYA, at ako’y mayroong mga GAWA: ipakita mo sa akin ang iyong PANANAMPALATAYANG HIWALAY SA MGA GAWA (Kauutusan), at ako sa pamamagitan ng aking mga GAWA ay ipakita sa iyo ang aking PANANAMPALATAYA.



Evangelio ng di-pagtutuli
(Kapakipakinabang na aral ni Pablo)

GAL 2 :
16 Bagama’t naaalaman na ang tao ay hindi inaaring ganap sa mga gawang AYON SA KAUTUSAN, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo’y ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at HINDI DAHIL SA MGA GAWANG AYON SA KAUTUSAN: sapagka’t sa mga gawang ayon sa kautusan ay HINDI AARIING GANAP ANG SINOMAN.


GAWA 13 :

39  At sa pamamagitan niya ang bawa’t nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, na sa mga ito’y HINDI KAYO AARIING GANAP sa pamamagitan ng KAUTUSAN NI MOISES.


GAL 3 :

11  Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap sa KAUTUSAN sa harapan ng Dios; sapagka’t ang GANAP AY MABUBUHAY SA PANANAMPALATAYA.


Sa evangelio ng kaharian ay ang mga gawa ng kautusan na kalakip ang pananampalataya sa Dios. Datapuwa’t ang unang anyo ng pananampalataya sa evangelio ng di-pagtutuli ay ang “pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.”

Bagay na maging ang katuwiran ng mga salitang isinatinig ni Jesus ay niwalang kabuluhan nitong si Pablo sa usaping ito. Sa gayon nga’y mapapagunawa kung papaano pinipilipit ng taong ito ang matuwid na sinasangayunang lubos nitong katotohanan ng Espiritu ng Dios na nasa kay Jesus.


BAUTISMO
Evangelio ng kaharian
(Inutil na aral ni Jesus)

MATEO 3 :
11  Sa katotohanan ay BINABAUTIS MUHAN KO KAYO SA PAGSISISI: datapuwa’t ang dumarating sa hulihan ko ay LALONG MAKAPANGYARIHAN kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: SIYA ANG SA INYONG MAGBABAUTISMO SA ESPIRITU AT APOY.


MATEO 28 :

19  Dahil dito’y magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong BAUTISMUHAN sa PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.


20  Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo, at narito, AKO’Y SUMASA INYONG PALAGI, HANG GANG SA KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.



Evangelio ng di-pagtutuli
(Kapakipakinabang na aral ni Pablo)

ROMA 6 :
3  O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga NABAUTISMUHAN KAY CRISTO JESUS AY NANGABAUTISMUHAN SA KANIYANG KAMATAYAN?
4  Tayo nga’y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng BAUTISMO SA KAMATAYAN: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo’y makalalakad sa panibagong buhay.


GAWA 19 :

5  At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa PANGALAN ng Panginoong Jesus.


6  At nang MAIPATONG NA NI PABLO, sa kanila ang kaniyang mga KAMAY, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo; at sila’y nagsi- pagsalita ng mga wika, at nagsipanghula.



Napakaliwanag na isinasaad ng evangelio ng kaharian na ang bautismo ay igagawad sa mga tao, sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Na kung liliwanagin ay sa tatlong (3) pangalan na siyang pinakatatak sa noo ng sinomang magtatamo nito.

Datapuwa’t sa evangelio ng di-pagtutuli nitong si Pablo ay yaong bautismo sa kamatayan na nagpapahayag ng kamatayan o paglaya sa kautusan ng Dios. Ano pa’t ito’y iginagawad ng bautisador sa iglesia ng mga Gentil sa isang pangalan (Jesus) lamang at hindi sa tatlong pangalan. Gayon ding isinasagawa ng nabanggit na iglesia ang rituwal na ito sa pamamagitan ng tubig.

Hinggil dito ay hindi kailan man sinabi nitong si Juan Bautista na si Jesus ay babautismo sa tubig, kundi sa Espiritu at Apoy lamang. Sa gayo’y binigyang diin ang usaping ito sa  Mat 28:19, na ang mga tunay na apostol ay babautismo sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at hindi sinabi kailan man sa mga talata na kabilang ang tubig sa pagsasagawa ng sagradong rituwal ng bautismo sa mga tao.
Sa makatuwid nga kung gayo’y eksklusibo lamang sa kapamahalaan nitong si Juan ang paraan ng bautismo sa tubig, at ang rituwal na ito’y napakaliwanag na isinama niya sa pagpanaw ng kaniyang buhay sa sanglibutan.


Likas na kalagayan ni Jesus
(Ayon kay Pablo)

1 TIM 6 :
14  Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan hanggan sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo:


15  Na sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya, na mapalad at tanging Makapangyarihan. Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon;



16   Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan Siya nawa.



FIL 2 :

6  Na siya (Cristo), bagama’t nasa ANYONG DIOS, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat na panangnan ang PAGKAPANTAY NIYA SA DIOS.


FIL 2 :

10  Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa.


ROMA 9:

5  Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang CRISTO ayon sa laman, na siyang LALO SA LAHAT, DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILAN MAN, Siya nawa.


TITO 2 :

13  Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;


14  Na siyang nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, upang tayo’y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili ang bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging kaniyang sariling pagaari.



HEB 1 :

3  Palibhasa’y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na LARAWAN NG KANIYANG (Cristo) PAGKA DIOS, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang ang PAGLILINIS NG MGA KASALANAN, ay LUMUKLOK SA KANAN NG KARANGALAN SA KAITAASAN.

1 TIM 1 :
15  Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito;


2 TIM 1 :

10  Nguni’t ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating TAGAPAGLIGTAS NA SI CRISTO JESUS, siyang nagalis ng KAMATAYAN, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio. (Tit 3:6-7)


1 TIM 2

6  Na ibinigay ang kaniyang sarili na PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan; (Col 1:14)


EFE 1 :

7  Na sa kaniya’y mayroon tayo ng KATUBUSAN sa pamamagitan ng kaniyang DUGO, na KAPATAWARAN NG ATING MGA KASALANAN, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya. (Tit 2:13)

Pagkatapos nga na ilapat kay Jesus ang pinakamataas na antas ng kalagayan bilang Dios na totoo, ay saka sinabi,

HEB 6 :
1  Kaya’t tayo’y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo’y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa (kautusan), at ng pananampalataya sa Dios,
2  Ng aral na tungkol sa mga paglilinis, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan.
3  At ating gagawin ito, kung ipahihintulot ng Dios.

Ang bagong dios (Jesus) nga na kinikilala ng mga Gentil at sinasabing lubos nilang sinasampalatayanan ay ipinatigil na pagusapan man lang ang di umano’y mga simulaing aral niya, na inilahad namin sa ilang nakaraang pahina. Ang ang mga ito’y tumutukoy sa kautusan, pananampalataya, at bautismo na mariing pinawawalang kabuluhan ng mga sulat ni Pablo. 

Kung sinasabi ngang siya (Jesus) ang bagong dios na tagapaligtas ng kaluluwa at manunubos ng sala ay bakit kinakailangan niyang paghimagsikan ang mga nabanggit na katuruan (evangelio ng kaharian), at iginiit ang mga likhang aral (evangelio ng di pagtutuli) ng taong ito na laban sa mga salitang nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus (p.140-143).

SUNDAN SA PART 2 OF 4










1 comment:

  1. Ang "KATURUANG CRISTO" sa kanyang pamagat pa lamang ay tumutukoy ng maiman at malinaw sa turo ng Cristo na ito nga ay ang ebangelio ng kaharian na siyang marapat panghawakan at unawain at isabuhay sa pangaraw-araw na pamumuhay ng bawat nagsasabing siya'y anak nga ng Dios. Sapagka't siya ngang katotohanan na ang bawat sangkatauhan ay inari niYAH na anak at kinaluguran NIYA ang ibigay ang lahat ng bagay na makabubuti at magpapaligaya sa tao. Subalit nakalulungkot na ang pinanghahawakan ng tao at ang ipinahahayag at pinatotohanan ay ang likhang doctrina ng tao na sa di pagkaunawa at tila nabulagan na, ay nasapawan na ang ebangelio ng kaharian na siyang itinuro ng sariling bibig ng ating Panginoong Jesucristo. Na sa hinaba-haba ng panahon ay napakahirap baguhin ipaunawa ito sa pananampalataya ng tao sapagkat mas magaan pa ang panindigan nila ang kamalian kaysa sa katotohan na sa di pagkaalam ay ito ang maghahatid ng kaligtasan ng kaluluwa. Kaligtasan ng kaluluwa ang sinasabi sapagkat ang katawang laman ay may hangganan. ito ang misyon ng mga sumasa KATURUANG CRISTO. ipahayag ay ang walang kupas, walang pagbabago, at may ganap na pangako ang EBANGELIO NG KAHARIAN na siyang kalooban ng DIOS na nasa langit na siyang lumalang.

    ReplyDelete