Monday, May 14, 2012

Chapter 4 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 3 of 4)

Sa talata 14 ay sinasabing may isang dakilang saserdote  (Jesus) na pumasok sa kalangitan. Sa gayo’y iniuutos nitong may akda ng sulat na ingatan ng matibay ang pakakakilala sa kaniya sa gayong kalagayan. Nguni’t hindi lamang sa kalagayang nabanggit kinilala ng mga Gentil itong si Jesus, kundi,


ROMA 9:
5  Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang CRISTO ayon sa laman, na siyang LALO SA LAHAT, DIOS NA MALUWALHATI MAGPAKAILAN MAN, Siya nawa.

TITO 2 :
13  Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo;

HEB 1 :
3  Palibhasa’y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na LARAWAN NG KANIYANG (Cristo) PAGKA DIOS, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang ang PAGLILINIS NG MGA KASALANAN, ay LUMUKLOK SA KANAN NG KARANGALAN SA KAITAASAN.
Sa pagiging bagong Dios na tagapagligtas ng kaluluwa at manunubos ng sala

1 TIM 1 :
15  Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangulo sa mga ito;

2 TIM 1 :
10  Nguni’t ngayon ay nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating TAGAPAGLIGTAS NA SI CRISTO JESUS, siyang nagalis ng KAMATAYAN, at nagdala sa liwanag ng buhay at ng walang pagkasira sa pamamagitan ng evangelio. (Tit 3:6-7)

1 TIM 2
6  Na ibinigay ang kaniyang sarili na PANGTUBOS SA LAHAT; na pagpapatotoong mahahayag sa sariling kapanahunan; (Col 1:14)

EFE 1 :
7  Na sa kaniya’y mayroon tayo ng KATUBUSAN sa pamamagitan ng kaniyang DUGO, na KAPATAWARAN NG ATING MGA KASALANAN, ayon sa mga kayamanan ng kani- yang biyaya. (Tit 2:13)

COL 1 :
13  Na siyang NAGLIGTAS SA ATIN SA KAPANGYARIHAN NG KADILIMAN, at naglipat sa atin sa KAHARIAN NG ANAK NG KANIYANG PAGIBIG;

14  Na siyang kinaroroonan ng ating KATUBUSAN, na siyang KAPATAWARAN NG ATING MGA KASALANAN;


Sa pagiging ulo nitong iglesia ng mga Gentil

EFE 2 :
19  Kaya nga hindi na kayo mga taga ibang lupa at mga manglalakbay, kundi kayo’y mga kababayan na kasama ng mga banal, at sangbahayan (iglesia) ng Dios.
20  Na mga itinatayo sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta (iglesia), na si Cristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok;

COL 1 :
18  At siya (Cristo) ang ULO NG KATAWAN, sa makatuwid baga’y ng IGLESIA na siya ang pasimula, ANG PANGANAY NG MGA PATAY (sa kautusan);  upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.

COL 2 :
10  At sa kaniya (Cristo) kayo’y napuspos na siyang PANGULO ng lahat ng PAMUNUAN at KAPANGYARIHAN.

ROMA 16 :
16  Magsipagbatian kayo ng banal na halik, Binabati kayo ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO.


Narito at sa mga nabanggit na kalagayan nila iniingatang matibay ang pagkakakilala nila kay Jesus. Na siya’y isang dakilang saserdote, at Dios na totoo. Na bagong tagapagligtas ng kaluluwa at manunubos ng mga sala, at ulo nitong iglesia ng mga Gentil.

Ano pa’t sa mga yao’y saserdote lamang ang kalagayang nilapatan nitong si Jesus, at ang iba ay maliwanag pa sa sikat ng araw na kailan ma’y hindi sinangayunan nitong katotohanan, na siyang tanging katuwiran ng kaisaisang Dios.

Tungkol nga sa mga kalagayang inilalapat nitong iglesia ng mga Gentil kay Jesus ay isaisahin nga nating bigyan ng kaukulang tanglaw. Nang sa gayo’y kayo mismo sa inyong sarili ang magsaad, kung ang mga yaon baga’y masasabing sinasangayunan ng katotohanan o hindi.


Saserdote ng Dios

MAL 2 :
6  Ang KAUTUSAN tungkol sa KATOTOHANAN ay nasa kaniyang bibig, at ang KALIKUAN ay hindi masusumpungan sa kaniyang mga labi: siya’y lumakad na kasama ko sa KAPAYAPAAN at KATUWIRAN, at inilayo sa KASAMAAN ang marami.
7  Sapagka’t ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng KAALAMAN, At kanilang marapat hanapin ang KAUTUSAN sa kaniyang bibig, sapagka’t siya ang SUGO ng Panginoon ng mga Hukbo.

DEUT 33 :
10  Sila’y magtuturo sa Jacob (Israel) ng iyong mga kahatulan. At ng iyong mga kautusan, sa Israel: Sila maglalagay ng kamangyan sa harap mo, At ng boong handog na susunugin sa ibabaw ng iyong dambana.

LEV 10 :
11  At upang inyong maituro sa mga anak ni Israel ang lahat ng palatuntunang sa kanila’y sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises.

Ang kalagayang saserdote na sugo ng kaisaisang Dios ay ganap ngang lumalapat kay Jesus, at tungkol sa katunayan sa gayon niyang kalagayan ay kaniyang sinabi,


MATEO 5 :
17  Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, kundi upang GANAPIN.

18  Sapagka’t katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang TULDOK o isang KUDLIT, sa anomang paraan ay HINDI MAWAWALA SA KAUTUSAN, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

MATEO 19 :
17  At sinabi niya sa kaniya, Bakit mo itinatanong sa akin ang tungkol sa mabuti? May isa, na siyang mabuti: datapuwa’t kung ibig mong pumasok sa buhay, INGATAN MO ANG MGA UTOS.

MATEO 22 :
37  At sinabi sa kaniya, IIBIGIN MO ANG PANGINOON MONG DIOS NG BOONG PUSO MO, AT NG BOONG KALULUWA MO, AT NG BOONG PAGIISIP MO. (Deut 6:5)
38  Ito ang DAKILA AT PANGUNANG UTOS.

39  At ang PANGALAWANG KATULAD ay ito, IIBIGIN MO ANG IYONG KAPUWA NA GAYA NG IYONG SARILI. (Lev 19:18, Mat19:19)
40  SA DALAWANG UTOS NA ITO’Y NAUUWI ANG BOONG KAUTUSAN, AT ANG MGA PROPETA.


MATEO 23 :
23  At inyong pinababayaang di ginagawa ang LALONG MAHAHALAGANG BAGAY NG KAUTUSAN, Na dili iba’t ang Katarungan, at ang Pagkahabag, at ang PANANAMPALATAYA: datapuwa’t dapat sana ninyong gawin ang mga ito, at huwag pinababayaang di ginagawa yaong iba.

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA.


Bagong Dios

JUAN 8 :
40  Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING NARINIG SA DIOS: ito’y hindi ginawa ni Abraham.

JUAN 20 :
17  Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka’t HINDI PA AKO NAKAKA AKYAT SA AMA, nguni’t pumaroon ka sa aking mga KAPATID, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa AKING AMA, at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.

MATEO 21 :
11  At sinabi ng mga karamihan, Ito’y ang propeta, Jesus, na taga Nazaret ng Galilea.

MATEO 21 :
46  At nang sila’y nagsisihanap ng paraang siya’y mahuli, ay nangatakot sila sa karamihan, sapagka’t ipinalalagay nito na siya’y propeta.

JUAN 6 :
14  Kaya nang makita ng mga tao ang tandang ginawa niya, ay kanilang sinabi, Totoong ito nga ang propeta na paririto sa sanglibutan.

JUAN 7 :
40  Ang ilan nga sa karamihan, nang marinig ang mga salitang ito, ay nangagsabi, Tunay na ito ang propeta.

Bagong tagapagligtas ng kaluluwa at manunubos ng sala
at saka
Nagtatag at ulo nitong iglesia ng mga Gentil 

JUAN 5 :
30  HINDI AKO MAKAGAGAWA NG ANOMAN SA AKING SARILI: humahatol ako ayon sa aking narinig: at ang paghatol ko’y matuwid; sapagka’t hindi ko pinaghahanap ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban niyaong nagsugo sa akin.  
31 Kung ako’y nagpapatotoo sa aking sarili. ANG PATOTOO KO AY HINDI KATOTOHANAN.

JUAN 12 :
49  Sapagka’t AKO’Y HINDI NAGSASALITA NA MULA SA AKING SARILI; Kundi ang AMA na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng UTOS, kung ANO ANG DAPAT KONG SABIHIN, at kung ANO ANG DAPAT KONG SALITAIN.

JUAN 14 :
10  Hindi ka baga nananampalataya na ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ANG MGA SALITANG AKING SINASABI SA INYO’Y HINDI KO SINASALITA SA AKING SARILI: kundi ang AMA na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa.

JUAN 12 :
50  At nalalaman ko na ANG KANIYANG UTOS AY BUHAY NA WALANG HANGGAN; ang mga bagay nga na sinasalita ko, ay ayon sa sinabi sa akin ng AMA, GAYON KO SINASALITA. (Mat 25:46)

MATEO 16 :
18  At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESIA; at ang mga pintuan ng HADES ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.

Kung siya nga’y hindi makagagawa, ni makapagsasalita ng anoman sa kaniyang sarili ay paano nga siyang nakapagligtas ng kaluluwa at nakatubos ng sala ninoman? Gayon ding papaano siya nakapagtatag ng iglesia sa kaniyang sarili? Gayong napakaliwanag na siya’y isang sisidlang hirang lamang nitong Espsiritu ng Dios.

Ayon sa kaliwanagan ng kaniyang mga patotoo ni Jesus ay Espiritu ng Dios na namamahay at naghahari sa kaniyang kalooban ang nagligtas ng kaluluwa at tumubos ng sala ng mga nangaligaw na tupa sa sangbahayan ni Israel. Sa gayo’y maliwanag din na ang nagtayo at ulo nitong kawan ng mga tupa (komunidad ng Dios) ay walang iba kundi ang nabanggit na Espiritu na nasa kaniya.

Sa makatuwid kung gayo’y hindi iglesia ng mga Gentil ang natatag sa kapanahunan ni Jesus, kundi komunidad ng Dios (kawan ng mga tupa). Kaya’t ang hindi maikakailang katotohanan sa usaping ito’y walang itinayong anoman itong si Jesus, at si Pablo sa kaniyang sariling pagpupunyagi ang kaisaisang nagtayo nitong iglesia ng mga Gentil (Palinian Christianity).

Sa talata 15 ay sinasabing walang dakilang saserdote sa Israel na maaaring mahabag sa kahinaan ng mga anak ni Israel. Na sa lahat ng paraan ay tinukso, at gayon ma’y hindi nagtamo ng kasalanan, maliban kay Jesus na pinamahayan at pinagharian nitong Espiritu ng Dios  na sa ilog Jordan ay lumukob sa kaniya. 

Na ang layunin ng Espiritung yaon sa nabanggit na sangbahayan ay alinsunod sa mga sumusunod,

MATEO 15 :
24  Datapuwa’t siya’y sumagot at sinabi, HINDI AKO SINUGO KUNDI SA MGA TUPANG NANGALIGAW SA BAHAY NI ISRAEL.

JUAN 10 :
15  Gaya ng pagkakilala sa akin ng Ama, at ng sa Ama ay pagkakilala ko; at ibinibigay ko ang aking buhay dahil sa mga TUPA. (Mat 15:24, Juan 15:13-15)

JUAN 18 :
37  Sinabi nga sa kaniya ni Pilato, Ikaw nga baga’y hari? Sumagot si Jesus, Ikaw ang nagsasabing ako’y hari. Ako’y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibutan, UPANG BIGYANG PATOTO ANG KATOTOHANAN. (Mat 15:24) Ang bawa’t isang ayon sa katotohanan ay nakikinig ng aking tinig.

JUAN 10 :
27  Dinidinig ng aking mga tupa ang aking TINIG, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin
28  At sila’y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma’y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinomang sa aking kamay.

Gayon ngang ang Cristo ay naparoon sa sangbahayan ni Israel sa katauhan ni Jesus, ayon sa layuning nabanggit sa itaas. Na gaya ng ibang banal na nabuhay sa sangbahayang yaon ay kinilala ng mga anak ni Israel sa kalagayang propeta.









No comments:

Post a Comment