Monday, May 14, 2012

Chapter 4 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 2 of 4)

Sa talata 8 ay binibigyan naman ng diin ng may akda, na ang kapahingahan ng Dios ay hindi naipagkaloob sa pamamagitan ni Josue, sapagka’t kung ito aniya’y natamo na sa panahong yao’y hindi na sana binanggit pa ng Dios sa ibang araw. Bakit, hindi nga ba natamo ng mga anak ni Israel ang gayong kapahingahan sa panahon ni Josue? Kung gayo’y ano baga ang ibig sabihin ng mga sumusunod na talata?


JOS 1 :
13  Alalahanin ninyo ang salita na iniutos sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon, na sinasabi, BINIBIGYAN KAYO NG KAPAHINGAHAN NG PANGINOON NINYONG DIOS, AT IBIBIGAY SA INYO ANG LUPAING ITO.

14  Ang inyong mga asawa, ang inyong mga bata, at ang inyong mga hayop ay tatahan sa lupain na ibinigay sa inyo ni Moises sa dako roon ng Jordan; nguni’t kayo’y tatawid na may sandata sa harap ng inyong mga kapatid, kayong lahat na makapangyarihang lalaking matapang, at tutulong sa kanila;

15  Hanggang sa mabigyan ng kapahingahan ng Panginoon ang inyong mga kapatid, na gaya ninyo, at kanila namang maari ang lupaing ibinibigay sa kanila ng Panginoon ninyong Dios: kung magkagayo’y babalik kayo sa lupain na inyong ari, at inyong aariin, yaong ibinigay sa inyo Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan sa dakong sinisikatan ng araw.

Narito, at maliwanag na kapahingahan ng Dios ang tinamo nitong mga labi ng Israel na nagsitupad sa kaniyang mga kautusan, palatuntunan, at kahatulan. Kung may iba pa ngang kapahingahan na ibig ipahiwatig ang may akda ay maliwanag lamang na hindi niya naunawaan ang katotohanang isinasaad sa Awit 95:7-11.

O, kaya nama’y sadya niyang pinilipit ang matuwid nito, upang ang marami ay papasukin sa doktrinang pangrelihiyon (evangelio ng di pagtutuli), na mula sa karumaldumal na pagmamatuwid ng mga hangal (Gentil).

Kaugnay nito, sa talata 9 ay maliwanag na sinasabing may natitira pang isang pamamahingang sabbath na ukol sa bayan ng Dios.

Hinggil dito ay katotohanang sinasabi namin sa inyo, na yao’y mula sa daya ng kasinungalingan ng may akda, sapagka’t ang kautusan ay gaya ng mga pagkaing nakalatag sa dulang. Ang sinoman, sa nabanggit na dulang ay may layang lumapit at kumain sa kabusugan ng kaniyang kaluluwa. Sa gayo’y walang anomang kaugnayan ang inilalapat ng may akda na “kapahingahang sabbath” sa ikapagtatamo ng kaligtasan ninoman.

Ang nagtutumibay na katotohan sa usaping ito kung gayo’y "nararapat na gumanap sa kautusan ang lahat sa ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan, na kaisaisang kapahingahan na matatamo ng sinomang kaluluwa sa kaluwalhatian ng langit."

Walang ngang ikalawa o ikatlo man, nang dahil sa ang kautusan ay gaya ng araw na sumikat sa lahat ng panahon at hanggang sa ngayo’y gaya pa rin ng araw na ito (kautusan) ay sumisikat sa lahat.

Sa iisang Dios nga’y ano ang maaasahan ninyong pangalawa o pagbabago sa kaniyang mga binitiwang salita noong una. Hindi baga ang kaniyang mga salita ay nananatili ng magpasawalang hanggang na gaya niyang nabubuhay na magpasawalang hanggan?

Sa talata 10 ay katotohanan na ang sinomang pumasok sa kapahingahan ng Dios ay nagpahinga rin naman sa kaniyang mga gawa. Na kung lilinawin ay 

"napagtagumpayan niyang gawin ang nabanggit na anim (6) na yugto ng buhay sa kalupaan (katotohanan, ilaw, pagibig, lakas, paggawa, at karunungang may unawa). Ang ikapitong (7) yugto kung gayon ay yaong paglisan ng kaluluwa sa diminsiyon ng materia, upang pumasok sa dimensiyon ng Espiritu (langit), at yaon ang kapahingahan, na tumutukoy sa buhay na walang hanggan ng iyong kaluluwa."

Sa gayo’y ibinababala namin sa inyo na umiwas sa nakamamatay na katuruan nitong evangelio ng di pagtutuli. Sapagka’t sa katuruang ito’y walang anomang gawa sa mga nabanggit na yugto ng buhay. Palibhasa’y mga katuruang nagpapahayag ng pagpapawalang kabuluhan sa mga kautusan ng Dios.

Isinasaad naman sa talata 11 na magsipagingat ang mga anak ni Israel ng pagpasok sa kapahingahang yaon, upang huwag matisod at madapa ang sinoman sa halimbawa ng pagsuway na ipinakita nilang noong una’y ibinuwal at nilipol ng Dios.

Ang lupa kung gayo’y kanilang dinumihan sa pamamagitan ng mga sumusunod na karumaldumal,


ISA 24 :
5  Ang lupa naman ay nadumhan sa ilalim ng mga nananahan doon; sapagka’t kanilang SINA- LANGSANG ANG KAUTUSAN, BINAGO ANG ALITUNTUNIN, SINIRA ANG WALANG HANGGANG TIPAN.

DUET 27 :
26  SUMPAIN YAONG HINDI UMAAYON SA MGA SALITA NG KAUTUSANG ITO UPANG GAWIN.

DUET 8 :
20  Kung paano ang bansang nilipol ng Panginoon sa harap ninyo, ay gayon ko kayo malilipol; sapagka’t hindi ninyo dininig ang tinig ng Panginoon ninyong Dios.

Ang kalipunan ng mga tao na nagtanyag ng mga aral na may ganap na paghihimagsik sa mga salitang nangagsilabas mula sa bibig ng Dios ay dinumihan ang lupa. Gayon din naman sila na iglesia ng mga Gentil ay lalong dinumihan ang lupa, sapagka’t gaya ng mga suwail at tampalasan noong una’y kanilang,


SINALANGSANG ANG KAUTUSAN

EFE 2 :
15  Na INALIS ANG PAGKAKAALIT sa pamamagitan ng kaniyang laman, KAHIT ANG KAUTUSAN NA MAY MGA BATAS AT PALATUNTUNAN; upang sa dalawa ay LALANGIN SA KANIYANG SARILI ang isang TAONG BAGO, sa ganito’y ginagawa ang kapayapaan.

ROMA 7 :
6  Datapuwa’t ngayon tayo’y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo’y nangamatay doon sa nakatatali sa atin, ano pa’t NAGSISIPAGLINGKOD NA TAYO SA PANIBAGONG ESPIRITU, at hindi sa karatihan ng sulat.

GAL 5 :
18  Datapuwa’t kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu, ay WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN.

ROMA 6 :
14  Sapagka’t ang KASALANAN ay hindi makapaghahari sa inyo: sapagka’t WALA KAYO SA ILALIM NG KAUTUSAN, kundi sa ilalim ng biyaya. (pananampalataya)

ROMA 3 :
20  Sapagka’t sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay WALANG LAMAN na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka’t sa pamamagitan ng KAUTUSAN AY ANG PAGKILALA NG KASALANAN.


BINAGO ANG ALITUNTUNIN
(Sa pagkain at ikapu)

1 COR 10 :
25  Lahat ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo, at huwag kayong magsipagtanong ng anoman dahilan sa budhi;

1 COR 16 :
1  Ngayon, tungkol sa AMBAGAN SA MGA BANAL, ay gawin din naman ninyong gaya ng iniutos ko sa mga iglesia ng Galacia.
2 Tuwing unang araw ng sanglinggo ang bawa’t isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.

2 COR 9 :
7  MAGBIGAY ANG BAWA’T ISA AYON SA IPINASIYA NG KANIYANG PUSO: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya. (JER 17:9-10).


SINIRA ANG WALANG HANGGANG TIPAN
(Tipan ng kautusan at pagtutuli)

1 COR 15 :
56  Ang tibo ng kamatayan ay ang kasalanan; at ang kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan.

ROMA 4 :
15  Sapagka’t ang kautusan ay gumagawa ng galit; datapuwa’t KUNG SAAN WALANG KAUTUSAN AY WALA RING PAGSALANGSANG.

ROMA 5 :
13  Sapagka’t ang kasalanan ay nasa sanglibutan hanggang sa dumating ang KAUTUSAN, nguni’t HINDI IBIBILANG ANG KASALANAN KUNG WALANG KAUTUSAN.

ROMA 7 :
21  Kaya nga nasumpungan ko ang isang KAUTUSAN na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang MASAMA ay nasa akin.

GAL 5 :
6  Sapagka’t kay CRISTO JESUS, KAHIT ANG PAGTUTULI AY WALANG KABULUHAN, kahit man ang DI PAGTUTULI;  kundi ang PANANAMPALATAYA NA GUMAGAWA SA PAMAMAGITAN NG PAGIBIG.

GAL 6 :
15  Sapagka’t, ANG PAGTUTULI AY WALANG ANOMAN, KAHIT MAN ANG DI PAGTUTULI, kundi ang bagong tao.


Magsipagingat nga kayo na huwag gawin ang mga gayong karumaldumal, at manatili kayo sa pananampalataya sa Dios na may mga gawa ng kautusan ng pagibig. Sapagka’t ang mga nagsitalima nito noong una’y maliwanag na pinatototohanan ng mga kasulatang banal na nagsipagtamo nitong kapahingahang mula sa kaisaisang Dios.
Gayon nga rin sa panahong ito’y nananatili ang katotohanang yaon, na siyang tanging pagasa ng sinoman sa ikapagkakamit ng nabanggit na kapahingahan, sapagka’t,

MAL 3 :
6  Sapagka’t AKO, ANG PANGINOON AY HINDI NABABAGO, kaya’t kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob, ay hindi nangauubos.

AWIT 89:
34  ANG TIPAN KO'Y HINDI KO SISIRAIN. NI AKIN MANG BABAGUHIN ANG BAGAY NA LUMABAS SA AKING LABI.

BILANG 23 :
19  ANG DIOS AY HINDI TAO na magsisinungaling, NI ANAK NG TAO na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?

AWIT 105 :
7  Siya ang Panginoon nating Dios; Ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa boong lupa.

8  Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man, Ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali’t saling lahi.

AWIT 111:
7    Ang mga gawa ng kaniyang mga kamay ay KATOTOHANAN  at KAHATULAN. Lahat niyang mga tuntunin (kautusan) ay tunay.

8    NANGATATATAG MAGPAKAILAN KAILAN MAN. Mga yari sa KATOTOHANAN  at KATUWIRAN.


Kaya’t kung paano ipinangako ng Dios ang kaniyang kapahingahan noong una ay gayon din naman ngayon matatamo ng sinoman ang bagay na iyon mula sa kaniya. Kung paano niya ipinangako ang kaligtasan ng kaluluwa at katubusan ng sala noong una’y gayon din naman ngayon na ito’y makakamit ng sinomang maibigin sa kaniya at masunurin sa kautusan niya ng pagibig.

Sa iisang Dios nga kung gayo’y iisang kapahingahan din naman ang tatamuhin ng sinoman mula sa kaniya. Sa gayo’y hindi nga mangangailangan ng anomang pagbabago, palibhasa’y nangatatatag magpakailan kailan man.

Sa talata 12 at 13 gaya ng nasusulat ay ganito ang mababasa ibaba,


HEB 4 :
12  Sapagka’t ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa’t espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.

13  At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni’t ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan.


Kaya nga magsipagingat kayo at matakot sa Dios, na ganapin ninyo ang ayon sa kaniyang mga sinalitang kautusan at palatuntunan. Sapagka’t walang kubling bagay na hindi nahayag sa kaniyang matalas na paningin, at ang kaniyang mga kahatulan ay laging nakaamba sa mga suwail. Ano pa’t ang pagsalangsang sa kautusan at pagbabago ng mga palatuntunan ng Dios ay kinawilihang gawin ng mga tampalasan, na sa panahong ito’y tanyag sa katawagang iglesia ng mga Gentil (Cristianismo ni Pablo).

Pagingatan nyo ngang kayo’y huwag mabighani sa katamisan ng kanilang mga dila na naglulubidlubid ng mga kasinungalingan. At sa katamisan nito’y gaya ng may kabagsikang lason na walang anomang kikitil sa buhay ng inyong kaluluwa. Sila kung gayon ang mga walang awang mamamatay ng kaluluwa na dapat ninyong pakaiwasan sa kalupaan.
















No comments:

Post a Comment