Monday, April 30, 2012

Chapter 3 "SULAT SA MGA HEBREO" ((Part 3 of 6)

Mula sa maliwanag na pahayag nitong si Pablo ay binibigyan niya ng diin, na si Jesus ay isang tunay na Dios at siyang nagtayo nitong iglesia ng mga Gentil. Nguni’t kung si Jesus sa kaniyang sarili ang ating tatanungin ay sasangayunan naman kaya niya ang kalagayang Dios na inilalapat ng taong ito sa kaniyang sarili. Katotohanan din kaya na si Jesus ang nagtayo ng nabanggit na iglesia? 

Hinggil dito ay sinabi,

JUAN 8 :
40  Datapuwa’t ngayo’y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo’y nagsasaysay ng KATOTOHANAN, na AKING NARINIG SA DIOS: ito’y hindi ginawa ni Abraham.

Sunday, April 29, 2012

Chapter 3 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 4 of 6)

Hinggil naman sa mga tupa ay sinabi,

EZE 34 :
31 At kayong mga tupa ko (anak ni Israel), na mga TUPA SA AKING PASTULAN ay mga TAO, at ako’y inyong Dios, sabi ng Panginoong Dios.

MATEO 25:
32  At ilalagay niya ang mga TUPA sa kaniyang KANAN, datapuwa’t sa KALIWA ang mga KAMBING.

33  Kung magkagayo’y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan.

Napakaliwanag kung gayon na ang mga anak ng pagsuway (kambing) na kabilang sa mga anak ng pagsunod (tupa) ang tanging naging sanhi ng pamamanglaw ng Dios na apat na pung taon (40) taon. Ano pa’t katotohanan na nararapat tanggapin ng lahat na tanging mga anak ng pagsuway (kambing) lamang ang hindi kailan man papasok sa Kaniyang kapahingahan. Ang lahing ito sa makatuwid ang nasumpungan ng Dios na mga walang pananampalataya sa Kaniya, na sinasabi,

Saturday, April 28, 2012

Chapter 3 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 5 of 6)

BAUTISMO
Evangelio ng kaharian
(Mula sa bibig ng Cristo)

MATEO 3 :
11  Sa katotohanan ay BINABAUTISMUHAN KO KAYO SA PAGSISISI: datapuwa’t ang dumarating sa hulihan ko ay LALONG MAKAPANGYARIHAN kay sa akin, na hindi ako karapatdapat magdala ng kaniyang pangyapak: SIYA ANG SA INYONG MAGBABAUTISMO SA ESPIRITU AT APOY.

MATEO 28 :
19  Dahil dito’y magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong BAUTISMUHAN sa PANGALAN NG AMA AT NG ANAK AT NG ESPIRITU SANTO.

20  Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo, at narito, AKO’Y SUMASA INYONG PALAGI, HANGGANG SA KATAPUSAN NG SANGLIBUTAN.

Friday, April 27, 2012

Chapter 3 "SULAT SA MGA HEBREO" (Part 6 of 6)


Ang katotohanan na hindi maaaring tanggihan ng lahat ay kabahagi ng Dios itong si Jesus, palibhasa’y namahay at naghari sa kaniyang kalooban at kabuoan ang Espiritu nito sa kapanahunan nilakaran niya sa sangbahayan ni Israel. Ano pa’t ang sinoman na kabahagi ng Cristo ay maliwanag nga ring kabahagi ng kaisaisang Dios.

Datapuwa’t sa kalagayan nitong mga kasapi sa iglesia ni Pablo, na ngayo’y nahayag sa inyo sa liwanag ay nasumpungan silang hindi kailan man nakalakip sa mga bahagi ng Cristo. Kundi sila ang kalipunan ng mga tao na nagtanyag ng mga aral na may ganap na paghihimagsik sa mga salitang nangagsilabas mula sa bibig ni Jesus.